Tuesday, February 01, 2005

Sana'y Maisip Mo

Sa'yong mata nakita
ang tunay na ligaya
Ngunit kahit naisin ko
Tayo'y hindi magkatagpo

Lagi kang pinangarap
Ikaw ay makasama
Laman ka ng aking dasal
Ikaw sana ay mahagkan

Alam mo naman na
inalay ko ang puso ko
Ngunit gano'n pa man
Pakinggan mo ang awit ko

Hangad ko'ng 'yong ligaya
sa piling ng iba
At kung ika'y iwanan
ito ang 'yong tandaan
Sana'y maisip mo
Ako'y naririto

Labis kang minahal
Alam ng Maykapal
Laman ka ng aking puso
ngunit ako ay sumuko

Kahit anong isipin
Ika'y nasa damdamin
'Di mo man ako mahalin
handa ito na tanggapin

3 comments:

lala said...

I created this one when i was about to review for my midterm exam in Integral Calculus. Bored lang ako. Ü

I just heard some guitar strummings from a radio station (it was from an ad) and I kind of sang along with it with random lyrics... kaya yun. Medyo mushy nga lang... soft rock sya, pero wala pang chords or whatsoever! penge ng help Kuya Bryce and Air! Ü

lala said...

i forgot.. this is my first filipino (or tagalog)composition!

Air Acilegna said...

sure qreux!! ahishhish.. next time magugulat ka nalang at tatawag uli kami sa bahay ninyo ni kuya bryce,, at yayayain kang mag-jam!

nice composition,
ako..i can't compose a tagalog one!!! lalo 'pag song na.. (-.-)