Saturday, October 08, 2005

Ako.



Ako ay weird.
Oo, minsan naiisip ko weird ako. Ewan. Hindi ko alam kung bakit. Weird no? Hehe. Whatever.

Tamad ako!
Isa ito sa mga bagay na gusto kong baguhin. Tamad akong gumawa ng assignments, mag-review, maglinis ng kwarto, kumain, LAHAT! Buti na lang hindi ako tamad huminga.

Les=Late
Kakabit na yata ng pangalan ko ang word na "late". Syempre kapag tamad ka, kakambal mo na ang pagiging late. Akala ko nga dati, kapag college na ko hindi na ko male-late... pero mali pala ako. Maling-mali.

Tahimik.
Karaniwan, yan ang description sa kin ng mga taong hindi ako kilala o hindi close sa kin. Wahaha! Sa totoo lang tahimik lang talaga akong tao. Siguro maraming kokontra lalo na yung mga barkada ko. Kaya nga minsan naiinis ako kapag sinasabihan akong tahimik. Pero siguro tahimik lang ako kapag may kasama akong hindi kilalang tao, o kaya kapag may napapansin akong kakaiba sa mga tao sa paligid ko. Ako ang taong mahilig mag-isip. Kaya kapag nasa silent mode ako, asahan mong may iniisip ako. Maaaring tao o bagay.

Malibog...?
Last Wednesday bumili ako ng pin na may nakalagay na "If you're already this close, why don't you just suck my dick?"...
Uhmmm... malibog na ba yun?

Malalim. Daw.
Hmmm... Siguro.

Kuripot. Daw.
Oist mga peeps, hanggang dito na lang muna nagtitipid kasi ako sa kuryente eh at saka baka maubos agad ang card ko. Bye!