Monday, June 30, 2008

Mike Enriquez, Hindi na Nakakatuwa!

Medyo napansin ko lately na itong si Mike Enriquez eh napapadalas ang pagki-clear ng boses on nationwide television at pagkatapos ay magsasabi ng kanyang trademark na "Excuse me po!". Hindi ko maintindihan kung marami bang nakabarang plema sa lalamunan nya o katatapos lang niyang kumain ng isang toneladang chocolate with almonds.

Naging suki na siya ng mga mahilig mag-spoof dahil sa kanyang gawi na iyon. Pero habang nagtatagal eh parang hindi na nakakatuwa at nakakatawa. Kung nagpapakyut siya, eh tigilan na niya. Sa tingin ko nga dapat magbakasyon muna siya at magpasuri sa doktor. Medyo nakaka-bother na kasi ang madalas niyang ginagawa na iyon. Kumbaga sa panonood ng pelikula (o kaya'y pakikipag-ano), kung kelan ka nasa climax [ng istorya] saka naman may biglang mangiistorbo dahil sa pag-"ehem". Badtrip diba?

Anyways, congrats kay Manny Pacquiao. Medyo natatawa lang ako sa mga clips na pinapalabas sa news (sa 24 Oras) partikular dun sa ipinapakita yung mansion ni Pacquiao kung saan nandoon ang kanyang MGA kamag-anak at MGA MALALAPIT na kaibigan. Ang DAMI kasi niyang mga MALALAPIT na kaibigan at kamag-anak. Siguradong-sigurado ako na noong naguumpisa pa si Manny eh wala ang mga yan. Tsk Tsk. Iba talaga ang nagagawa ng pera at popularidad.

Ü

6 comments:

kathreen said...

yea. parang ndi xa professional :)

eniweiz, inadd n dn kta :)
miss q n kayo.

ingat lgi.

Air Acilegna said...

di ako gano nanonood sa 7 pero isang beses nung nasa bus ako dahil 24 oras ang pinapanood nila, ginawa yan ni mike enriquez.. pangalawang beses ko na yun natsempohan.. at TAKE NOTE di pa ako nanonood niyan sa 7 a.. hahaha.. pano pa kaya ang mga masusugid na kapusooww.. haha

lala said...

Eh kasi naman puro kapuso mga tao dito. Pero wala naman akong peyboritisim sa mga tibi steysyon. Basta medjo naiirita lang ako kay Mike pag gumaganun sya. hehe

Anonymous said...

Bakit may mga issue na hindi naman kapakipakinabang sa boung bansa sa programa ni mike, tulad na lang sa isyu niya kanina at almost 8:45 tungkol sa exmplary employees award sa mga taga BIR, ang galing naman nila at ginagawaran sila ng ganoong award,na sa halip ang taxpayer na mga malilit na empleyado na nagpupumilit na magbayad ng buwis, tulad ng mga maliliit na negosyante, na sa totoo lang pabigat ang mga buwis na ipinapataw, na dito sa mga ito naggagaling ang sahod ng mga taong ito na pinaparangalan ni mike dahil sinasakyan niya ang naginitiate ng ganiyang move na magaward sa mga exemplary employee, sa totoo lang hindi na sila dapat pang bigyan ng ganoong papuri, para sa ano pang uto? itong mga napipilitan na magbayad ng buwis ang dapat parangalan ni Mike o ninuman, dahil iyang mga iyan corruptman o hindi ay pinasusuweldo ng mga taxpayer, Mike pls look at the other side, sa totoo lang hypocrite lang magsasabi na natutuwa siya sa palakad ng pagbubuwis sa mga mamamayan,maniwala ka Mike isang taxpayer ang naghahabol ng due para sa monthly sales tax isang nagpupumilit mabuhay ng marangal, dahil walang benta umutang sa bumbay para may ipambayad sa bir, nalet ng isang araw, minultahan ng collection sa bir. tignsann mo yan mike, gaano kaobjectibo ang bir, sa ganitong mga kas, an g tingin lahat nila sa negosyante ay bigtime businessman, wala silang consideration sa mga maliliit na negosyante, ganoon na lang ba bayad ka ng buwis kahit walang kita, kung hindi ka makabayad pasensiya ka. Natutuwa ako na may ganitong vehikulo [ara mai air ang aming sentimiento, pa na may pareho kung pananaw inaanyayahan ko kayo na follow me expose our sentiment.

darlyn said...

production assistant aq ni mike enriquez and personal q xang nakakasama araw araw..oo..punong puno talaga xa ng plema..hehe..lagi xang inuubo because 15 hours a day ang work nya..lagi xang exposed sa kung anu anung bagay..

darlyn said...
This comment has been removed by the author.