Wednesday, April 05, 2006

Praning


Napakahirap malagay sa isang sitwasyon na hindi mo alam kung may daan palabas.

Minsan nakakalungkot isipin na hindi mo lubos na maipadama sa isang taong mahalaga sa'yo kung gaano siya kahalaga dahil sa ilang mga aspeto.

Nakakalungkot. Parang wala akong kasiguraduhan sa hinaharap. Iniisip ko kung may patutunguhan ba ang lahat ng nangyayari sa'tin ngayon. Oo, masaya tayo ngayon. Kuntento tayo ngayon sa kung ano mang meron sa pagitan natin. Pero... paano ang hinaharap?

Alam kong may ideya ka na kung ano ang mga posibleng mangyari dalawang taon mula ngayon. Pero natatakot pa rin ako. Paano kung hindi maganap ang lahat ayon sa mga plano natin? Mapupunta lang ba ang lahat sa wala?

Oras, distansya at mga tukso ang pinakamatinding kalaban natin ngayon. Sana, hindi dumating ang araw na pinakakakatakutan ko.

No comments: