Monday, January 19, 2009

I Hate Mondays

May ginagawa akong post ngayon, pero hindi ko matapos. Nung 16th ko pa ginagawa yun eh, hanggang ngayon hindi ko matapos. Sana naman hindi yun matulad sa iba kong posts na hanggang ngayon eh hindi pa natatapos. Hindi naman ako masyado naniniwala sa mga horoscope pero sa tingin ko maniniwala na ko, na ang mga Geminis daw eh magaling lang sa paguumpisa ng mga bagay-bagay pero hindi naman natatapos. Sows!

***

Yung naka-pending na ipopost ko dapat eh tungkol lang naman sa mga estudyante na na-suspend dahil sa blog. Medyo nakakatakot yun kung iisipin lalo na kung iisipin ko na meron akong mga ilang post dito na parang may kahawig na tema tulad ng sa sinulat ng mga estudyanteng yun. Pero naisip ko, bakit ako matatakot kung may katotohanan naman ang mga sinulat ko? At bakit din ako matatakot kung graduate na 'ko? Hehe.

***

Gusto ko rin sanang ikwento yung naging adbentyur ko sa DFA nung kumuha ako ng passport... pero hihintayin ko muna dumating yung passport sa thursday. Mahirap na kasi baka kwento ako ng kwento yun naman pala mapupurnada, diba? diba?

***

I'm excited about something! Will tell you guys kapag sure na sure na! Ü

1 comment:

Tsina said...

Aray ko, Gemini din ako. Sapol!

At aray ko, na-suspend na ako! hahaha!

Stay happy. :)