Saturday, August 05, 2006

Mahiwagang Baul


Nang minsang madatnan ko ang umaga nagtaka ako dahil isang papalubog na araw ang nakita ko. Nagtanong ako sa langit:

"Tuluyan na bang lulubog ang araw sa umaga, at makikita ang buwan sa bawat paggising ko?"

Sumagot ito at sinabing:

"Nagkakamali ka. Ang araw ay lulubog sa umaga at... Hindi ko pa alam kung MAPAPASAIYO ang buwan."

"Ngunit hindi ko naman hinihingi ang buwan. Gusto ko lang itong makita sa umaga kung sakaling hindi mo na papasikatin ang araw."

Hindi na sumagot pa ang langit. Hanggang ngayo'y naghihintay pa rin ako sa magiging sagot nito.


*This post has the original title of "Nanghihina". I saw this work of mine when i was browsing my friendster inbox. I made this December 2004 and posted it in the Friendster Bulletin. The reason why i saw this in my inbox is that somebody sent me a message of reaction for this post, and it said that it was too dramatic. Agree? lol

No comments: