Thursday, May 15, 2008

Isang Patalastas

Haay. Talagang medyo naaasar na ko sa sarili ko.

Tatlong (plus one) posts sana ang nakahilera ngayon para ilagay sa aking blog subalit naka-save lamang ang mga ito sa aking kompyuter. Hindi ko matapos-tapos ang mga posts na iyon dahil sa tuwing inuumpisahan ko ang isang post eh bigla naman akong makakaisip ng ibang topic and i'll jump right into writing another post about it right away, na hindi rin matatapos dahil makakaisip na naman ako ng ibang bagay. Haay, ang gulo ng isip ko!

Pero actually, baka tinatamad lang ako. Hehe.

Abangan ang mga sumusunod na posts sa darating na mga araw o taon:

  1. Before and After
  2. Karera, ATBP.
  3. Mga Gabay sa Pagiging Isang Mabuting Mamamayan
  4. Sikat ang Vagina ni Vincent

Sabi nga nila, Patience is a virtue, kaya sana kahit abutin ng limang taon bago ulit ako sipagin na mag-update eh may mga bumibisita pa rin sa blog ko.

Salamat sa inyo! Ü

Monday, May 05, 2008

Courage

Mixed emotions.

Masaya ako dahil sa wakas ay nagawa ko ang isang bagay na akala ko nung una ay imposible kong magawa. Magaan sa pakiramdam, dahil alam kong sa kabila ng lahat ay walang nagbago. Maraming salamat sa'yo. Napakalaking bagay para sa kin ang nagawa kong iyon. Isang kaganapan na hindi ko makakalimutan.

Kilala mo kung sino ka, at alam kong nababasa mo ito. Alam kong naguguluhan ka sa mga bagay-bagay ngayon, pero masaya ako na nandyan ka pa rin. Maraming salamat. Ü