Friday, November 30, 2007

Paksiw

Bukas umpisa na ng buwan ng Disyembre.

...

...at malapit na naman ang Valentine's Day.

Naaalala ko noong Grade 1 pa ko, laging kasabay ng Valentine's Day ang Teachers' Day. Syempre laging bida ang mga titser kapag ganung araw. Karaniwan roses ang binibigay sa kanila. Hindi pa ko masyadong sweet nung Grade 1 ako. Grade 3 na yata ako nung nag-umpisa akong bumili ng bulaklak para sa Teachers' Day. Kaya't nung sumapit ang araw na yun that time, napansin kong nagkalat ang mga nagtitinda ng mga roses sa gate ng skul namin, kaya bumili ako ng ISA. Ibinigay ko ang nag-iisang bulaklak na yun sa peyborit kong teacher at death threat naman sa aking Math teacher.

Loko lang. Ü

Hindi ko alam kung meron talagang "Teachers' Day" na tinatawag. Bata pa ko nun, at walang kamuwang-muwang sa mundo. Noong tumuntong na 'ko ng hayskul (sa parehong eskwelahan) hindi ko namalayan na wala na palang Teachers' Day na sineselebreyt. Siguro inimbento lang ng skul na yun yung ganoong okasyon para hindi mag-premarital sex ang mga Grade 1 pag Valentine's Day.

...

...

Basahin nang malakas at mabilis (ang hindi sumunod panget):

PASKO, PAKSIW, PASKO, PAKSIW, PASKO, PAKSIW (repeat till fade)

...

...


Medyo asar na ko sa kwarto ng bahay na katabi lang ng kwarto ko kasi laging pinapatugtog ang "My Valentine" ni Martina McBride. Take note: Infinite Loop! Hindi tuloy ako masyadong makapag-concentrate ng maayos sa sinasalitype ko ngayon. Kaya naman napunta sa Valentine's Day ang mga una kong nasulat imbes na tungkol sa Pasko.

Grrr. Ako lang yata ang nalulungkot kapag pasko. Hindi naman ako christmas-hater. Ewan.

Balik ulit tayo nung Grade 1 pa ko. Noong mga panahong iyon, palibhasa around 5:30 ang uwian namin at maagang nagdidilim ang buong paligid, galak na galak ako kapag uwian na. Nakikita ko kasi ang daan ko pauwi na halos nababalutan ng christmas lights. Syempre musmos pa lang ako nun kaya aliw na aliw ako sa mga kumukutikutitap na mga ilaw.

Noong mga panahong iyon talagang maiisip mo kung gaano kasaya tayong mga pinoy kapag sumasapit ang pasko, pano ba naman Setyembre pa lang eh, halos kung saan ako lumingon may christmas lights:

Sa mga bintana, may christmas lights.

Sa mga pintuan, may christmas lights.

Sa mga pader, may christmas lights.

Sa mga gates, may christmas lights.

Sa mga poste, may christmas lights.

Sa mga puno, may christmas lights.

Sa mga flowers, may christmas lights.

Kahit puso ng saging, may christmas lights.

Ipis: (boses-ipis) bakit ako walang christmas lights?

(uuyy. nagboses-ipis ka no?)

Pero ngayon ibang-iba na. Noong minsang umuwi ako ng medyo late na, parang napansin kong wala akong nakitang mga christmas lights. Wala na yung mga makatawag-pansin na mga kutitap. Hindi na rin kami naglalagay ng mga christmas lights matagal na. Christmas tree na lang.

Iniisip ko tuloy na pambata lang siguro ang pasko. Aaminin ko na nung bata ako, excited talaga ako kapag pasko... kasi lagi ko hinihintay si Santa Claus... na hindi naman pala totoo! Paniwalang-paniwala ako nun na si Santa Claus ang naglalagay ng mga kendi sa medyas na sinasabit ko tuwing Christmas Eve. Kaya naman one christmas (nung bata pa rin ako) naisipan ko na gumawa ng letter para kay santa. Syempre binati ko muna siya ng merry christmas, sabay sabi kung gano siya kabait at kung gano ako kabait na bata. In the end, sinabi ko ang mga gusto ko matanggap sa pasko: Gameboy (yung classic, super uso 'to dati), damit, pantalon (sinabi ko rin sa letter yung size), sapatos (dinrowing ko naman yung paa ko sa isang pirasong papel kasi hindi ko pa alam dati yung size ng paa ko), at yung iba hindi ko matandaan. Tinupi ko ang sulat na yun at nilagay sa pinakamalaking medyas na nakita ko that time. Kung dati lagi ko sinasabit yung medyas ko sa tabi ng mga medyas ng mga pinsan ko, noon nag-solo ako. Baka kasi makita ng mga pinsan ko na may letter sa loob maki-gaya pa. Kinabukasan, walang laman ang medyas. Kahit kendi, wala. Napaka-optimistic ko nung bata ako kaya inisip ko na lang na baka hindi nakita ni santa yung medyas ko.

Kung tutuusin naging masaya na rin naman ang pasko ko kahit paano nung bata pa ko. Kahit wala yung nanay ko, sumasama ako sa mga pinsan ko kasama ang mga magulang nila kapag namamasko sa mga ninong at ninang nila. Kumbaga, sabit lang ako. Hindi ko kasi kilala ang mga ninong at ninang ko... hanggang ngayon. Malamang hindi rin nila ako kilala. Hindi sila pinakilala sa kin. Kaya hindi ko naranasan yung magmano sa mga 'ninong' at 'ninang'. Nakikimano lang ako nun sa kung sinong mga ninong at ninang na pagmamanuhan ng mga pinsan ko. Yung mga ninong at ninang nila talagang malaki ang binibigay na aguinaldo, minsan may kasama pang regalo. Sa 'kin wala. Simpleng "merry christmas sa'yo iho" lang. Mga kamag-anak ko lang ang nagbibigay sa kin ng aguinaldo. Kaya naman pag nagpalakihan na ng mga aguinaldo kaming magpipinsan, lagi akong talo.

Ganun lagi tuwing pasko nung bata pa ko.

Nitong mga nagdaang pasko, madalas ko pinapalano na umalis ng bahay at i-treat ko naman ang sarili ko sa araw ng pasko. Yayain ang mga kaibigan na pumunta sa mall, mamasyal, kumain, manood ng sine. Pero alam kong hindi sila papayag, dahil hindi papayag ang mga magulang nila na umalis sila sa araw ng pasko. Sa 'kin kasi walang pipigil. Wala dito ang nanay ko, wala akong tatay, yung lolo ko alam ko medyo magagalit kapag umalis ako pero wala na siya, yung lola ko naman alam kong maiintindihan ako, yung mga inaanak ko naman pwede kong iwanan na lang yung regalo/aguinaldo nila... kaya iniisip ko nun na kahit mag-isa ako aalis pa rin ako ng bahay at aaliwin na lang ang sarili. Pero naisip ko pa rin in the end na malungkot pa rin ang mag-celebrate ng pasko mag-isa.

...

Siguro nga, pambata lang ang pasko.

...


Maligayang pasko sa inyo! Ü
Been blogging for nearly 3 years, and this is my first about-christmas post.

Saturday, November 24, 2007

Ang Alamat ng Gift Certificate




Noong unang panahon, ipinanganak ang tatlong sanggol na siyang nakatakdang magbago sa kapalaran ng sangkatauhan.

Lumaki nang maayos ang tatlong sanggol na ito hanggang sa itinakda ng tadhana na sila ay magkakilanlan. Nagbinata si Ed-Ed at nagdalaga sina Mon-Mon at Mag-Mag. Naging magkaibigan ang tatlo. Ngunit mas naging malapit sa isa't isa ang dalawang babae, habang lagi namang napag-iiwanan ang nag-iisang lalaki na si Ed-Ed.

Mon-Mon: "Ang sarap ng donat!"

Mag-Mag: "Oo nga! Simula ngayon peyborit ko na ang donat!"

Mon-Mon: "Hindi ba tayo tataba nito girl?"

Mag-Mag: "Duh?! Ang taba na kaya natin!"

Mon-Mon: "Hihi! Akala ko di mo pansin eh!"

Lumipas ang mga araw at napansin ni Ed-Ed na hindi na siya isinasama sa lakaran nila Mon-Mon at Mag-Mag.

Ed-Ed: "Huhuhu! Lagi na lang ako mag-isa ngayon... anong gagawin ko?"

Habang ngumangalngal si Ed-Ed ay bigla na lamang lumitaw ang isang kakaibang nilalang mula sa kawalan na tila nababalot sa nakakasilaw na liwanag.

Ed-Ed: (nasisilaw) "Hu u?"

Kakaibang Nilalang: "Ako ang iyong konsensya na half-fairy"

Ed-Ed: "Ah oki. Naks."

Kakaibang Nilalang: "Napansin kong namomroblema ka sa iyong dalawang kaibigan."

Ed-Ed: "Huhu! Lagi na lang nila ako iniinggit sa mga donat na kinakain nila! Huhuhu!!!"

Kakaibang Nilalang: "Hmmm. Kung gayon, bibigyan kita ng maraming salapi para makabili ka ng maraming donat!"

Ed-Ed: "Wow. Thanks!"

At nagkaroon na nga ng maraming salapi si Ed-Ed at ibinili ito ng maraming-maraming donat. Napansin ito nila Mon-Mon at Mag-Mag kaya nagkasama-samang muli at lalong naging malapit sa isa't isa ang tatlong magkakaibigan. Ngunit isang araw...

Ed-Ed: "Salamat sa'yo at naging close na ulit kami ng aking mga friends!"

Kakaibang Nilalang: "Wala yun. Pwamis. Ü"

Ed-Ed: "Teka ano nga pala ang pangalan mo?"

Kakaibang Nilalang: "Since ako ang iyong konsensya na half-fairy, ang pangalan ko ay kabaligtaran ng iyong pangalan."

Ed-Ed: "Ah... so ang pangalan mo ay *censored* !!! Nyahaha!!! *censored* pala ang pangalan mo! Pero infairness hindi ka mukhang *censored*!"

Kakaibang Nilalang: "How dare you to make lapastangan of my name! Simula ngayon babawiin ko na ang mga salapi na ibinigay ko sa'yo!"

At simula nga noon ay nawalang parang bula ang mga salapi ni Ed-Ed.
Isang araw...

Mon-Mon: "Maligayang bati sa'yo Ed-Ed!"

Ed-Ed: "Ha? Bakit anong meron?"

Mag-Mag: "Hindi mo ba alam? Today is Donut Day!"

Mon-Mon: "Eto nga o, may regalo ako sa inyong dalawa... DYARRAANN!!! Special Donuts!"

Mag-Mag: "Hihi! Girl pareho pala tayo ng regalo!"

Mon-Mon: "Ayos, mahaba-habang donut session 'to!"

Mag-Mag: "Ikaw Ed-Ed, anong regalo mo sa min?" (excited)

Ed-Ed: "Uhmm..."

Mag-Mag: (nagtaas ng kilay)

Mon-Mon: (nagtaas din ng kilay)

Ed-Ed: "Eto na lang ang regalo ko sa inyo..." (naglabas ng isang papel)


Mag-Mag: "Ano 'to????"

Ed-Ed: "Uhmm... imbento ko. Available at all leading department stores nationwide."

Mon-Mon: "Wahaha!!! You're so pathetic, like antibiotic!"

Mag-Mag: "Of course intercourse! Agree ako sa'yo Mon-Mon!"

Ed-Ed: (nag-init ang ulo at kumuha ng mga donat) "Etong dapat sa inyoooooo!!!!"

Isinalaksak ni Ed-Ed ang mga donut sa mga bibig nila Mon-Mon at Mag-Mag. Halos hindi makahinga ang dalawang babae sa ginagawa ni Ed-Ed pero nakuha paring abutin ni Mon-Mon ang papel na hawak kanina ni Ed-Ed at kanya ring isinalaksak sa bibig ni Ed-Ed. Namumungalan ang tatlong magkakaibigan sa mga laman ng kanilang mga bibig. Hindi nagtagal ay nawalan ng malay ang tatlo. Pero naka-smile.

Kinabukasan ay hindi na matagpuan ang tatlong magkakaibigan. Hanggang ngayon ay hindi pa rin alam ang naging dahilan sa pagkawala ng mga ito.

Lumipas ang mga araw, napansin ng mga taumbayan na may biglang tumubo na papel sa lugar kung saan huling nakitang walang malay ang tatlong magkakaibigan. Umabot ito sa kaalaman ng isang negosyante.


Negosyante: "Hmm. Napakahiwaga ng papel na to. Parang certificate... pero may nakasulat na 'gift'. Hmmm...gift... certificate..." (light bulb) "GIFT CERTIFICATE!!! Okey to ah! Bagong pa-uso!"



-The End-

Saturday, November 17, 2007