Kagabi, nakakita ako ng mga langgam na itim sa kwarto ko. Ang gara. Weird. Ni hindi ko nga alam kung saang parte ng kwarto ko naggaling ang mga yun. Pero kitang kita ko na nanggagaling sila sa ilalim ng linoleum ng kwarto ko. Ayoko namang halungkatin yung linoleum kasi baka maistorbo ko pa yung mga langgam tapos biglang magwala ang mga yun, eh di problema ko pa pagtulog ko… anyways napansin ko naman na papaalis sila ng kwarto ko kaya hindi naman ako masyado nag-panic. Pero nagtataka lang talaga ako kasi ngayon lang yun nangyari sa history ng kwarto ko na sobrang daming langgam na para bang nagma-migrate sa labas. Katapusan na kaya ng mundo? Wakokok. Anyways hindi naman talaga tungkol sa mga langgam ang post ko ngayon. Wala lang. Wala kasi akong maisip na title eh.
Actually kaya ko lang naikwento ang mga langgam kasi wala akong maisip na introduction sa nangyari last Friday ng gabi hanggang Saturday ng umaga. Wakokok. Pero para sa ‘kin kakaiba ang nangyaring yun, lalo na nung madaling araw ng sabado.
Lunes ng gabi. Napagkasunduan naming mag-perya tutal 7pm naman ang tapos ng klase tuwing Monday. So ayun, taya dito taya doon. Pero ako hindi tumataya (kung tumataya man, konti lang) kasi mauubos na yung monthly allowance ko, eh next month pa magdedeposit ang aking inay. Tapos napagkasunduan nang umuwi kasi hindi kami ganun kaswerte nung gabing yun. Unang umuwi si Sarah. Tapos si Tune. Kaso ito pa lang si Maui, ayaw pa umuwi. Ok lang sa ‘min, sanay naman kaming umuuwi ng dis-oras ng gabi (lalo na ‘ko). Kaya ayun. Balak pa nga muna umuwi ni Nani para kumuha pa ng pera pantaya kaso… ang layo, Hagonoy pa. Hehe! Sabi namin sa ibang araw na lang. Napagkasunduan naming kumain na lang. Kaya lang si Nani wala na pala talagang pera, pamasahe na lang ang natitira. Ayun, biniro namin si Maui na ilibre na lang kami. Actually biro lang talaga yun, pero ok lang naman daw sa kanya. Ewan ko ba kung bakit nahihiya si Nani at Mandap na ilibre sila ni Maui pero ako hindi (kapal, wakokok). Pero para hindi naman masyado nakakahiya kay Maui, ako na lang ang sumagot ng inumin namin. May konting pera pa naman kasi ako nun. Ewan ko kung bakit, pero biglang nagsalita si Nani na sya naman daw ang babawi next time. Magpapa-inom daw siya. Sa Friday daw.
Wednesday, may isang estudyante ang hindi pumasok sa drawing class namin. Balita nga namin nabasted daw. Pero hindi ko muna ibubunyag ang pangalan ng batang ito. Pero bibigyan ko kayo ng clue. Pero dapat mahirap. Ang name nya ay H*rnanie Alfonso. O, mahirap yan ah. Baka naman sabihin nyo ang daya ko kaya ipo-post ko din ang picture nya. Kaya lang let’s protect the privacy of others kaya lagyan na lang natin ng white stripe ang isang bahagi ng mukha nya para mahirapan kayong kilalanin siya. Heto:
Friday. Sa wakas dumating din ang Friday. Actually akala nga namin hindi matutuloy kasi gusto namin sana na sa isang bahay na lang kami uminom para ok. Niyaya namin si Kuya Ferds kaso hindi na DAW pwede sa kanila. Ewan ko ba dun. Wala na talaga kaming choice kaya dun na lang kami uminom sa Mary Ann’s Canteen… dun sa tapat ng main gate ng BSU (wow nag-advertise). Personally, gusto ko talaga ng hard na inumin. Hindi kasi ako sanay sa beer. Ewan ko ba abnormal yata ang panlasa ko pero naaalatan ako sa beer. At saka ang lakas makalaki ng tiyan yun… baka kasi lumaki tiyan ko, sayang naman abs ko. Wakokok! Pero ayos lang, hindi pa naman ako tumataba sa buong buhay ko, sabi nga nila swerte daw yung ganun kasi nakakain daw lahat ng gusto.
Anyways, dun na nga bagsak namin. Wala daw hard dun. Puro beer lang. Wala na kaming choice. Kaya binanatan na namin. Medyo marami rin kami nun… si Nani, ako, Tune, Mandap, Gat, Andrea, Maui, Jam, Mel, Aisha, Sarah, Karla at Fei (kung may nakalimutan pa ko, sabihin nyo na lang). Dumating din si RC, kaso sandali lang umalis din agad. May videoke din dun… syempre palalagpasin ba nila yun.
Unti-unti nang nag-alisan yung iba kasi hindi sila pwedeng gabihin. Unang umuwi sila Karla at Fei. Tapos hinatid naman ni Gat si Andrea. Si Mel din umuwi, lasing na kasi yun bago pa nakipag-inuman sa ‘min. Hindi ko matandaan kung anong oras kami umalis dun sa Mary Ann’s. Siguro mga 11pm na. Nasuka pa nga ako nun pagkalabas namin. Ang cute pa nga ng sinuka ko eh, parang ulam na may white sauce. Wakokok! Yan tuloy, naalala ko tuloy yung burger steak sa KFC (Kapitolyo Food Court).
Nang papalakad na kami papunta ng perya, nakita namin na bumalik pala ulit si Gat at Andrea. Hindi na daw kasi kaya ni Andrea. Eh naaalangang naman daw na ihatid ni Gat sa bahay nang lasing kasi syempre baka shotgun ang sumalubong sa kanila.
Napagkasunduan namin na wala na lang uwian. Kaya lang ang problema namin, wala kaming matutuluyan. Hindi ko matandaan kung sino ang nag-suggest na sa isang appartelle na lang daw kami tumuloy. Naisip ko, wow kakaiba to… first time ko makakapasok ng motel (o appartelle) kapag nagkataon.
Una naming pinuntahan yung motel (tatawagin ko na lang motel para mas madaling itype) na may word na “Green” sa pangalan malapit sa chowking crossing. Hindi ko na talaga matandaan yung pangalan, hindi ko alam kung dahil sa kalasingan o talagang nakalimutan ko lang. Bad trip, umuulan pa nun. Dalawa lang ang may dalang payong sa amin. Syempre nahihiya kaming mag-inquire sa motel kasi baka isipin pa nila mago-orgy kami… wakokok! Pero inisip na lang namin na wala naman talaga kaming ibang gagawin dun kundi matulog. Pero namahalan kami. Gusto kasi namin magsama-sama kaming siyam sa iisang kuwarto. Kaso hindi daw pwede. Policy daw nila yun. Pero nung nakipag-ayos kami sa presyo, namahalan naman kami. Kaya naisip namin na lilipat na lang kami sa ibang motel, dun sa “Flying A”. Pero hindi praktikal kung lahat kami pupunta dun para lang mag-inquire kasi medyo malayo din yun para lakarin, wala pa namang masyadong jeep nun tapos umuulan pa. Kaya nag-elimination round muna kami, yung “maalis-alis” (alam nyo yun, yung pambata). Sa kasamaang palad isa ako sa tatlong malas na pupunta dun para pumasok at magtanong. Kasama ko sila Gat at Mandap.
Wala na kaming nagawa kaya ayun sinugod agad namin yung Flying A! Wakokok.
First time ko talagang mag-inquire sa isang motel, tapos mga lalaki pa kasama ko. Iniisip ko nga kung anong iniisip ng mga taong nakakita sa min sa loob eh. Nalaman naming mas mahal pala dun sa Flying A kahit mukhang bulok. Naisip namin na sa Star Mart (Caltex) na lang muna kami tumambay kaya tinext namin sila Nani. Kaso mga 20 minutes ang lumipas parang naghihintay pa rin kami sa wala, kaya naisip naming bumalik uli kung san namin sila iniwan. Kaso nung malapit na malapit na kami, saka lang sila nagtext na nasa Star Mart na sila. Di ba nakaka-bad trip? Umuulan pa naman nun kaya basang-basa kami tapos nun lang nila naisip na magtext. Bad trip talaga ako nun kasi brief na lang ang hindi basa sa kin. Hindi ko lang pinapahalata para wala nang mahabang usapan. Ngayon alam nyo na. Pero tapos na yun. :D
Dun na nga kami nagpalipas ng umaga. Mga hanggang 4am. Tapos lumipat kami sa tapat ng kapitolyo. Ayos na sana yung lakad namin kaya lang umulan. Naghiwa-hiwalay na kmi ng landas ng 5am.
Sana maulit. Kaya lang next time sana may place. Kung wala man, sana hindi umuulan.
Going back to Nani… talagang ganun Nani. Ayos lang yan! Kawalan niya yun. Panget naman pangalan nun eh! Isipin mo na lang siya si Ma’am Janet (a.k.a Amy, Nina, Gwen), tiyak tapos ang problema mo… masusuka ka pa. Wakokok!