Monday, June 20, 2005

Ngus

Birthday ko ngayon. Ok lang. Ayos lang naman kahit medyo wala ako sa mood. Ewan ko pero parang wala talaga akong ganang magcelebrate kanina. Actually para nga akong bibitayin kasi napansin kong halos lahat ng paborito kong pagkain nakain ko kaninang tanghalian, tulad ng isaw, chiken liver at sinigang na baboy. Tapos yung mga paborito kong kanta, kinanta sa isang noon time show. Ang galing nga eh. Parang it’s my day talaga. Medyo malungkot rin ang araw na to kasi wala akong celphone. Iniisip ko nga kung sinu-sino ang mga dapat sana ay nagtext sa kin para i-greet ako.

Sabi ni Jed nagalit daw siya sa kin kanina kasi inindyan ko siya (hehe!), pano ba naman ginawa ko pa yung assignment ko para sa Eng’ng Materials.

2 pm pumasok ako ng school. Pag-akyat ko ng 5th floor ng Eng’ng Bldng., nakita ko agad ang ilan sa mga classmates ko. Alam na nga pala nila yung birthday ko, kaya ayun nakangiti sila nung nakita ako papalapit sa kanila. Sa tingin ko, una nilang napansin yung buhok ko. Nagpagupit kasi ako. Pagkalapit ko sa kanila, bati dito bati doon… pero may isa sana akong taong gusto kong batiin ako, kaso hindi nya ko nabati. Siguro yun ang isa sa mga dahilan kung bakit wala akong gana… pero siguro hindi rin.

Pagkatapos ng klase (mga 6:30pm), nagyaya sila mandap na I blow-out ko daw sila. Ok lang naman sa kin. Pero balak ko muna talagang mag-isa sa birthday ko. Parang gusto ko nun pumunta sa isang lugar mag-isa. Gusto ko muna kasing isipin ang mga bagay-bagay na gumugulo sa isip ko. Gusto ko sanang mawala na ang mga yun, pero parang ayaw akong iwanan.

Well, napunta kami sa jollibee. Ayun nag-treat ako. Kasama ko sila Pau, Jed, Karla, Erx, Mandap at Tune. Kasama din dapat si Roy kaso biglang nawala. Ewan ko ba dun, ayaw yata ng libre. Napansin nilang hindi ako masaya. These past few days naging ganun yung mood ko. Pero once in a while hindi naman.

Sabi ko nga huwag muna sila umuwi kaso medyo strict ang parents nung ibang kasama namin. Sa amin nila Tune at Mandap, ok lang na gabihin. Sayang wala sila Sarah, masarap pa naman silang kasama sa mga ganung lakad, game sila kahit gabihin.

Umalis kami sa jabi mga 8:15pm. Naiwan kami nila Tune at Mandap. Ayoko pang umuwi nun, kaya nagyaya ako sa ibang lugar, kaso… nakakainis ang syudad ng Malolos! Walang thrill!!! Balak sana namin pumunta sa isang music lounge/bar kaso hindi pwde kasi may pasok pa kami kinabukasan. Tumambay na lang kami malapit sa glitters tapos naghiwa-hiwalay na kami ng landas mga bandang 9:15pm.
Hindi ko masyadong na-enjoy ang birthday ko ngayon. Ewan. Mahirap kasi magsaya kung hindi ka naman talaga masaya. Mahirap mag-celebrate ng may pinoproblema ka, lalo na’t kung ang pinoproblema mo ay tao, at lalo na kung ang taong yun ay… HAPPY BIRTHDAY NA LANG SA ‘KIN!

2 comments:

lala said...

hmmm... marahil itatanong nyo kung bakit "Ngus" ang title ng post ko ngayon? word of the day kasi yun. kung ano meaning nun, secret na lang. :D

Bryce said...

Hi les, pasensha na di kita nabati nung june 20 ng happy birthday... wala kasi akong load... at wala akong fone...

Belated happy birthday... sana maayos na problem mo.

*cheers* :)