***
***
***
NAG-RESIGN NA 'KO SA TRABAHO
Sa ilang kadahilanan eh hindi ko pa pwedeng sabihin ang mga dahilan ko kung bakit ako umalis sa trabaho ko. Stay tuned. (Para may thrill)
NAKATIKIM NA 'KO...
...ng frap sa Starbucks. Ewan ko kung dapat ba 'to ipagmalaki. Gusto ko lang malaman kung bakit ang daming taong adik dito. Nung minsan kasing nagawi ako sa Makati nung OJT pa ko, nadaanan ko ang isang branch ng Starbucks. Ang daming tao. Halos lahat ng mesa sa labas eh puno. Siguro kasi 'sosyal' ka kapag nasa starbucks ka. Hindi ko nga rin malaman kung bakit kelangan pang i-post sa friendster ang piktyur ng starbucks-baso na iniinom o ininuman mo. Siguro para ipaalam sa mga friends mo na "Hoy sosyal ako, umiinom ako ng kape sa starbaks!". Pero sa tingin ko hindi na sosyal ang dating ng Starbucks. Jologs na siya. Ang dami-dami ko na kasing nakikitang tao na umiinom nun sa paligid ko. Siguro dahil rin sa nature ng work ko (dati) kaya marami akong nakikitang tao na ginagawang tubig ang kape ng starbucks. Pero kahit na, libre naman ang kape (Nescafe vendo machine) sa work ko. Basta, Starbucks is JOLOGS. PERIOD.
OKEY, inuwi ko ang pinag-inuman ko ng Chocolate Cream Frap ng Starbucks sa bahay. At sinamba.
I LOVE MY PSP!
But I sooo hate my memory sticks! Nakakabwiset. May topak ang mga memory sticks ko, hindi makapag-transfer ng maayos. Minsan kapag nagse-save ako ng game hindi successful, sinasabi lagi na "corrupted data". Yun din ang error na nakukuha ko kapag tinatransfer ko yung mga games ko. I tried everything na, i changed the usb cable, i tried using memory card readers instead... etc. Sayang, 4GB and 8GB memory sticks pa naman yun. It could be an issue with Vista, pero hindi rin kasi nung tinry ko yung 2GB, wala akong naging problema. Oh well. Kaya ko naman magtiis sa ganung capacity, it's just that nanghihinyang lang ako kasi hindi ko magamit ng maayos yung iba kong mem sticks. Huhu. Anyways, I heard naglabas na ang SONY ng 16GB MARK2 Memory Stick last year. This year naman daw maglalabas sila ng 32GB. Waw.
GOBYERNO, GOBYERNO.
Habang tambay ako sa bahay, eh napag-isipan kong kumuha ng mga government IDs para makakuha ng passport. Pero anak ng euglenophyta! Alam nyo ba na ang Voter's ID ay mga isa (1) hanggang dalawang (2) taon bago mo makuha? Na ang SSS ID ay parang ganun din? Na ang Postal ID at TIN ID ay hindi kinokonsidera bilang valid IDs sa pag-aapply ng passport? Pero ang ibang requirements meron na ko, tulad ng NSO birth certificate, Baptismal Certificate, etc. Naisip ko tuloy, tumatanggap din kaya sila ng Gift Certificate? Ehem.
Sa ngayon, yan muna. Balak kong kumuha ng TOR this week. At saka passport. Balita ko impyerno daw ang pagkuha ng passport sa DFA. Pag-iisipan ko pa kung sa Pampanga or Manila ako kukuha. Any suggestions?
Till my next post. See ya. J
The issue about Artificial Family Planning has been a hot topic once again in the conservative and unreasonably over-religious Philippines. I don't know if it's just me but I so hate our catholic leaders there in Catholic Bishops' Conference of the Philippines (CBCP). Please don't get me wrong. I spent my first 12 school years in a catholic school and I definitely know what they are talking about. The thing is, they are so overreacting and they even threaten the law-makers who are pursuing the law about Family Planning to NOT expect any support from ALL catholic Filipinos in the next election. It feels like Spanish era where the friars were abusing the innocence of the budding catholic faith then of the Filipinos. We should learn from Rizal who fought these abuses. We Filipinos are not dumb. We definitely know our faith. Family Planning IS NOT a crime nor WRONG and abortion is NOT Family Planning. What the hell are those priests talking about?
In 1663, Galileo was accused of being an antichrist by the catholic leaders of his time because of his theory that the Earth moves around the Sun which opposed the theory then of the Roman Catholic Church that it is the other way around. In 1992, after 359 years, the Vatican through the late Pope John Paul II finally admitted that Galileo was right. The Vatican now maintains an astronomical observatory at the Pope's summer palace in Castelgandolfo.
Now, what's the point of me saying things about that Galileo affair which embarrassed the Church? Our local catholic leaders should get over their Spanish era-ish pretensions. And please, we have our own minds and we know our bible so stop controlling us catholic Filipinos!
Ang hirap mag-english.
* dinagdag ko na 'tong preposition na 'to, baka pagalitan ako ni Master Carl. Lol.
Maswerte na siguro kung 8am, pero between 9 – 11am usually nagigising ako. Mumog. Punta ng cr, tapos timpla ng kape. Ang almusal ko eh depende kung pumunta ang lola ko ng palengke: minsan puto, suman, nilupak, kalamay, cassava cake, spageti, palabok, goto. Pag walang nagpunta ng palengke, simpleng pandesal lang ang kinakain ko na minsan isasahok ko pa sa kape. Walang mahilig sa mga palaman dito. Ako ok lang. Minsan gumagawa ako ng palaman na pinaghalong mayonnaise at liver spread. Simple lang ang paggawa, paghaluin mo lang ang liver spread saka mayonnaise, at pagkatapos eh isasalin ko sa kung ano mang garapon na makikita ko. Masarap, pramis! Minsan din gumagawa ako ng chicken sandwich spread. Mahilig akong magluto at gumawa ng kung anu-anong makakain, pero ibang topic na yata ito. Hehe.
Pagkatapos kong kumain, minsan lalabas ako at makikipagharutan sa mga aso. Minsan pinapakain ko din ng pandesal.
Maliligo na ko pagkatapos. Minsan kahit gano ako kabusog eh pinipilit kong kumain ng lunch ng alas-dose ng tanghali. Minsan ako nagluluto ng lunch namin. Natutunan ko sa pamamagitan ng kapangyarihan ng internet ang magluto ng adobo, sinigang, pork steak, binagoongan, baboy na may gata, caldereta. Nagpaturo ako minsan magluto ng Bicol Express nung nasa Sorsogon ako, pero natuklasan ko na ang Bicol Express pala ay parang Bagoong na may gata, sili at pinong-hiwa ng taba ng baboy. In short, sawsawan. Akala ko kasi ulam yun. Ewan ko lang, baka nagkakamali rin ako. Hindi na 'ko nangahas pang magtanong kung ano talaga ang Bicol Express. Parang I just lost interest about it na. Pero, masarap! Sa Sorsogon din ako nakatikim (at nakakita) ng Dinuguan na may Macaroni. Akala ko nga nung una, isaw ng baboy 'yun. Pero sobrang lambot eh, kaya napag-alaman kong elbow macaroni nga iyon. Pero, masarap!
Ngayon pagkatapos ko mananghali ng bandang 1pm, magoonline na ko. aabutin yun ng mga hanggang 2:30pm. Minsan naman, nanonood din ako ng tibi. Ako na korni, pero nanonood ako ng Magdusa Ka! Ang daming mga namumutok na dibdib dun. LOL. At syempre pa may mga bonus na "maiinit" na tagpo! Wahaha!
Pag natatamad na ko manood ng tibi, naglalaro naman ako. Tapos ko na ang Silent Hill Origins. Silent Hill fan ako! Oki naman siya, as always NAKAKATAKOT at NAKAKAGULAT! Maganda siyang laruin kapag gabi o kaya sa madilim. Pero bago yun, natapos ko na rin ang Prince of Persia: Rival Swords. Oki rin, maganda at enjoy laruin! Inumpisahan ko naman laruin kelan lang yung Harry Potter and the Order of Phoenix, pero tinigilan ko na, boring kasi eh. Hindi ako mahilig sa mga online games, gastos kasi yun, lo-load-an mo pa! Corny naman yung mga free.
Pagdating ng 7 or 8pm (or pag nagutom ako sa kakalaro), hapunan na. Tapos nood ng news sa tibi. Then laro ulit. Pag byernes naman, i see to it na makakapanood ako ng Bubble Gang. Pag inantok, magaayos na ng sarili bago matulog. Yun lang!
More or less ganyan kadalasan ang nangyayari sa araw-araw sa buhay ko habang hinihintay ko pa ang paguumpisa ko sa trabaho. Pumirma ako ng kontrata sa trabaho ko noon pang June 10, pero magiistart pa ko sa July 28. Ang tagal. Kaya heto medyo nababato na sa bahay.
Pumasok na rin sa isip ko ang kumuha na ng passport hangga't tambay ako sa bahay. Walang kinalaman yun sa trabaho ko, gusto ko lang maging ready na may passport na ko. Yun lang! Pero naisip ko na saka na lang, pag may pera na ako at nagta-trabaho. Ayoko muna kasi gumastos hanggat hindi pa 'ko kumikita. Ayoko namang humingi ng pera sa nanay ko o sa kahit sino pa man para sa pangkuha ng passport.
Naisipan ko ring mag-gym ulit. Meron kasi malapit dito sa amin, pero tulad ng sabi ko, ayoko muna gumastos. Makakapaghintay naman yun.
Pero kung tutuusin nakakabato na talaga sa bahay. As in. Bato na ang utak ko, pati na yata puso. Yikes.
"Sa langit / may tagpuan din / at doon hihintayin / itong bato sa buhangin //"
Sounds familiar? Wala lang. Nabanggit ko kasi ang bato. Hayyyy. My brain needs a work-out.
Medyo napansin ko lately na itong si Mike Enriquez eh napapadalas ang pagki-clear ng boses on nationwide television at pagkatapos ay magsasabi ng kanyang trademark na "Excuse me po!". Hindi ko maintindihan kung marami bang nakabarang plema sa lalamunan nya o katatapos lang niyang kumain ng isang toneladang chocolate with almonds.
Naging suki na siya ng mga mahilig mag-spoof dahil sa kanyang gawi na iyon. Pero habang nagtatagal eh parang hindi na nakakatuwa at nakakatawa. Kung nagpapakyut siya, eh tigilan na niya. Sa tingin ko nga dapat magbakasyon muna siya at magpasuri sa doktor. Medyo nakaka-bother na kasi ang madalas niyang ginagawa na iyon. Kumbaga sa panonood ng pelikula (o kaya'y pakikipag-ano), kung kelan ka nasa climax [ng istorya] saka naman may biglang mangiistorbo dahil sa pag-"ehem". Badtrip diba?
Anyways, congrats kay Manny Pacquiao. Medyo natatawa lang ako sa mga clips na pinapalabas sa news (sa 24 Oras) partikular dun sa ipinapakita yung mansion ni Pacquiao kung saan nandoon ang kanyang MGA kamag-anak at MGA MALALAPIT na kaibigan. Ang DAMI kasi niyang mga MALALAPIT na kaibigan at kamag-anak. Siguradong-sigurado ako na noong naguumpisa pa si Manny eh wala ang mga yan. Tsk Tsk. Iba talaga ang nagagawa ng pera at popularidad.
Ü
Medyo matagal ko na rin hinanap 'to. Kahit sa Google o Yahoo Search hinanap ko na rin. Pinatulan ko na rin kahit iba pang mga search engines, pero hindi talaga ako nagtagumpay. Kaya heto, nagtyaga akong magbabad sa tibi para lamang kabisaduhin at ialay sa buong mundo ang.... DYARAAAAAAANNN!!! Ang lyrics ng Huggies TV ad! Enjoy!
Lilipad na tayo, may suot na ang* pangpiloto
Sa langit isulat ang pagbati:
My baby is here, my baby is here
Tayo na't lumakbay at sa agos sumabay
Hangin salubungin na
Explore, dream, discover
Explore, dream, discover!
Saan man makarating, ikaw ang magaling
Kasama ang huggies, abutin mo ang bituin
Kasama ang huggies, abutin mo ang bituin!
Kinabisado din daw ito ni Ofel para i-text sa kin ang lyrics (surprise nya daw sa kin, pero sya na-surprise ko) pero naunahan ko siya! Hehe. Ü
PS: Pwede kayong mag-comment for correction ng lyrics. :D
*After listening carefully again to the TV Ad, I made this correction
related post: Bitches and Cream
Dear Xerex,
A-katorse ng Hunyo. Kadiliman, ilang minuto lamang at sasapit na ang ika-pito ng gabi. May narinig na lamang akong sumisigaw. Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa kakaibang sensasyon na nadarama ng pinagmumulan ng boses.
"Sino ba'ng hindi nagsara ng gate???" Boses pala iyon ni Tatay Jun na medyo parang galit.
"Eh hindi naman kami lumalabas ng bahay eh!" Sagot ng lola ko. Nasa loob kami ng bahay at kasalukuyang nanonood ng tibi.
"Ayun at nasagasaanan si Mai-mai!"
"Ano?!!!!" Bulalas ng lola ko na halos manlaki ang mga mata dahil sa kakaibang sensasyong naramdaman nito mula sa kaibuturan ng kanyang puso. Kahit na sanay na ko sa napakalakas na boses nito eh nagawa ko pa ring magulat. La lang, for a change. Kunwari noon ko lang narinig ang lola ko na napasigaw. Pero mas nagulat ako sa balita ni Tatay Jun, kapatid ng nanay ko.
Boses lang ni Tatay Jun ang narinig ko, kahit na nakasilip lang siya sa bintana. Madilim sa labas eh. Pero pagkatapos nyang isambulat ang mainit-init pa at tila nakakapanghilakbot na balita, hinugot ko ang aking diwa mula sa pagkakatulala matapos pumulandit sa aking isipan ang tila masamang balita. Lumabas din kaagad ako mula sa puerta ng aming bahay para malaman ko pa ang ilang mga detalye. Ayon nga sa kanya eh naiwan ang gate na nakabuyangyang, tila nakaligtaan yata ng pinsan ko at ng asawa niya na isara (nakamotor kasi sila). Sa isang tabi ay nakita ko si Mai-mai na walang buhay. Napansin kong walang dugo sa dinaanan ni Tatay Jun. Malamang ay binuhat nya ang kaawa-awang aso. Akala ko ay may balak siyang ilibing si Mai-mai tulad ng ginawa niya kay Totoy. Hindi pala.
Hulaan mo kung anong ginawa niya kay Mai-mai:
Tinitigan? -Mali.
Ginawan ng "Dog Scandal"? - Mali.
Tinangisan? -Mali.
Dinasalan? -Mali.
Nagpatawag ng mga crying dogs (doggy version ng "crying ladies". nyek)? -Mali
Nagsagawa ng necrological services? -Mali.
Eh eulogy? -Mali.
Kinatay? -Tama.
Kinatay dahil gagawing fertilizer? -Mali.
…dahil trip-trip lang? -Mali.
…dahil iaalay sa mga anito? -Mali.
…dahil banal na aso at natatawa sya, hihihi? -Mali.
Karaniwan na yata talaga sa ating mga Pilipino ang kumain ng aso. Tumpak, mauuwi lang pala si Mai-mai sa mga tiyan ng mga manginginom. Tsk tsk. Hindi ko alam kung kelan nagsimula ang tradisyon na ito ng "asozena", pero pramis nakatikim na ko. Musmos pa ko nun nang makatikim ako ng aso, pero hindi pulutan, kundi ulam. At totoo nga ang sabi-sabi na mainit ito sa katawan. Nag-init nga aking katawan… at dahan-dahan kong hinubad ang aking t-shirt… at unti-unting hinaplos ang aking leeg pababa sa aking dibdib ¾ ng bimpo dahil tumatagtak na ang aking pawis sa init!
Nakakaawa ang mga aso kung kakatayin lamang ito. Isang beses lamang ako tumikim ng aso, pagkatapos nun hindi na. Parang merong "guilt" kasi akong naramdaman pagkatapos ko makatikim. Ewan ko. Parang ang weird nga eh. Kung tutuusin wala namang pinagkaiba ang aso sa manok, baboy, at baka na karaniwan nang kinakain. Pero sa tingin ko meron.
Naalala ko ang isang matagal nang kwento sa Maalaala Mo Kaya. Kwento ito ng isang batang babae at ng kanyang ama kung saan meron silang babuyan. Binilin ng ama sa kanyang anak na kahit kelan ay huwag niyang papangalanan ang kahit isa man sa mga biik/baboy na kanilang alagain. Ngunit dahil sa pagiging likas na matuwain ng batang babae sa kanilang mga alagang biik, pinangalanan niya ang isang biik (hindi ko na matandaan ang ibinigay na pangalan) at kanya itong binigyan ng espesyal na atensyon at pangangalaga. Lingid ito sa kaalaman ng kanyang ama. Hanggang sa dumating ang panahon na kailangan nang katayin ang mga baboy (kasama ang baboy na alaga ng batang babae), nagtaka ang bata nang hindi niya mahaligap ang kanyang paboritong baboy. Tinanong niya ito sa kanyang ama, ngunit nagtaka ito kung sino ang binabanggit ng bata. At natuklasan nga ng ama na baboy pala ang tinutukoy ng bata. Sinuway siya ng kanyang anak. At dun natuklasan ng bata ang dahilan kung bakit hindi dapat binibigyan ng pangalan ang mga alagang baboy. Ayun, nag-iyakan ang mag-ama dahil sa baboy.
Sa sobrang pagiging malapit natin sa isang tao, bagay o hayop, nagiging mahirap at masakit para sa atin ang magparaya.
Pero sabi nga nila, pag may umalis, merong darating. Sumakabilang buhay na nga si Mai-mai, pero nag-iwan siya ng apat na tuta na anak niya kay Taki. Dapat sana ipagbebenta ang mga tuta na iyon dahil mahal ang bigas, walang maipapakain sa lahat ng mga tuta. Nauna nang naibenta ang dalawang tuta. Pero dahil sa hindi inaasahang pagkamatay ni Mai-mai, napag-isipan ng pamilya ni Tatay Jun na huwag nang ibenta ang mga natitira pang dalawang tuta. Wala pang pangalan ang mga tuta. Basta ang isa ay medyo balbon, at yung isa naman ay may kapayatan na laging nakataas ang tenga. Pati ang pagkakataas ng tenga ng isang tuta ay binigyan ng mahiwagang intriga ng lola ko. Aniya, kapag daw laging nakataas ang tenga ng isang aso, asahan daw na matapang ito.
Hindi pa rin talaga ako sang-ayon sa pagkatay at pagkain ng mga aso. Nito ngang mga nakaraang mga araw halos hindi ako makakain ng karne dahil naaalala ko si Mai-mai. Nagsumiksik na naman sa aking isip na maggulay na lang. Frustrated vegetarian ako. At hanggang ngayon frustration ko pa rin yun. Ewan ko ba. Parang ang lahat na lang yata ng masama eh masarap! Hindi ko sinasabing masama ang kumain ng karne. Pero naiisip ko kasi na para mabuhay ang isang nilalang kelangang may maisakripisyong ibang may-buhay. Sa tingin ko ganun na talaga ang patakaran ng kalikasan, at hindi na maari pang mabago. Tayo ay nasa food chain. "Survival of the fittest" ika nga sa wikang ingles.
Kung iisipin mo, ang tao ay hayop din. Isang mataas na uri ng hayop. Hayop na kayang mag-isip, magkwenta, magmahal. Makulay ang kanilang buhay, katulad ng sa aso. Pero bakit nga ba wala nang Xerex sa Abante?! Ang gara naman!
Haay. Talagang medyo naaasar na ko sa sarili ko.
Tatlong (plus one) posts sana ang nakahilera ngayon para ilagay sa aking blog subalit naka-save lamang ang mga ito sa aking kompyuter. Hindi ko matapos-tapos ang mga posts na iyon dahil sa tuwing inuumpisahan ko ang isang post eh bigla naman akong makakaisip ng ibang topic and i'll jump right into writing another post about it right away, na hindi rin matatapos dahil makakaisip na naman ako ng ibang bagay. Haay, ang gulo ng isip ko!
Pero actually, baka tinatamad lang ako. Hehe.
Abangan ang mga sumusunod na posts sa darating na mga araw o taon:
Sabi nga nila, Patience is a virtue, kaya sana kahit abutin ng limang taon bago ulit ako sipagin na mag-update eh may mga bumibisita pa rin sa blog ko.
Salamat sa inyo! Ü

(Due to scanner problems, the second page of the reseta is not shown. Sorry po!)
Hindi mo naintindihan no? Ako rin.
Himala nga at naiintindihan ng mga tao sa botika ang sinusulat ng doktor. Nagkataon naman na meron ding sariling botika ang doktor na yun. Asawa niya yung pharmacist sa botika.
Qreux: “Uhmm.. magkano po ‘tong gamot na to?” (sabay turo sa buhol-buhol na linya sa papel)
Asawa ni dok: “Ah ito bang [insert the name of the gamot here]
Qreux: Ang mahal. “Eh ito pong Climday, magkano?”
Asawa ni dok: “Mali, [insert the name of the gamot here]
Kitams. Mali ako. Isang beses lang ako nag-attempt na mag-interpret ng sulat ng doktor mali pa.

Hindi pala CLACITUMY ang basa dyan, CLARITHROMYCIN pala.
Hindi rin CLIMDAY ang basa dyan, kundi CLINDOMYCIN.Matapos kong um-absent ng dalawang araw sa training ko, pinilit kong bumalik nung biyernes kahit mukha akong engot sa kalagayan ko. Pagkapasok na pagkapasok ko sa opisina namin, sinuot ko agad yung binaon kong denim-type na jacket, tapos sumugod agad ako sa katabi naming convenience store para bumili ng kape. Alam ko medyo nagtaka yung cashier nung nagbabayad na ko, kasi usually Milo™ Fuze™ ang binibili ko tuwing umaga. Hmmm. Wala lang. Therapeutic kasi para sa kin yung kape. At saka di ba, it has more antioxidants than red tea or even red wine? So huwag na tayong uminom ng tubig.
Pagkatapos kong mainom yung binili kong kape, bigla na naman agad akong nilamig.
Mula nung oras na yun hanggang mag-lunch break, wala kaming ibang ginawa kundi kumain. Marami kasing nanalo mula sa opisina namin sa ginawang outing ng DOT sa 8 Waves, kaya ayun nanlibre sila. Meron pa ngang pagkain na galling sa ibang opisina.
Habang namamahinga ako sa aking table, bigla akong napatingin sa computer ng katabi kong mesa. Napansin ko yung screen saver, mga paru-paro. Mga ilang minuto ko din silang pinagmasdan. Tapos biglang nag-init yung ulo ko. Bigla ko kasi na-realize na malalandi pala ang mga paru-paro. Ang lalandi nilang lumipad. Ang lalandi nilang dumapo sa mga flowers. Ang lalandi nilang sumipsip ng nectar. Ang lalandi nilang mag-pollinate. Nainis ako bigla sa mga kalandian nila. Sa isang iglap naging kaaway ko ang mga paru-paro. Parang tanga no?
Isipin mo:
Kung naging tao lang ang mga paru-paro, malamang na naging participant sila ng Extreme Make-Over. Tapos, malamang sabihin nila “Gosh, I’d like to thank Dra. Vicky Belo! Sa wakas, makakapaglandi na ko, Hihi!” Kitams, pati pagtawa may halong kalandian.
Hindi ko alam kung bakit all of a sudden naisip kong malalandi ang mga paru-paro. Malamang high ako sa antibiotic. Grrrr… Don’t worry after 7 days magiging normal na ulit ako. I wish.
Whew! So ayan, marami akong updates ngayon... magpakasasa na kayo!!!!! Bwahahaha!!!