Noong unang panahon, ipinanganak ang tatlong sanggol na siyang nakatakdang magbago sa kapalaran ng sangkatauhan.
Lumaki nang maayos ang tatlong sanggol na ito hanggang sa itinakda ng tadhana na sila ay magkakilanlan. Nagbinata si Ed-Ed at nagdalaga sina Mon-Mon at Mag-Mag. Naging magkaibigan ang tatlo. Ngunit mas naging malapit sa isa't isa ang dalawang babae, habang lagi namang napag-iiwanan ang nag-iisang lalaki na si Ed-Ed.
Mon-Mon: "Ang sarap ng donat!"
Mag-Mag: "Oo nga! Simula ngayon peyborit ko na ang donat!"
Mon-Mon: "Hindi ba tayo tataba nito girl?"
Mag-Mag: "Duh?! Ang taba na kaya natin!"
Mon-Mon: "Hihi! Akala ko di mo pansin eh!"
Lumipas ang mga araw at napansin ni Ed-Ed na hindi na siya isinasama sa lakaran nila Mon-Mon at Mag-Mag.
Ed-Ed: "Huhuhu! Lagi na lang ako mag-isa ngayon... anong gagawin ko?"
Habang ngumangalngal si Ed-Ed ay bigla na lamang lumitaw ang isang kakaibang nilalang mula sa kawalan na tila nababalot sa nakakasilaw na liwanag.
Ed-Ed: (nasisilaw) "Hu u?"
Kakaibang Nilalang: "Ako ang iyong konsensya na half-fairy"
Ed-Ed: "Ah oki. Naks."
Kakaibang Nilalang: "Napansin kong namomroblema ka sa iyong dalawang kaibigan."
Ed-Ed: "Huhu! Lagi na lang nila ako iniinggit sa mga donat na kinakain nila! Huhuhu!!!"
Kakaibang Nilalang: "Hmmm. Kung gayon, bibigyan kita ng maraming salapi para makabili ka ng maraming donat!"
Ed-Ed: "Wow. Thanks!"
At nagkaroon na nga ng maraming salapi si Ed-Ed at ibinili ito ng maraming-maraming donat. Napansin ito nila Mon-Mon at Mag-Mag kaya nagkasama-samang muli at lalong naging malapit sa isa't isa ang tatlong magkakaibigan. Ngunit isang araw...
Ed-Ed: "Salamat sa'yo at naging close na ulit kami ng aking mga friends!"
Kakaibang Nilalang: "Wala yun. Pwamis. Ü"
Ed-Ed: "Teka ano nga pala ang pangalan mo?"
Kakaibang Nilalang: "Since ako ang iyong konsensya na half-fairy, ang pangalan ko ay kabaligtaran ng iyong pangalan."
Ed-Ed: "Ah... so ang pangalan mo ay *censored* !!! Nyahaha!!! *censored* pala ang pangalan mo! Pero infairness hindi ka mukhang *censored*!"
Kakaibang Nilalang: "How dare you to make lapastangan of my name! Simula ngayon babawiin ko na ang mga salapi na ibinigay ko sa'yo!"
At simula nga noon ay nawalang parang bula ang mga salapi ni Ed-Ed.
Isang araw...
Mon-Mon: "Maligayang bati sa'yo Ed-Ed!"
Ed-Ed: "Ha? Bakit anong meron?"
Mag-Mag: "Hindi mo ba alam? Today is Donut Day!"
Mon-Mon: "Eto nga o, may regalo ako sa inyong dalawa... DYARRAANN!!! Special Donuts!"
Mag-Mag: "Hihi! Girl pareho pala tayo ng regalo!"
Mon-Mon: "Ayos, mahaba-habang donut session 'to!"
Mag-Mag: "Ikaw Ed-Ed, anong regalo mo sa min?" (excited)
Ed-Ed: "Uhmm..."
Mag-Mag: (nagtaas ng kilay)
Mon-Mon: (nagtaas din ng kilay)
Ed-Ed: "Eto na lang ang regalo ko sa inyo..." (naglabas ng isang papel)
Mag-Mag: "Ano 'to????"
Ed-Ed: "Uhmm... imbento ko. Available at all leading department stores nationwide."
Mon-Mon: "Wahaha!!! You're so pathetic, like antibiotic!"
Mag-Mag: "Of course intercourse! Agree ako sa'yo Mon-Mon!"
Ed-Ed: (nag-init ang ulo at kumuha ng mga donat) "Etong dapat sa inyoooooo!!!!"
Isinalaksak ni Ed-Ed ang mga donut sa mga bibig nila Mon-Mon at Mag-Mag. Halos hindi makahinga ang dalawang babae sa ginagawa ni Ed-Ed pero nakuha paring abutin ni Mon-Mon ang papel na hawak kanina ni Ed-Ed at kanya ring isinalaksak sa bibig ni Ed-Ed. Namumungalan ang tatlong magkakaibigan sa mga laman ng kanilang mga bibig. Hindi nagtagal ay nawalan ng malay ang tatlo. Pero naka-smile.
Kinabukasan ay hindi na matagpuan ang tatlong magkakaibigan. Hanggang ngayon ay hindi pa rin alam ang naging dahilan sa pagkawala ng mga ito.
Lumipas ang mga araw, napansin ng mga taumbayan na may biglang tumubo na papel sa lugar kung saan huling nakitang walang malay ang tatlong magkakaibigan. Umabot ito sa kaalaman ng isang negosyante.
Negosyante: "Hmm. Napakahiwaga ng papel na to. Parang certificate... pero may nakasulat na 'gift'. Hmmm...gift... certificate..." (light bulb) "GIFT CERTIFICATE!!! Okey to ah! Bagong pa-uso!"
-The End-
No comments:
Post a Comment