WARNING!!! Mahaba to.
Marami-rami ring mga bagay na nangyari sa araw na ito. Mga confessions, insidente at mga bagay na hindi ko akalaing mangyayari.
Bisperas ngayon ng anniversarry nila RP (a.k.a. Arpe) at Anjo. Oo. Tama. Naka-isang taon na nga sila. Gusto kong aminin sa sarili ko na medyo nalulungkot ako. Maipagkakaila ko bang naging isang malaking bahagi ng past ko si Anjo? Pero anong magagawa ko, masaya naman sila.
Nagpunta muna ko sa BSU ng umaga para magbayad ng tuition ko. Then nung nakapila na ako para kumuha ng classcards, nakita ko sila Jan at Allison. Syempre kalabugan dun, kalabugan dito… ganun ang batian namin. Sabi ko kay Jan “Tara, lakad tayo!”
“Lakad? Sige, uuwi si RP ngayon. Baka mapunta tayong SM Pampanga bibili daw siya ng regalo para kay Joanne.”
Bigla akong napaisip kung bakit bibili si RP ng regalo. Naalala ko nun na kinabukasan nga pala ay anniversarry nila. “Ah ok. Dala mo ba yung sasakyan mo?”
“Oo.”
Magkita na lang daw kami kapag tapos na ko. Medyo may katagalan din ang pila sa kukuhanan ko ng classcards, wala pa kasi dun yung magbibigay. Naisip ko, sasama pa ba ko sa kanila? Ang galing naman, sasamahan ko sila para bumili ng regalo. Naisip ko uuwi na lang ako.
Nung pauwi na ko nakita ko ulit sila Jan at Allison. Sige na nga sasama na nga ako. Kaya lang may kailangan pa kaming hintayin.
Tinawagan ko muna si Aica para sumaya ako. Kaya lang parang hindi na ko sanay makipagsabayan sa kanya ng biro. Ewan ko ba, wala lang siguro ako sa mood nun. Siguro marami lang akong iniisip. May isang tao kasi akong pinoproblema ngayon. Ewan ko ba. Lately lagi na lang siya ang naiisip ko. Hindi ko nga alam kung bakit eh. Hindi ko alam kung anong ginawa niya sa kin at siya lagi ang iniisip ko. Pero para sa kin, isa siyang problema. Isang malaking problema. Kailangang maalis siya sa isip ko. Dahil hindi pwede. Napaka-imposible ng mga bagay na naiisip ko para sa kanya. Siguro kapag sinabi ko sa’yo kung bakit, malamang sabihin mong IMPOSIBLE NGA.
(Sigh). Anyways, medyo bored na ko nung mga time na yun kasi hinihintay pa namin si Ali. Nung nakita ko yung mga classmates ko pinuntahan ko muna sila. Hinihintay kasi nila yung results nung removal exams nila. Nakipagkwentuhan muna ako sa kanila, sabi ko kay Jan, balikan na lang ako kasi ihahatid pa yata niya si Karen. Then dumating na nga yung pinkahihintay ng mga classmates ko. ISANG MALAKI AT HINDI KAPANI-PANIWALANG HIMALA ANG NANGYARI. Susmaryosep, nakapasa si NANI!!! Biruin mo nakapasa pa. Ano nga ba naman ang sinabi ng mga incomplete with matching sit-in sa kanya. Grabe, ang lufet mo tsong!
Naiinip na talaga ako nung mga time na yun, ang tagal kasi ni Ali (Allison). Pinuntahan ko siya sa Cashier sabi ko uuwi na ko kasi ang tagal niya. Then habang naglalakad ako, naisip ko na pumunta ng Alphanet kasi baka nandun si Jan o kaya si RP. Ayun, nakita ko si RP. Ang kauna-unahan kong sinabi sa kanya “Wow, one year na kayo bukas, Congrats!” Wala pong halong kaplastikan yun or whatsoever.
Dumating si Ali, tapos si Jan. Napagkasunduan naming sunduin si Epi sa bahay nila kasi kailangan namin ng Financier sa mga ganung lakad (hehe!). Syempre bukod dun, masayang kasama si Epi. Nasundo na namin si Epi at pabalik na kami sa Alpha kaso nakalimutan niya yung wallet niya kaya kailangan pa naming bumalik ulit.
Pagbalik namin ng Alpha, nakita namin na nandun na si Aica sa harap ng Alphanet. Then nag-usap-usap kami kung san kami pupunta. Nakabili na pala si RP ng regalo kaya ok lang kung hindi na kami pumunta ng SM Pampanga. Bulaklak na lang daw ang problema niya. Gusto ko sana mag-suggest kay RP, kaya lang baka masamain niya… alam nyo na. Naisip ko tuloy nung binigyan ko ng bulaklak si Joanne nung 4th yr HS kami (Nung 1st yr College din)… haha! Actually may nakakatawang kwento yung bulaklak na yun, pag-iisipan ko pa kung ike-kwento ko someday kasi nakakatawa yun at medyo nakakahiya… tanga pa kasi ako nun eh. Hehe!
Anyways, napagkasunduan namin na tumuloy na lang din sa SM para medyo malayo. Kaso nung on the way na kami, nakita namin yung trapik na halos hindi na gumagalaw yung mga sasakyan. Naisip na lang namin na pumnta ng pulilan, kakain na lang kami dun. Nung nakarating na kami ng Pulilan kumain kami sa McDonald’s. Medyo marami ring masayang nangyari dun. Konti lang ang tao dun kaya masarap mag-eskandalo! Syempre sikat kami, maingay kasi kami at puro tawanan.
Pagkatapos namin kumain, naghanap kami ng chiken skin. Nagbalak din kaming uminom inside the car o kaya maghanap ng isang lugar na tahimik na grassy at dun na lang tumambay at mag-inuman. Kaso hindi rin natuloy.
Bumalik muna kami ng Malolos para maghanap ng bulaklak. May tatlong flower shops sa crossing. Pinuntahan namin yung dalawa, yung isa kasi nagsara na. Nagkataon na nakakita kami ng dalawang classmates namin nung HS. Si Angel at Abigael. Tinatawag ko si Angel kaso hindi yata ako narinig. Tinawag ko si Abigael (na may kasamang guy, bf yata)… Habang tinatawag ko si Abi, may biglang lumapit sa aming lalake “Pare, nagti-trip ka ba ha”
Syempre nagulat kami. Mukhang mapapa-away yata kami. Alam ko na naman wala akong ginagawang masama. Si Aica nag-iisang babae, buti pumunta sa likuran. Sinabi ko na lang na hindi ako nagti-trip, may tinatawag lang akong kaibigan.
Mukhang lasing yung lalake tapos may mga batang lumapit sa amin, parang inamo yung lalake… Sabi sa kin “Pasalamat ka inarbor ka ng mga to..!”
Siguro akala niya pinagti-tripan namin siya kasi sigaw ako ng sigaw kay Angel at Abi nun… haha! Akala niya siguro siya yung sinisigawan ko. Hay naku.
So ayun, nakahanap na si RP ng bibilhing flowers. Medyo pagabi na nun. Naisip nilang uminom. Ok lang. Medyo wala ako sa mood nun. Mahina kasi ako sa beer. Ewan ko. Ipainom mo na sa kin lahat ng klaseng alak huwag lang masyado sa beer.
So pumunta nga kami sa Yangsku (dating Hides daw) sa may Capitol View Park. Dun nagkaroon ng maraming rebelasyon. Nasabi ko rin sa kanila ang mga hinanakit sa barkada ko. Tinanong din nila ako tungkol kay RP at Joanne, kung ano daw ba ang nararamdaman ko. Hindi ko talaga sinasagot. Inililihis ko ang topic. Sa totoo lang alangan akong sagutin yun kasi kaharap ko si RP. Ayoko kasing magkaroon siya ng guilt feeling or anything. May mga nalaman din akong mga bagay na hindi ko talaga inaasahan. Pero naipangako namin sa isa’t isa na sa amin na lang yun.
Mga 9:30pm na kami umalis sa Yangsku. Balak pa naming lumakad nun kinabukasan pero sa kalagayan ni Jan na gabi na naman uuwi, imposible. Hinatid muna namin si Aica sa Tabang, tapos si Epi tapos ako. Mga bandang 10:30, biglang nag-ring ang phone. Ayos lang naman sa kin kasi karaniwang gising pa naman ako sa mga ganung oras. Pero napaisip ako nun kung sinong tatawag ng ganung time. Sinagot ko yung phone… patay! Nanay pala ni Jan yun, naalala ko bigla na sabihin sa nanay niya na sa amin lang siya pumunta. Medyo nataranta ako nun, Tinanong kasi ako kung anong oras umuwi si Jan. Sa totoo lang hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Pagkatapos tumawag ng nanay ni Jan, tinawagan ko si Aica para kuhanin yung cel number ni Jan at Ali para sabihing tumawag yung nanay ni Jan, kaso huli na ang lahat dahil busy yung phone ni Jan, kausap na yung nanay niya… Nag-aalala nga ako kasi baka hindi magtugma yung mga sinagot ko sa isinagot ni Jan sa nanay niya.
Yun nga ang mga nangyari sa araw na ito. Iba’t ibang klaseng mga pangyayari. Pero sa lahat ng mga nangyari sa araw na ito, isa lang ang nakagimbal sa kin. Isang bagay na talagang hindi ko inaasahang mangyayari sa tanang buhay ko… yun ay ang milagrosong pagkakapasa ni Nani. Joke! Peace tayo Nani!!! Hehe!

No comments:
Post a Comment