Mahirap umasa sa wala. Yun bang tipong akala mo meron, pero wala naman pala. Mahirap ding magpaasa sa isang taong umaasa sa isang bagay mula sa iyo pero alam mo naman sa sarili mong hindi mo kayang ibigay ang inaasahan niya.
Bakit nga ba nagkakaroon ng ganitong pangyayari? Siguro kapag naging malabo ang ugnayan nyo… yun bang nagpakita ka ng isang gesture (na natural lang sa’yo) pero akala tuloy nung pinapakitaan mo eh espesyal mo yung ipinakita para sa kanya. Misinterpretation of gestures ‘ika nga. O kaya naman sobrang mahal mo ang isang tao na halos sambahin mo na ng todo, kaya naman halos lahat ng gawin nya eh binibigyan mo ng kahulugan.
Naranasan ko nang UMASA at MAGPAASA. Parehong mahirap. Kaya nga minsan, parang nakakatakot magsalita. Nakakatakot gumalaw. Mahirap itanong sa isang tao kung pareho ba kayo ng iniisip o nararamdaman, tulad ng:
“Gusto kita… gusto mo rin ba ako?”
or
“Mahal kita… mahal mo rin ba ako?”
or
“Gusto kitang maging GF… gusto mo ba akong maging BF?”
or
“Natatae ako… ikaw ba? Tara, tae tayo.”
Swerte ka kung puro “OO” ang makukuha mong sagot sa mga katulad na tanong na yan. Kung “HINDI” ang makukuha mo, tiyak… 100%, luhaan ka. Pero kung “EWAN” ang sagot sa’yo, dyan ka magkakaproblema. Pero sabi nga nila, “Walang MASAMA kung SUSUBUKAN”. Ihanda mo nga lang ang sarili mo. Hope for the best but expect the worst. Haaaayyy… Sana maraming makabasa nito. Sana tamaan ka.

1 comment:
haay.. mahirap talaga ang ganyan..
kaya dapat mag-usap muna bago magconclude...(nagsalita si ria.. hihi!!)
pero everything happens for a reason... ayon!
don't live in your past... (-.-)
Post a Comment