- Siguraduhing kumpleto ang classcards mo from the previous semester.
- Huwag pumunta ng maaga sa skul. Wala kang madadatnan na evaluators ng 8 am! Mga 11:30 am siguro pwede na.
- Habang nagpapa-evaluate, makipag-usap sa evaluator. Bonding ba. Malay mo maging prof mo siya next sem?
- Kung meron pang 10 mins bago mag-lunch break, magbayad agad sa inyong organization ng org fee. Siguraduhing kakilala ang estudyanteng naka-assign bilang collector… diskarte!
- Mag-lunch muna sa Kapitolyo Food Court (KFC) o kaya sa Hepa Zone. Huwag maarte.
- Kung tapos nang kumain, mag-lamyerda muna. 2 pm pa magre-resume ang enrolment.
- Kapag sumapit na ang alas dos, maghintay pa ng mga 15 minutes.
- Maghintay ulit ng 5 minutes.
- 4 seconds.
- Kung meron ka ng white card at nasulatan na ito, sugurin agad ang department head at magpa-approve.
- Kapag nakita mong mahaba ang pila, umuwi ka na. Bumalik ka na lang bukas ng 5:30 am. O kaya, maghanap ng kakilala sa pilahan, lapitan mo at kunwari makikipagkwentuhan ka, halimbawa: “Uy kuwan, musta? Nabuntis yung aso namin tapos yung asparagus blah blah blah… nakatikim ka na ba ng langgam?” Presto! Nakasingit ka na!
- Kapag tapos ka na sa approval, congrats! Proceed to the registrar.
- Repeat Step 11.
- Hintaying matawag ang pangalan sa registrar. Kunin agad ang registration card.
- Congrats! Nasa Assessment ka na! Pumunta agad sa Accounting Office.
- Repeat Step 11 OR hintaying mag ala sais ng hapon, panigurado, matatapos ka sa assessment!
- Congrats, magbabayad ka na sa cashier! Punta agad sa cashier!
- Repeat Step 11.
- Kapag nakapagbayad na, pumunta agad sa Chess Institute para kuhanin ang mga bago mong classcards.
- Repeat Step 11.
- Kapag natanggap mo na ang mga classcards, sugurin agad ang nagvavalidate ng mga ito.
- Repeat Step 11.
- Pumunta sa CR at ayusin ang sarili.
Congrats, after 23 steps, enrolled ka na sa BSU!
No comments:
Post a Comment