Sunday, November 05, 2006

Bagong Section, Bagong Buhay!


Natapos na ang isang semester kasama ang mga bago naming mga kaklase (kami ang bagong 4B). Medyo kakaiba pa rin ang pakiramdam kapag nakikita ko ang mga dati kong classmates (mga original 4A), yun bang pakiramdam na dati-rati magkakasama kayo pero ngayon magugulat (at minsan magtataka) ka na lang kasi bigla mo silang makakasalubong tapos maalala mo hindi mo na nga pala sila kaklase… hindi na sila ang mga dati mong kasa-kasama lagi.

Pero ganun talaga ang buhay. Kailangan bukas ang mga pag-iisip natin sa mga ganung bagay na hindi lahat dito sa mundo ay permanente. Lahat pwedeng magbago. Yun nga ang masaya eh. Maraming pwedeng maging sorpresa.

Pero anak ng tinapa, mukhang babagsak ako sa Control System! Hindi naman ganung surprise ang gusto ko. Blangko ang classcard ko sa subject na yun… at malalaman ko pa sa Monday kung ano ba talagang grado ang matatanggap ko. Kung tutuusin mas gugustuhin ko pang bumagsak sa Thermodynamics (pero wag naman sana) na sa totoo lang ay wala naman akong natutunan. Haaay.

Tapos na nga ang 1st sem, pero parang walang kwenta naman ang naging sembreak namin kasi we have to go to school like mga three times a week para lang maayos yung project namin sa Logic Circuits na digital trainer… tapos enrolment week pa this week, so parang wala rin kaming bakasyon.

Speaking of Logic Circuits, ayun natapos na din namin sa wakas ang trainer kit namin! So far, ito na yata ang pinaka-expensive na project na involve ako (well actually kaming lahat). Pero masasabi ko na ang project yatang yun ang somehow naging “bonding” namin with our new classmates. Halos dun ko kasi sila nakilala. Maraming akong naging memories with that, from the apartment na ni-rent namin… nagkapaso pa nga ako dahil sa hinayupak na panghinang na yun (english: soldering iron [dati kasi hindi ko alam ang word na panghinang saka yung soldering iron {hmm.. mukhang masayang maglagay ng isang thought within a thought ah, parang gumagawa ng equation (oo nga no.. hihi!)}]). Fortunately magaling na yung paso ko after a couple of weeks. Sayang nga lang hindi ko na piktyuran yung before-and-after ng mga daliri ko.

Anyways, narito ang ilang pics with our new classmates. Enjoy!
Photo credit: Mandap (thanks!)

No comments: