Sunday, November 05, 2006

Pano ba Mag-Enrol sa BSU?



  1. Siguraduhing kumpleto ang classcards mo from the previous semester.
  2. Huwag pumunta ng maaga sa skul. Wala kang madadatnan na evaluators ng 8 am! Mga 11:30 am siguro pwede na.
  3. Habang nagpapa-evaluate, makipag-usap sa evaluator. Bonding ba. Malay mo maging prof mo siya next sem?
  4. Kung meron pang 10 mins bago mag-lunch break, magbayad agad sa inyong organization ng org fee. Siguraduhing kakilala ang estudyanteng naka-assign bilang collector… diskarte!
  5. Mag-lunch muna sa Kapitolyo Food Court (KFC) o kaya sa Hepa Zone. Huwag maarte.
  6. Kung tapos nang kumain, mag-lamyerda muna. 2 pm pa magre-resume ang enrolment.
  7. Kapag sumapit na ang alas dos, maghintay pa ng mga 15 minutes.
  8. Maghintay ulit ng 5 minutes.
  9. 4 seconds.
  10. Kung meron ka ng white card at nasulatan na ito, sugurin agad ang department head at magpa-approve.
  11. Kapag nakita mong mahaba ang pila, umuwi ka na. Bumalik ka na lang bukas ng 5:30 am. O kaya, maghanap ng kakilala sa pilahan, lapitan mo at kunwari makikipagkwentuhan ka, halimbawa: “Uy kuwan, musta? Nabuntis yung aso namin tapos yung asparagus blah blah blah… nakatikim ka na ba ng langgam?” Presto! Nakasingit ka na!
  12. Kapag tapos ka na sa approval, congrats! Proceed to the registrar.
  13. Repeat Step 11.
  14. Hintaying matawag ang pangalan sa registrar. Kunin agad ang registration card.
  15. Congrats! Nasa Assessment ka na! Pumunta agad sa Accounting Office.
  16. Repeat Step 11 OR hintaying mag ala sais ng hapon, panigurado, matatapos ka sa assessment!
  17. Congrats, magbabayad ka na sa cashier! Punta agad sa cashier!
  18. Repeat Step 11.
  19. Kapag nakapagbayad na, pumunta agad sa Chess Institute para kuhanin ang mga bago mong classcards.
  20. Repeat Step 11.
  21. Kapag natanggap mo na ang mga classcards, sugurin agad ang nagvavalidate ng mga ito.
  22. Repeat Step 11.
  23. Pumunta sa CR at ayusin ang sarili.

Congrats, after 23 steps, enrolled ka na sa BSU!

Bagong Section, Bagong Buhay!


Natapos na ang isang semester kasama ang mga bago naming mga kaklase (kami ang bagong 4B). Medyo kakaiba pa rin ang pakiramdam kapag nakikita ko ang mga dati kong classmates (mga original 4A), yun bang pakiramdam na dati-rati magkakasama kayo pero ngayon magugulat (at minsan magtataka) ka na lang kasi bigla mo silang makakasalubong tapos maalala mo hindi mo na nga pala sila kaklase… hindi na sila ang mga dati mong kasa-kasama lagi.

Pero ganun talaga ang buhay. Kailangan bukas ang mga pag-iisip natin sa mga ganung bagay na hindi lahat dito sa mundo ay permanente. Lahat pwedeng magbago. Yun nga ang masaya eh. Maraming pwedeng maging sorpresa.

Pero anak ng tinapa, mukhang babagsak ako sa Control System! Hindi naman ganung surprise ang gusto ko. Blangko ang classcard ko sa subject na yun… at malalaman ko pa sa Monday kung ano ba talagang grado ang matatanggap ko. Kung tutuusin mas gugustuhin ko pang bumagsak sa Thermodynamics (pero wag naman sana) na sa totoo lang ay wala naman akong natutunan. Haaay.

Tapos na nga ang 1st sem, pero parang walang kwenta naman ang naging sembreak namin kasi we have to go to school like mga three times a week para lang maayos yung project namin sa Logic Circuits na digital trainer… tapos enrolment week pa this week, so parang wala rin kaming bakasyon.

Speaking of Logic Circuits, ayun natapos na din namin sa wakas ang trainer kit namin! So far, ito na yata ang pinaka-expensive na project na involve ako (well actually kaming lahat). Pero masasabi ko na ang project yatang yun ang somehow naging “bonding” namin with our new classmates. Halos dun ko kasi sila nakilala. Maraming akong naging memories with that, from the apartment na ni-rent namin… nagkapaso pa nga ako dahil sa hinayupak na panghinang na yun (english: soldering iron [dati kasi hindi ko alam ang word na panghinang saka yung soldering iron {hmm.. mukhang masayang maglagay ng isang thought within a thought ah, parang gumagawa ng equation (oo nga no.. hihi!)}]). Fortunately magaling na yung paso ko after a couple of weeks. Sayang nga lang hindi ko na piktyuran yung before-and-after ng mga daliri ko.

Anyways, narito ang ilang pics with our new classmates. Enjoy!
Photo credit: Mandap (thanks!)

Life is a Perfect Tragedy


Sacred Heart Hospital, September 21, 2006. Around 9:30 in the morning, my grandfather died.

I have never experienced someone so close to me died. The feeling is so strange, that I can’t even explain it in words.

I see life as a perfect tragedy. Because in reality, we end the story of our lives with everyone around us suffering in pain of losing somebody. Everybody is mourning. And that is a tragedy. Call me pessimistic, but even you can not deny the reality of death.

Let us live our lives to the fullest. Never waste any single second of your lives.

Live.

Laugh.

Cry.

Love.

I’m going to miss you Ama.

There is No Such Thing as Coincidence. Only Fate.


Masasabi kong mukhang natanggap ko na yata ang pinakamalaking sorpresa sa buong buhay ko…

Elementary pa lang ako, bukas na sa mga nakakakilala sa kin na galing ako sa isang broken family. Hindi ko kinakahiya yun. Naging hamon para sa kin ang bagay na yun para ipakita sa lahat na matatag akong tao. Iyon na rin siguro ang naiisip kong dahilan sa pagiging open-minded kong tao. Kahit kailan kasi, hindi ako nagrebelde sa mga magulang ko. At bakit ko naman gagawin yun? Wala na nga akong sariling pamilya na maituring, sisirain ko pa ang kinabukasan ko… sinong magiging kawawa? Syempre ako.

Pero inaamin ko, kahit pano, nararamdaman ko na parang may kulang sa pagkatao ko. Sa tuwing magsisimba ako mag-isa, hindi ko maiwasang malungkot kapag nakakakita ako ng isang kumpletong pamilya na sama-sama pumupunta ng simbahan. Hindi ko nga naranasan na makita man lang na magkasama ang nanay at tatay ko. Ewan ko ba. Pero bata pa lang ako, tanggap ko na sa sarili ko na hindi talaga mangyayari yun.

Pero ok lang. Kahit na ganun, pinalaki naman ako ng maayos ng lolo at lola ko. Itinuring ko nang pangalawang magulang ang lolo’t lola ko. Kung sasabihin ko sa’yo ang totoo, masasabi kong mas matimbang sila para sa kin kesa sa mga tunay na magulang ko. Siguro ganun talaga kapag hindi ka lumaki kasama ang mga magulang mo.

Isang beses ko pa lang nakita ang tatay ko sa buong buhay ko. Tandang-tanda ko pa, September 18, 2004 nung una ko siyang makita. 2nd year college na ko nun at 18 years old. It took that long para lang makita ko siya. Syempre excited ako nun kasi frist time ko siya nakita. Pero…after that, parang wala na. Parang hindi na mahalaga sa kin kung makita ko pa siya ulit o hindi na. Siguro dala yun ng pagkasanay ko na walang mga magulang sa tabi ko. Sabi ko sa nanay ko, mas gusto ko pa ma-meet yung mga half-siblings ko.

Ngayon 4th year college na ko. Birthday nun ni Pau, September 20, 2006. Katatapos lang namin magklase sa subject na Rizal. Lumabas agad ang professor namin. After some few seconds bigla siyang bumalik, tila may nakalimutan. Tinawag ako mula sa bintana at sinenyasan akong lumabas sa classroom. Naisip ko na baka may ipapagawa sa kin… pero ano naman kaya yun…? Wala akong idea that time.

Les: (kinakabahan) “Sir bakit po?”


Prof: “Nung intrams pa sana kita gusto kausapin, kaya lang hindi yata kayo pumasok ng school nun”


Les: (lalong kinabahan) Shit. Wala naman akong ginawang kalokohan sa mokong na ‘to ah. “Ah, oo nga po eh… ehehe”


Prof: “Hindi mo ba ako namumukhaan?”


Les: (nawirdohan bigla) “Hindi po.”


Prof: “Alam mo kasi, sa Canalate ako nakatira ngayon. Pero sa Atlag ako tumira.”


Les: (parang wala lang) “Ah.”


Prof: “Hindi mo talaga ako namumukhaan?”


Les: “Hindi po eh.”

Bigla pumasok sa isip ko na taga-Atlag ang tatay ko.

Les: “…yung tatay ko po, alam ko taga-Atlag yun.”


Prof: “Ano bang pangalan ng tatay mo?”


Les: “Cipriano po. Pero ang alam ko po, Piring ang palayaw niya dun.”

Nagkaroon ng sandaling katahimikan.

Prof: “Alam mo Lester, tayo ay magkapatid.”

Si Mr. Teodulo Cruz (nickname: Ted) ay kapatid ko. Wow, parang telenobela. Akala ko sa TV lang pwedeng mangyari ang ganung insidente. Syempre nabigla ako. Langya, mahigit tatlo o apat na buwan ko nang propesor ang mokong na to, yun pala kapatid ko.

Rizal ang unang subject na pinasukan ko noong nagdaang semestre (late pa nga ako nun eh… hehe as usual) at kahit katiting ay hindi ako naghinala na kapatid ko siya. Mukhang ganun din naman siya sa kin. Pero sabi niya, habang nagtatagal nakikita niya ang mga palatandaan na kapatid niya nga ako:

  • Cruz ang apelyido ko (syempre)
  • L.P. ang initials ng ng first name ko, which is according to Kuya Ted (naks) and my mom, first letters ng pangalan ng nanay ko at tatay namin ni Kuya Ted (magkaiba kami ng nanay).
  • Kinonfirm ng nanay ni Kuya Ted na “Lester” ang pangalan ng half-brother nila (ako yun).
  • Taga-Panasahan ako. Taga dun din kasi nanay ko.

September 30, 2006 nagpunta naman ako sa bahay ni Kuya Ted sa Canalate. Na-meet ko dun yung isa pa naming kapatid, yung bunso nila (Pero officially, ako na ang bunso nila ngayon… hehe) na si Kuya Anton. Uminom kami kasama ang iba nilang mga kaibigan. At doon nagkwento sila sa kin ng mga bagay-bagay tungkol sa tatay namin.

Hanggang ngayon medyo hindi pa rin ako makapaniwala na sa BSU ko lang pala makikilala ang isa sa mga kapatid ko. I’m sure maraming magugulat, lalo na siguro ang mga kaklase ko. Whew!

Coincidence? Nope. It’s Fate.