More or less, ganito ang histura ko ngayon. Kuha yan sa trabaho ko (thanks Lizzie), at siguro sa ayos ko eh mukhang hindi mahirap hulaan kung anong trabaho ko ngayon. Ok lang naman. Medyo malayo sa bahay. Kaya pa naman, at mukhang nakakasanayan ko na. Naging mahirap ang adjustment sa umpisa pero gaya nga ng sinabi ko mukhang nasasanay na nga ako sa trabaho ko at mukhang mas makakasanayan pa.
Sa hindi sinasadyang pagkakataon eh mukhang nagbunga naman nang hindi sinasadya ang mga pinaggagagawa ko sa trabaho. Siguro magiging mayabang ang dating ko, pero tandaan mo na blog ko ito at wala kang pakialam sa kung ano man ang isusulat ko dito. Loko lang. Pero gusto ko rin naman ipagmalaki kahit pano na nagkaron ako ng "achievement" sa trabaho ko. After only a month on the floor, I was able to make it as the top agent for customer satisfaction. Nagulat ako kasi nung minsang pagkadating ko sa trabaho bigla na lang itinuro sa kin ng mga wavemates ko na nasa bulletin board ang name ko. Nabigla naman ako kasi hindi ko naman kasi pinapansin ang board na yun. Ewan ko, pero iniisip ko talaga na "tsamba" lang ang achievement na yon kasi parang magulo kasi ang sistema ng pagpapadala ng mga surveys sa mga Kano kung saan nire-rate nila kung gano sila ka-satisfied sa tech support na pino-provide namin. Pero sabi ni Boss Ged, hindi daw tsambahan lang yun. Hmm. Ewan. Basta ok na rin yun, at least blessing na rin kahit papano. Anyways, salamat sa mga Kano na nasiyahan sa kin.
Hindi ko alam kung tatagal ako sa trabaho na to. Kahit na sabihin nila na malaki ang sweldo, pero may ilan pa ring mga bagay na nagpapahiwatig na hindi para sa kin ang trabahong ito:
- Malayo ang lugar ng trabaho. Taga-malolos ako at ang work ko ay sa Commonwealth, QC pa. Medyo nakakapagod din magbyahe.
- Malaking bahagi ng sweldo ko ay halos napupunta sa pamasahe.
- Medyo walang work-life balance
- Graveyard shift lagi
Syempre alam ko na sa umpisa pa lang na talagang pang-gabi ang trabahong ito, kaya pwede natin syang alisin sa listahan. Siguro ang talagang dahilan dyan eh yung pagiging malayo ng trabaho sa bahay. Sabi nga ng ka-trabaho ko, kelangan ang pamasahe mo lang papunta sa work ay 10% lang ng sweldo mo. Kung tutuusin, halos 30-40% ng sweldo ko ay napupunta lang sa pamasahe. Ako na rin ang nagbabayad ng bills sa bahay at ilan pang gastusin. At kung may matitira man sa kin eh konti lang.
Binalak ko noon na magresign na sa katapusan ng Nobyembre, pero naisip ko na saka na. Titiisin ko muna hanggang sa ma-regular ako (hopefully), and by then sana magkaron ng increase sa sweldo ko at baka makapagrent na lang siguro ng bahay or kwarto malapit sa trabaho.
Sa ngayon, nakikita ko pa ang sarili ko sa ganitong trabaho sa susunod pang mga buwan. Pero kailangang makapagdesisyon ako kung ito ba talaga ang gusto ko. Ewan, malamang may iba pang magandang trabaho dyan, pero sa ngayon, hindi ko masasabi na masaya ako at kuntento sa kung anong meron ako ngayon. Siguro ganun na nga talaga ang mga tao, walang kasiyahan sa buhay. Ü
No comments:
Post a Comment