Sunday, May 27, 2007

Vincent's Vagina




To whow it my cover

This is to certify that the pt. was treatell for fewer jmd to wircert’s agiwa. Nest was adusd until juca condizu is alleuabl. (slash slash)


Iyan ang pinagawa kong excuse letter kay dok just in case na kailangan ko ng patunay na nagkasakit ako.

Hindi ko talaga maintindihan ang mga doktor. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi nila kayang sumulat ng maayos para naman maintindihan ng mga pasyente nila kung anong sinusulat nila sa reseta.

Mga 2 weeks ago, nagpunta ako ng doktor kasama ang lola ko para magpa-check-up. Nagkalagnat kasi ako, tapos ang sakit-sakit ng lalamunan ko. Pero pagkadating na pagkadating ko sa opisina ng doktor, biglang nawala yung lagnat ko. Parang may kung anong kababalaghan ang bumabalot sa klinika ng doktor na yun.

Dok: “O, anong nararamdaman mo?”

Qreux: “Dok, may lagnat po ako.”

Kinapa ni dok ang noo at leeg ko.

Dok: “Wala naman eh.”

Qreux: (nagulat) Baka isipin nito nagsisinungalanging ako, kasama ko pa naman lola ko. “Ha… ah eh, masakit po lalamunan ko. Pabalik-balik po eh. Pramis.”

Dok: “O sige, nganga.”

Qreux: “Aahh….hhhh”

Dok: “VINCENT’S **GINA yan!”

Bigla akong napatingin sa lola ko.

Qreux: Tama ba dinig ko, Vincent’s Vagina? Sana di alam ng lola ko ang tagalog ng VAGINA. “Ah eh dok, ano po ba yung Vincent’s--- ”

Dok: “Mahina kasi yung immune system mo kaya nagkaroon ka ng Vincent’s **gina.”

Qreux: Pucha, di ko talaga maintindihan. “Ah. Ok.”

Dok: “Heto bibigyan kita ng gamot at saka pampalakas ng immune system mo.”


(Due to scanner problems, the second page of the reseta is not shown. Sorry po!)

Hindi mo naintindihan no? Ako rin.

Himala nga at naiintindihan ng mga tao sa botika ang sinusulat ng doktor. Nagkataon naman na meron ding sariling botika ang doktor na yun. Asawa niya yung pharmacist sa botika.

Qreux: “Uhmm.. magkano po ‘tong gamot na to?” (sabay turo sa buhol-buhol na linya sa papel)

Asawa ni dok: “Ah ito bang [insert the name of the gamot here]? Php57 LANG per tablet.”

Qreux: Ang mahal. “Eh ito pong Climday, magkano?”

Asawa ni dok: “Mali, [insert the name of the gamot here] ang basa dyan. Php25 LANG.”

Kitams. Mali ako. Isang beses lang ako nag-attempt na mag-interpret ng sulat ng doktor mali pa.


Hindi pala CLACITUMY ang basa dyan, CLARITHROMYCIN pala.


Hindi rin CLIMDAY ang basa dyan, kundi CLINDOMYCIN.

Meron pang PIVOXICEN, pero PIROXICAM pala yun.

Meron ding DUPHEUON, yun pala DUPHARON.

Eto di ko talaga maintindihan. Siguro TOLOVID yung huli. Pero malamang mali din ako. Nakalagay lang kasi sa plastik nang binigay sa kin ang gamot na “TOLOVID”. Basta sabi sa kin ng doktor pampalakas yan ng immune system. Naintindihan ko lang ang basa sa reseta nung binigay na sa kin yung mga gamot na may mga labels na sa likod.

CLACITUMY.

CLIMDAY.

PIVOXICEN.

DUPHEUON.

Medyo natatawa ako sa sarili ko. Pero parang mas nakakatawa yata ang VINCENT’S VAGINA.

Sinikap kong alalahanin kung ano yung binigkas ng doktor. Pati yung pagbuka ng bibig ng doktor sinikap kong alalahanin. Pero pilit pa ring nagsusumiksik sa malaswa kong isip ang Vagina ni Vincent. Vincent’s Vagina nga ba yun? Parang naalala ko na hindi naman nagdikit ang labi ni dok nung binigkas niya ang word pagkatapos ng Vincent’s. So the second word must be starting with a vowel… perhaps a letter A.

Out of nowhere, naisip ko baka Vincent’s Aringina.

Kaya pagkagaling ko sa doktor, bukas agad ako ng PC, tinayp ko sa Yahoo Search ang Vincent’s Aringina, at ito ang lumabas:




VINCENT’S ANGINA pala yun, at hindi Vincent’s Aringina at lalong hindi Vincent’s Vagina. Ayon sa pagkakaintindi ko (at sa explanation ni dok), ang Vincent’s Angina ay isang impeksyon sa throat. Hindi sa tonsil (kaya hindi siya tonsillitis). Karaniwang inaatake nito yung mahina ang immune system, kaya pala siya pabalik-balik.

Bigla na namang gumana ang malikot kong imahinasyon… Pa’no na lang kung lahat ng na-diagnose ng Vincent’s Angina ay kasing-engot ko?

Imahinasyon 1:

Pare 1: “Dude, meron akong VINCENT’S VAGINA.”

Pare 2: (biglang gumalaw ang tenga, sabay ngiti ng malaswa) “Talaga?! Hehe! Patingin nga---Teka, Vincent’s? Lalaki yun ah! Di bale na lang.”


Imahinasyon 2:

Girl 1: (tumitili) “Gosshhhh!!!!! Girl, I have V.V. !!!”

Girl 2: (biglang napataas ng kilay) “Hellur, V.V. ??”

Girl 1: “V.V. , as in Vincent’s Vagina!!!”

Girl 2: “Ano ka ba, hindi ka pa ba masaya sa vagina mo?!”


Imahinasyon 3:

Lola: “Huhuhu!!!”

Apo: (lasing) “What’s up Lola? Hik.”

Lola: “Apo, meron akong Vincent’s Vagina!!!”

Apo: “Mukhang kailangan nyo nga lola. Hik.”

Siguro hindi ko na talaga maiintindihan ang mga doktor, sa pagsulat nila, sa mga diagnosis, etc. Pero may naalala akong doktora na ang ganda sumulat. As in maiintindihan mo talaga. Kaya nga lang Pediatrician siya… mababasa ba naman ng mga pasyente niyang sanggol ang sulat niya? Hay.

At diyan na nga nagtatapos ang kahila-hilakbot, nag-uumigting at kagila-gilalas na kwento at adventures ng Vagina ni Vincent. Lesson of the story? Hindi lang babae ang may vagina. Si Vincent din meron.

6 comments:

Anonymous said...

nu ba yan les?! npka wild tlga ng pag iicp mu.. hahaha! ntawa tlga aq dun, pinipigilan q lng tumawa ng malakas kz bka mpagkamalan akong baliw d2 sa office.. tsaka bka mahuli pa aq na kung ano2 ginagawa.. hehehe! grabe nman tlga ung sulat na un.. khit imagnifying glass mu un eh nde mu tlga maiintindihan.. khit na malaki eh npkagulo nman.. gara tlga.. i wonder bkt mai "Vincent" pa ung tawag sa sakit na "Vincent's Angina"..?! i wonder hu's "Vincent"..?! cia b discoverer nun..?! haha..! o kauna unahang nagkaroon nun or nkatuklas ng lunas dun.. ah ewan.. curious lng tlga.. mahina pla immune system mu.. frustrated vegetarian k kz eh.. hehe!

lala said...

Hmmm ayon sa na-research ko eh parang si "Vincent" yata yung naka-discover nun. Hindi naman grabe yung sakit na yun no, simpleng throat infection lang siya. Don't worry ok na ko matapos kong mag-take ng antibiotic for 7 days... kaya yung sakit, parang nawala! (naks, parang Olay)

Anonymous said...

dpat c kuya ferdz nman magsulat nung tagalog version ng "Vincent's **gina" kz favorite bukangbibig nia ung tagalog nun.. hahaha!

Air Acilegna said...

hahahahha... that was really funny!!!! hehehe.. kung ako yon baka di ko na lang pansinin haha... pero atleast may natutunan naman ako pagkabasa ko haha.. ..

hmm.. bakit kaya di na lang ginawang.. AGINA VINCENT.. or VINCENTAGINA.. haha.. siguro para madaling matandaan kaya vincent's vagina.. hehehe..

galing talaga ng sense of humor mo hahaha!!! ^-^

churvah said...

impyernes..natawa aq sobrah! as in..ang lufeeet ng post n to. teary eyed n nga aq sa kktwa..

sense of humor..200 %
lolz!

Anonymous said...

Kaya mahal kita eh! HAHAHA :P