Tuesday, December 04, 2007

Top 10 Anything: Street Foods

Masyado ako na-inspired nung nag-food trip kami kahapon sa bayan [ng Malolos] nila Nani at RC kasama sila Bhing, Mae, Moe saka si Rio, kaya naman naisipan kong ibahagi ang aking Top 10 Street Foods! I'm counting from 10 to 1 so start na tayo sa number 10!

10 Fishball + Kikyam + Hotdog

Actually wala ako masyadong hilig talaga sa fishball. Para kasing walang lasa unless isasawsaw mo sa mga sawsawan. Mabuti pa ang kikyam kahit pano may lasa. Yung hotdog pwede na rin, kaya lang syempre may kamahalan ito compared sa mga fishball at kikyam. Kaya ko sila pinagsamasama sa rank 10, eh kasi sama-sama mo naman sila makikita sa tindero ng fishball.Hindi ko na sinama yung squidball at chicken nuggets kasi parang pare-pareho lang ng lasa, nagkaiba lang ng shape at tawag. Kaya kapag may nakita kang bagong variety sa suki mong tindero ng fishball (let's say hito ball o kaya ostrich nuggets), wag kang mabigla.




9 Stray Mami

Naks. Maming-gala ang tawag dyan ng nakararami. Pero actually "mami" lang naman talaga ang tawag dyan. Tinawag siyang maming-gala kasi merong wheels ang mamihan na 'to. Madalas ako kumain nito nung first year college ako. Ewan ko, kasi yun ang trip namin kainin dati. Karaniwan beef ang sahog nito, enriched with vetsin. Peyborit ko 'to lagyan ng hotsauce. Best served with monay. Pero nung huli kong kain ng mami, sinabayan ko ng burger. Nga pala, meron nang mga "resident mami", matatagpuan nyo sila malapit sa mini-forest, sa bandang likuran ng Max's (Malolos). Hindi ako masyado nasisiyahan sa mami, kaya dito siya sa 9th spot!



8 Calamares

Siguro marami magtatanong ng "Bakit 8th lang ang kalamares??? Sarap kaya nun!"

Pero siguro naman narinig mo na ang Formaldehyde? Kung hindi ka pamilyar dun, hindi kita masisisi kasi mas kilala yun sa tawag na Formalin. Ano masarap pa ba?

Sa totoo lang, hindi naman dahil sa issue na may formalin ang mga kalamares kaya nilagay ko siya sa 8th spot (ang mga nagkakalat daw ng issue na may formalin ang kalamares eh yung mga nagtitinda ng provent, lol). Parang medyo nakakasawa kasi ito. Saka mahirap nguyain. Noong bata pa ko hindi ako kumakain ng pusit kasi natatakot ako sa hitsura, lalo na sa mga tentacles. Napilitan lang ako tikman nun kasi wala nang ibang ulam kundi iyon nung panahong yon. Nagustuhan ko naman. Kaya naman nung nauso ang kalamares, talagang hinanting ko sa bayan. Ok naman. Pero narealize ko na mas masarap yung mga pusit na nasa lata.



7 Provent

Minsan nung nasa jeep ako pauwi galing ng skul hindi ko sinasadyang makinig sa munting diskusyon ng magkakaibigan na ito:

Girl1: "Huy, natikman mo na ba yung ano... yung tinitinda dun sa bayan?"

Girl2: "Alin dun?"

Girl1: "Yung masarap! Yung bilog-bilog na balun-balunan yata yun?"

Girl2: "Ah...!"

Girl1: "Alam mo tawag dun?"

Girl2: "Hinde."

Girl3: "Chicken pops!"

Girl1: "Ows?"

Girl3: "Yun ang alam kong tawag dun."

Girl1: "Bakit si ano, iba ang tawag dun?"

Girl3: "Ganun? Ano tawag ni ano dun?"

Girl1: "Mata ng dragon!"

Girl3: "Wahaha!!!"

Girl2: "Wahaha!!!"

Girl3: "Eh bakit naman ganun tawag ni ano dun?"

Girl1: "Wala lang! Hindi niya kasi alam tawag dun! Wahaha!"

Medyo nangiti ako sa kanilang munting usapan. Sasabat sana ako na "provent" ang tawag sa pagkain na yun, kaya lang baka tanungin pa kung bakit "provent" ang tawag, eh hindi ko naman talaga alam...

...pero ngayon, inalam ko na.

+-- Mission Provent --+

1. Alamin muna ang english ng balun-balunan
Noong minsang active pa ko sa chatrooms, meron akong nakausap na kumukuha ng kursong Veterinary Medicine. Out of nowhere parang napunta ang usapan namin sa street foods, so nabanggit ko ang provent.

Qreux: "Alam mo yung provent?"

Vet: "Ah... yung chicken gizzard!"

Qreux: (nosebleed)

2. Mag-research tungkol sa Gizzard sa internet
Etymology (from wikipedia.com)
The word "gizzard" comes from the Middle English giser, which derives from a similar word in Old French, and earlier from the Vulgar Latin "*gicerium", which follows from the Latin word "gigeria", meaning cooked entrails of poultry. The Latin word "gigeria" probably is derived from the Persian word for liver, which is "jigar".

Structure (from wikipedia.com)
Birds swallow food and store it in their crop if necessary. Then the food passes into their glandular stomach, also called the proventriculus, which is also sometimes referred to as the true stomach. This is the secretory part of the stomach.

3. Conclusion
Medyo magulo pa rin, pero sa tingin ko ang provent ay nanggaling sa word na proventriculus. Pero ang proventriculus ay iba sa gizzard diba... kaya medyo magulo pa rin. Pero siguro naisip ng nakaimbento ng provent na mas magandang pakinggan ang short-cut ng proventriculus (provent) kesa sa short-cut ng gizzard (uhmm...gizz?).

Qreux: "Mamang tindero, pabili nga po ng gizz."

Panget nga.



6 Kamote Q

Peyborit ko ang Kamote Q. Nung nagji-gym pa ko (miss ko na) noong unang panahon, napag-alaman kong maganda sa development ng muscles ang kamote. Kaya naman lalo kong naging peyborit ito. Kaya lang medyo may adverse epek sya, lagi mo maeexperience na maglabas ng kakaibang hangin mula sa iyong... ah basta dun.

Pero kahit na peyborit ko ang Kamote Q, mas gusto ko 'to kinakain sa bahay.



5 Mani

Gusto ko rin kumain ng mani (no pun intended). Mas gusto ko yung fried, kesa dun sa nilaga. Peyborit kasi ng nanay ko yung mani kaya siguro naging peyborit ko na rin. Pero tulad ng Kamote Q, mas gusto ko kumain ng mani sa bahay (again, no pun intended lol).




4 Mangga

Oo, yung manggang hilaw. Ewan ko pero gusto ko ng mangga. Gusto ko kasi nung asim, crisp, at saka yung combination ng alat, konting tamis at anghang ng bagoong! Yum!

Pero tulad ng sabi ng mga matatanda, huwag kakain ng manggang hilaw kapag walang laman ang tiyan. Wala namang masama kung susundin, kaya kapag trip kong kumain ng mangga sa may malapit sa bsu, sinisiguro kong hindi ako gutom. Hindi ko naman trip kumain ng mangga araw-araw, minsan lang naman pag gusto ko--at kapag hindi ako gutom.



3 Chicken Skin

Waaah! Isa yata 'to sa mga guilty pleasures ko, haha! I remember nung unang nauso to sa bayan [ng Malolos] at isa pa lang nagtitinda nito nun, talagang it was selling like hot cakes! Sobrang dami talaga ng bumibili nito nun... as in! Asar nga ako dati kapag nauunahan akong pagbentahan. Minsan din trip ko ulamin ang chicken skin, yun lang ulam ko solb na ko.

Pero dati yun. Hindi naman ako madalas bumili ng chicken skin nun kasi syempre alam ko naman ang masamang epekto nito kapag laging kumakain nito. Actually ngayon dinededma ko na lang ang chicken skin kasi hindi masarap yung mga version ngayon. Pero isa pang dahilan eh nag-iingat ako para hindi ma-stroke! lol



2 Crunchy

Malamang bago lang to sa pandinig nyo. Pero sigurado akong nakatikim or nakakita na kayo ng crunchy.

Actually imbento ko lang ang tawag na crunchy sa pagkain na to kasi hindi ko alam ang tawag. Ito yung isaw ng baboy (yata) na deep fried na medyo hindi maganda ang amoy habang niluluto. Pero pag natikman mo, talaga namang heaven (LOL)! Enriched with vetsin din 'to. Ang unang tikim ko nga sa crunchy eh first year HS pa yata ako. Pinatikim lang 'to sa kin ng kapatid ng lola ko. Medyo nawirdohan pa nga ako sa hitsura, akala ko kasi suso (yung snail, hindi yung kung ano man yung una mong naisip). Tinanong ko pa nga that time kung ano tawag dun, ang sabi lang niya "Basta tikman mo!" Hindi niya rin siguro alam. Pero nagustuhan ko naman. Apir.

Kung curious kayo sa crunchy, punta kayo minsan sa bayan mga 2pm. Makikita nyo yung nagtitinda ng crunchy malapit sa Maunlad Mall 1, dun sa tayaan ng lotto.



1 Isaw

Yay! Isaw nga ang nagwagi sa aking Top 10 Street Foods!

Ewan, pero all-time fave ko ang isaw (ng manok). Medyo nawirdohan pa ko sa hitsura nito nung una akong makakita ng isaw na iniihaw sa may kalsada. Natatakot pa ko bumili nun kasi akala ko bulate na pinutulan ng ulo at buntot saka walang-awang tinuhog ng stick. Nung unang tikim ko nung bata pa ko, nagustuhan ko naman. At simula nun laging isaw ang binibili ko sa mga ihawan. Nakatikim na rin ako ng betamax (yung dugo ng manok), saka yung isaw ng baboy... pero para sa kin da best pa rin ang isaw ng manok.

Nung nag-food trip kami kahapon sa bayan halos isaw ang tinira ko. Mas gusto ko kasi yung isaw sa bayan kasi ang daming sibuyas ng sawsawan, kaya naman ang saya-saya mag-food trip sa bayan.



Ilan lamang ang mga yan sa mga street foods na natikman ko na at nagustuhan. Meron pang iba but they did not make it to my top ten list, tulad ng prosti (aka Frostee, hindi ko alam kung bakit pero talamak 'to sa bsu pero kinonsider ko na rin bilang isa sa mga street foods), barbecue, siomai, siopao at mais. Gusto ko rin ang mga yun (lahat naman yata gusto ko eh) pero sampu lang talaga ang kasya sa top ten eh!

Ngayon hindi na 'ko masyadong nagkakakain ng mga street foods kasi medyo naging health conscious ako lately. Pero inuupakan ko naman once na may magyaya ng food trip sa bayan (hehe parang wala rin pala, may pa-health-health conscious pa kong nalalaman).

Napagtanto ko na sadya nga namang malikhain tayong mga pinoy pagdating sa mga pagkain. Kung anu-ano ang naiimbentong pagkain para lang magkaroon ng laman ang tyan at para din kumita. Sa manok lang, parang buto at balahibo na lang yata ang hindi kinakain dito. Akalain mong yung nananahimik na balun-balunan ng manok eh nakuha pang ibalot sa harina, iprito at ibenta sa kalye? Yung kalamares na dati sa mga restaurants at food court mo lang makikita, ngayon makakain mo na anytime sa kalsada!

Sa mga uri ng pagkain na ibinebenta sa kalye at mga bangketa, malamang maisip natin isang araw kung ano naman kayang mga street foods ang posibleng maimbento at mauso sa mga darating na araw? Palong ng manok on stick? Talaba balls? Paniki Wings? Posible rin kayang maging street food ang dila ng baka, paa ng baboy o kaya yung antena ng ipis?

Hmmm. Yummy.

Friday, November 30, 2007

Paksiw

Bukas umpisa na ng buwan ng Disyembre.

...

...at malapit na naman ang Valentine's Day.

Naaalala ko noong Grade 1 pa ko, laging kasabay ng Valentine's Day ang Teachers' Day. Syempre laging bida ang mga titser kapag ganung araw. Karaniwan roses ang binibigay sa kanila. Hindi pa ko masyadong sweet nung Grade 1 ako. Grade 3 na yata ako nung nag-umpisa akong bumili ng bulaklak para sa Teachers' Day. Kaya't nung sumapit ang araw na yun that time, napansin kong nagkalat ang mga nagtitinda ng mga roses sa gate ng skul namin, kaya bumili ako ng ISA. Ibinigay ko ang nag-iisang bulaklak na yun sa peyborit kong teacher at death threat naman sa aking Math teacher.

Loko lang. Ü

Hindi ko alam kung meron talagang "Teachers' Day" na tinatawag. Bata pa ko nun, at walang kamuwang-muwang sa mundo. Noong tumuntong na 'ko ng hayskul (sa parehong eskwelahan) hindi ko namalayan na wala na palang Teachers' Day na sineselebreyt. Siguro inimbento lang ng skul na yun yung ganoong okasyon para hindi mag-premarital sex ang mga Grade 1 pag Valentine's Day.

...

...

Basahin nang malakas at mabilis (ang hindi sumunod panget):

PASKO, PAKSIW, PASKO, PAKSIW, PASKO, PAKSIW (repeat till fade)

...

...


Medyo asar na ko sa kwarto ng bahay na katabi lang ng kwarto ko kasi laging pinapatugtog ang "My Valentine" ni Martina McBride. Take note: Infinite Loop! Hindi tuloy ako masyadong makapag-concentrate ng maayos sa sinasalitype ko ngayon. Kaya naman napunta sa Valentine's Day ang mga una kong nasulat imbes na tungkol sa Pasko.

Grrr. Ako lang yata ang nalulungkot kapag pasko. Hindi naman ako christmas-hater. Ewan.

Balik ulit tayo nung Grade 1 pa ko. Noong mga panahong iyon, palibhasa around 5:30 ang uwian namin at maagang nagdidilim ang buong paligid, galak na galak ako kapag uwian na. Nakikita ko kasi ang daan ko pauwi na halos nababalutan ng christmas lights. Syempre musmos pa lang ako nun kaya aliw na aliw ako sa mga kumukutikutitap na mga ilaw.

Noong mga panahong iyon talagang maiisip mo kung gaano kasaya tayong mga pinoy kapag sumasapit ang pasko, pano ba naman Setyembre pa lang eh, halos kung saan ako lumingon may christmas lights:

Sa mga bintana, may christmas lights.

Sa mga pintuan, may christmas lights.

Sa mga pader, may christmas lights.

Sa mga gates, may christmas lights.

Sa mga poste, may christmas lights.

Sa mga puno, may christmas lights.

Sa mga flowers, may christmas lights.

Kahit puso ng saging, may christmas lights.

Ipis: (boses-ipis) bakit ako walang christmas lights?

(uuyy. nagboses-ipis ka no?)

Pero ngayon ibang-iba na. Noong minsang umuwi ako ng medyo late na, parang napansin kong wala akong nakitang mga christmas lights. Wala na yung mga makatawag-pansin na mga kutitap. Hindi na rin kami naglalagay ng mga christmas lights matagal na. Christmas tree na lang.

Iniisip ko tuloy na pambata lang siguro ang pasko. Aaminin ko na nung bata ako, excited talaga ako kapag pasko... kasi lagi ko hinihintay si Santa Claus... na hindi naman pala totoo! Paniwalang-paniwala ako nun na si Santa Claus ang naglalagay ng mga kendi sa medyas na sinasabit ko tuwing Christmas Eve. Kaya naman one christmas (nung bata pa rin ako) naisipan ko na gumawa ng letter para kay santa. Syempre binati ko muna siya ng merry christmas, sabay sabi kung gano siya kabait at kung gano ako kabait na bata. In the end, sinabi ko ang mga gusto ko matanggap sa pasko: Gameboy (yung classic, super uso 'to dati), damit, pantalon (sinabi ko rin sa letter yung size), sapatos (dinrowing ko naman yung paa ko sa isang pirasong papel kasi hindi ko pa alam dati yung size ng paa ko), at yung iba hindi ko matandaan. Tinupi ko ang sulat na yun at nilagay sa pinakamalaking medyas na nakita ko that time. Kung dati lagi ko sinasabit yung medyas ko sa tabi ng mga medyas ng mga pinsan ko, noon nag-solo ako. Baka kasi makita ng mga pinsan ko na may letter sa loob maki-gaya pa. Kinabukasan, walang laman ang medyas. Kahit kendi, wala. Napaka-optimistic ko nung bata ako kaya inisip ko na lang na baka hindi nakita ni santa yung medyas ko.

Kung tutuusin naging masaya na rin naman ang pasko ko kahit paano nung bata pa ko. Kahit wala yung nanay ko, sumasama ako sa mga pinsan ko kasama ang mga magulang nila kapag namamasko sa mga ninong at ninang nila. Kumbaga, sabit lang ako. Hindi ko kasi kilala ang mga ninong at ninang ko... hanggang ngayon. Malamang hindi rin nila ako kilala. Hindi sila pinakilala sa kin. Kaya hindi ko naranasan yung magmano sa mga 'ninong' at 'ninang'. Nakikimano lang ako nun sa kung sinong mga ninong at ninang na pagmamanuhan ng mga pinsan ko. Yung mga ninong at ninang nila talagang malaki ang binibigay na aguinaldo, minsan may kasama pang regalo. Sa 'kin wala. Simpleng "merry christmas sa'yo iho" lang. Mga kamag-anak ko lang ang nagbibigay sa kin ng aguinaldo. Kaya naman pag nagpalakihan na ng mga aguinaldo kaming magpipinsan, lagi akong talo.

Ganun lagi tuwing pasko nung bata pa ko.

Nitong mga nagdaang pasko, madalas ko pinapalano na umalis ng bahay at i-treat ko naman ang sarili ko sa araw ng pasko. Yayain ang mga kaibigan na pumunta sa mall, mamasyal, kumain, manood ng sine. Pero alam kong hindi sila papayag, dahil hindi papayag ang mga magulang nila na umalis sila sa araw ng pasko. Sa 'kin kasi walang pipigil. Wala dito ang nanay ko, wala akong tatay, yung lolo ko alam ko medyo magagalit kapag umalis ako pero wala na siya, yung lola ko naman alam kong maiintindihan ako, yung mga inaanak ko naman pwede kong iwanan na lang yung regalo/aguinaldo nila... kaya iniisip ko nun na kahit mag-isa ako aalis pa rin ako ng bahay at aaliwin na lang ang sarili. Pero naisip ko pa rin in the end na malungkot pa rin ang mag-celebrate ng pasko mag-isa.

...

Siguro nga, pambata lang ang pasko.

...


Maligayang pasko sa inyo! Ü
Been blogging for nearly 3 years, and this is my first about-christmas post.

Saturday, November 24, 2007

Ang Alamat ng Gift Certificate




Noong unang panahon, ipinanganak ang tatlong sanggol na siyang nakatakdang magbago sa kapalaran ng sangkatauhan.

Lumaki nang maayos ang tatlong sanggol na ito hanggang sa itinakda ng tadhana na sila ay magkakilanlan. Nagbinata si Ed-Ed at nagdalaga sina Mon-Mon at Mag-Mag. Naging magkaibigan ang tatlo. Ngunit mas naging malapit sa isa't isa ang dalawang babae, habang lagi namang napag-iiwanan ang nag-iisang lalaki na si Ed-Ed.

Mon-Mon: "Ang sarap ng donat!"

Mag-Mag: "Oo nga! Simula ngayon peyborit ko na ang donat!"

Mon-Mon: "Hindi ba tayo tataba nito girl?"

Mag-Mag: "Duh?! Ang taba na kaya natin!"

Mon-Mon: "Hihi! Akala ko di mo pansin eh!"

Lumipas ang mga araw at napansin ni Ed-Ed na hindi na siya isinasama sa lakaran nila Mon-Mon at Mag-Mag.

Ed-Ed: "Huhuhu! Lagi na lang ako mag-isa ngayon... anong gagawin ko?"

Habang ngumangalngal si Ed-Ed ay bigla na lamang lumitaw ang isang kakaibang nilalang mula sa kawalan na tila nababalot sa nakakasilaw na liwanag.

Ed-Ed: (nasisilaw) "Hu u?"

Kakaibang Nilalang: "Ako ang iyong konsensya na half-fairy"

Ed-Ed: "Ah oki. Naks."

Kakaibang Nilalang: "Napansin kong namomroblema ka sa iyong dalawang kaibigan."

Ed-Ed: "Huhu! Lagi na lang nila ako iniinggit sa mga donat na kinakain nila! Huhuhu!!!"

Kakaibang Nilalang: "Hmmm. Kung gayon, bibigyan kita ng maraming salapi para makabili ka ng maraming donat!"

Ed-Ed: "Wow. Thanks!"

At nagkaroon na nga ng maraming salapi si Ed-Ed at ibinili ito ng maraming-maraming donat. Napansin ito nila Mon-Mon at Mag-Mag kaya nagkasama-samang muli at lalong naging malapit sa isa't isa ang tatlong magkakaibigan. Ngunit isang araw...

Ed-Ed: "Salamat sa'yo at naging close na ulit kami ng aking mga friends!"

Kakaibang Nilalang: "Wala yun. Pwamis. Ü"

Ed-Ed: "Teka ano nga pala ang pangalan mo?"

Kakaibang Nilalang: "Since ako ang iyong konsensya na half-fairy, ang pangalan ko ay kabaligtaran ng iyong pangalan."

Ed-Ed: "Ah... so ang pangalan mo ay *censored* !!! Nyahaha!!! *censored* pala ang pangalan mo! Pero infairness hindi ka mukhang *censored*!"

Kakaibang Nilalang: "How dare you to make lapastangan of my name! Simula ngayon babawiin ko na ang mga salapi na ibinigay ko sa'yo!"

At simula nga noon ay nawalang parang bula ang mga salapi ni Ed-Ed.
Isang araw...

Mon-Mon: "Maligayang bati sa'yo Ed-Ed!"

Ed-Ed: "Ha? Bakit anong meron?"

Mag-Mag: "Hindi mo ba alam? Today is Donut Day!"

Mon-Mon: "Eto nga o, may regalo ako sa inyong dalawa... DYARRAANN!!! Special Donuts!"

Mag-Mag: "Hihi! Girl pareho pala tayo ng regalo!"

Mon-Mon: "Ayos, mahaba-habang donut session 'to!"

Mag-Mag: "Ikaw Ed-Ed, anong regalo mo sa min?" (excited)

Ed-Ed: "Uhmm..."

Mag-Mag: (nagtaas ng kilay)

Mon-Mon: (nagtaas din ng kilay)

Ed-Ed: "Eto na lang ang regalo ko sa inyo..." (naglabas ng isang papel)


Mag-Mag: "Ano 'to????"

Ed-Ed: "Uhmm... imbento ko. Available at all leading department stores nationwide."

Mon-Mon: "Wahaha!!! You're so pathetic, like antibiotic!"

Mag-Mag: "Of course intercourse! Agree ako sa'yo Mon-Mon!"

Ed-Ed: (nag-init ang ulo at kumuha ng mga donat) "Etong dapat sa inyoooooo!!!!"

Isinalaksak ni Ed-Ed ang mga donut sa mga bibig nila Mon-Mon at Mag-Mag. Halos hindi makahinga ang dalawang babae sa ginagawa ni Ed-Ed pero nakuha paring abutin ni Mon-Mon ang papel na hawak kanina ni Ed-Ed at kanya ring isinalaksak sa bibig ni Ed-Ed. Namumungalan ang tatlong magkakaibigan sa mga laman ng kanilang mga bibig. Hindi nagtagal ay nawalan ng malay ang tatlo. Pero naka-smile.

Kinabukasan ay hindi na matagpuan ang tatlong magkakaibigan. Hanggang ngayon ay hindi pa rin alam ang naging dahilan sa pagkawala ng mga ito.

Lumipas ang mga araw, napansin ng mga taumbayan na may biglang tumubo na papel sa lugar kung saan huling nakitang walang malay ang tatlong magkakaibigan. Umabot ito sa kaalaman ng isang negosyante.


Negosyante: "Hmm. Napakahiwaga ng papel na to. Parang certificate... pero may nakasulat na 'gift'. Hmmm...gift... certificate..." (light bulb) "GIFT CERTIFICATE!!! Okey to ah! Bagong pa-uso!"



-The End-

Saturday, November 17, 2007

Sunday, May 27, 2007

Vincent's Vagina




To whow it my cover

This is to certify that the pt. was treatell for fewer jmd to wircert’s agiwa. Nest was adusd until juca condizu is alleuabl. (slash slash)


Iyan ang pinagawa kong excuse letter kay dok just in case na kailangan ko ng patunay na nagkasakit ako.

Hindi ko talaga maintindihan ang mga doktor. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi nila kayang sumulat ng maayos para naman maintindihan ng mga pasyente nila kung anong sinusulat nila sa reseta.

Mga 2 weeks ago, nagpunta ako ng doktor kasama ang lola ko para magpa-check-up. Nagkalagnat kasi ako, tapos ang sakit-sakit ng lalamunan ko. Pero pagkadating na pagkadating ko sa opisina ng doktor, biglang nawala yung lagnat ko. Parang may kung anong kababalaghan ang bumabalot sa klinika ng doktor na yun.

Dok: “O, anong nararamdaman mo?”

Qreux: “Dok, may lagnat po ako.”

Kinapa ni dok ang noo at leeg ko.

Dok: “Wala naman eh.”

Qreux: (nagulat) Baka isipin nito nagsisinungalanging ako, kasama ko pa naman lola ko. “Ha… ah eh, masakit po lalamunan ko. Pabalik-balik po eh. Pramis.”

Dok: “O sige, nganga.”

Qreux: “Aahh….hhhh”

Dok: “VINCENT’S **GINA yan!”

Bigla akong napatingin sa lola ko.

Qreux: Tama ba dinig ko, Vincent’s Vagina? Sana di alam ng lola ko ang tagalog ng VAGINA. “Ah eh dok, ano po ba yung Vincent’s--- ”

Dok: “Mahina kasi yung immune system mo kaya nagkaroon ka ng Vincent’s **gina.”

Qreux: Pucha, di ko talaga maintindihan. “Ah. Ok.”

Dok: “Heto bibigyan kita ng gamot at saka pampalakas ng immune system mo.”


(Due to scanner problems, the second page of the reseta is not shown. Sorry po!)

Hindi mo naintindihan no? Ako rin.

Himala nga at naiintindihan ng mga tao sa botika ang sinusulat ng doktor. Nagkataon naman na meron ding sariling botika ang doktor na yun. Asawa niya yung pharmacist sa botika.

Qreux: “Uhmm.. magkano po ‘tong gamot na to?” (sabay turo sa buhol-buhol na linya sa papel)

Asawa ni dok: “Ah ito bang [insert the name of the gamot here]? Php57 LANG per tablet.”

Qreux: Ang mahal. “Eh ito pong Climday, magkano?”

Asawa ni dok: “Mali, [insert the name of the gamot here] ang basa dyan. Php25 LANG.”

Kitams. Mali ako. Isang beses lang ako nag-attempt na mag-interpret ng sulat ng doktor mali pa.


Hindi pala CLACITUMY ang basa dyan, CLARITHROMYCIN pala.


Hindi rin CLIMDAY ang basa dyan, kundi CLINDOMYCIN.

Meron pang PIVOXICEN, pero PIROXICAM pala yun.

Meron ding DUPHEUON, yun pala DUPHARON.

Eto di ko talaga maintindihan. Siguro TOLOVID yung huli. Pero malamang mali din ako. Nakalagay lang kasi sa plastik nang binigay sa kin ang gamot na “TOLOVID”. Basta sabi sa kin ng doktor pampalakas yan ng immune system. Naintindihan ko lang ang basa sa reseta nung binigay na sa kin yung mga gamot na may mga labels na sa likod.

CLACITUMY.

CLIMDAY.

PIVOXICEN.

DUPHEUON.

Medyo natatawa ako sa sarili ko. Pero parang mas nakakatawa yata ang VINCENT’S VAGINA.

Sinikap kong alalahanin kung ano yung binigkas ng doktor. Pati yung pagbuka ng bibig ng doktor sinikap kong alalahanin. Pero pilit pa ring nagsusumiksik sa malaswa kong isip ang Vagina ni Vincent. Vincent’s Vagina nga ba yun? Parang naalala ko na hindi naman nagdikit ang labi ni dok nung binigkas niya ang word pagkatapos ng Vincent’s. So the second word must be starting with a vowel… perhaps a letter A.

Out of nowhere, naisip ko baka Vincent’s Aringina.

Kaya pagkagaling ko sa doktor, bukas agad ako ng PC, tinayp ko sa Yahoo Search ang Vincent’s Aringina, at ito ang lumabas:




VINCENT’S ANGINA pala yun, at hindi Vincent’s Aringina at lalong hindi Vincent’s Vagina. Ayon sa pagkakaintindi ko (at sa explanation ni dok), ang Vincent’s Angina ay isang impeksyon sa throat. Hindi sa tonsil (kaya hindi siya tonsillitis). Karaniwang inaatake nito yung mahina ang immune system, kaya pala siya pabalik-balik.

Bigla na namang gumana ang malikot kong imahinasyon… Pa’no na lang kung lahat ng na-diagnose ng Vincent’s Angina ay kasing-engot ko?

Imahinasyon 1:

Pare 1: “Dude, meron akong VINCENT’S VAGINA.”

Pare 2: (biglang gumalaw ang tenga, sabay ngiti ng malaswa) “Talaga?! Hehe! Patingin nga---Teka, Vincent’s? Lalaki yun ah! Di bale na lang.”


Imahinasyon 2:

Girl 1: (tumitili) “Gosshhhh!!!!! Girl, I have V.V. !!!”

Girl 2: (biglang napataas ng kilay) “Hellur, V.V. ??”

Girl 1: “V.V. , as in Vincent’s Vagina!!!”

Girl 2: “Ano ka ba, hindi ka pa ba masaya sa vagina mo?!”


Imahinasyon 3:

Lola: “Huhuhu!!!”

Apo: (lasing) “What’s up Lola? Hik.”

Lola: “Apo, meron akong Vincent’s Vagina!!!”

Apo: “Mukhang kailangan nyo nga lola. Hik.”

Siguro hindi ko na talaga maiintindihan ang mga doktor, sa pagsulat nila, sa mga diagnosis, etc. Pero may naalala akong doktora na ang ganda sumulat. As in maiintindihan mo talaga. Kaya nga lang Pediatrician siya… mababasa ba naman ng mga pasyente niyang sanggol ang sulat niya? Hay.

At diyan na nga nagtatapos ang kahila-hilakbot, nag-uumigting at kagila-gilalas na kwento at adventures ng Vagina ni Vincent. Lesson of the story? Hindi lang babae ang may vagina. Si Vincent din meron.

Saturday, May 19, 2007

Malalandi Nga Ba Ang Mga Paru-Paro?

Matapos kong um-absent ng dalawang araw sa training ko, pinilit kong bumalik nung biyernes kahit mukha akong engot sa kalagayan ko. Pagkapasok na pagkapasok ko sa opisina namin, sinuot ko agad yung binaon kong denim-type na jacket, tapos sumugod agad ako sa katabi naming convenience store para bumili ng kape. Alam ko medyo nagtaka yung cashier nung nagbabayad na ko, kasi usually Milo™ Fuze™ ang binibili ko tuwing umaga. Hmmm. Wala lang. Therapeutic kasi para sa kin yung kape. At saka di ba, it has more antioxidants than red tea or even red wine? So huwag na tayong uminom ng tubig.

Pagkatapos kong mainom yung binili kong kape, bigla na naman agad akong nilamig.

Mula nung oras na yun hanggang mag-lunch break, wala kaming ibang ginawa kundi kumain. Marami kasing nanalo mula sa opisina namin sa ginawang outing ng DOT sa 8 Waves, kaya ayun nanlibre sila. Meron pa ngang pagkain na galling sa ibang opisina.

Habang namamahinga ako sa aking table, bigla akong napatingin sa computer ng katabi kong mesa. Napansin ko yung screen saver, mga paru-paro. Mga ilang minuto ko din silang pinagmasdan. Tapos biglang nag-init yung ulo ko. Bigla ko kasi na-realize na malalandi pala ang mga paru-paro. Ang lalandi nilang lumipad. Ang lalandi nilang dumapo sa mga flowers. Ang lalandi nilang sumipsip ng nectar. Ang lalandi nilang mag-pollinate. Nainis ako bigla sa mga kalandian nila. Sa isang iglap naging kaaway ko ang mga paru-paro. Parang tanga no?

Isipin mo:

  • Simpleng itlog lang sila nung iniluwal ng malandi nilang ina.
  • Napakapangit nila nung lumabas sila sa itlog na iniluwal ng malandi nilang ina.
  • Habang lumalaki sila, mas nagiging kadiri sila.
  • Pagkatapos, bigla silang magpapa-awa effect, patitigasin nila yung sarili nila hanggang sa magmukha silang kahoy.
  • Pagkatapos nilang lumandi sa loob ng “cocoon”, lalabas sila pero pa-awa effect ulit. Kung may boses lang sila malamang maririnig mo yung halinghing nila habang lumalabas sa cocoon nila. Ang landi talaga.
  • May nakita ka na bang paru-parong bumagsak sa lupa? Iyon ang nakapagtataka. Bakit ang mga batang ibon kailangan pang turuan ng kanilang mababait na ina (walang malanding ibon, pramis), samantalang ang mga batang paru-paro nakakalipad agad pagkalabas nila sa cocoon… nasan ang kanilang ina para turuan silang lumipad? Ayun, lumalandi.

Kung naging tao lang ang mga paru-paro, malamang na naging participant sila ng Extreme Make-Over. Tapos, malamang sabihin nila “Gosh, I’d like to thank Dra. Vicky Belo! Sa wakas, makakapaglandi na ko, Hihi!” Kitams, pati pagtawa may halong kalandian.

Hindi ko alam kung bakit all of a sudden naisip kong malalandi ang mga paru-paro. Malamang high ako sa antibiotic. Grrrr… Don’t worry after 7 days magiging normal na ulit ako. I wish.

Sunday, May 06, 2007

Bitches and Cream

Heto, medyo sinisipag ng konti kaya naisipan kong gumawa ng update, pero sa totoo lang hindi ko alam kung pa’no sisimulan. Ewan ko ba. Siguro ganun talaga kapag busy. Minsan kasi kapag may naiisip akong idea na gusto ko ilagay sa blog, it comes at the wrong place! Minsan kapag tumatae ako, bigla na lang akong may maiisip na something na gusto ko ilagay sa blog, pero pagkatapos ko tumae, nawawala na yung mood ko to write. Minsan din kapag bagong gising ako, parang gusto ko magsulat pero nawawala din yung mood pagkatapos ko kumain ng breakfast kasi aantukin na naman ako. Ganun ba talaga ang mga tamad? Hindi naman talaga ako tamad, pero sa tingin ko… ewan, tinatamad ako mag-isip.

Anyway, yung aso namin na si Taki, mukhang nagbibinata na. Dati akala ko nga bakla kasi kapag lumalabas ako ng bahay, super bibo talaga with matching kembot pa na akala mo nilalandi ka. Pero ngayon hindi na, simula nang lumandi ang aso ng mga pinsan ko na si Mai-Mai, aba itong si Taki bigla na lamang naging papansin kay Mai-Mai. Kaso may problema si Taki. Mukhang type naman ni Mai-Mai si Buddy. Si Buddy, ampon naman namin siya. Bigay siya ni Tito Rowell. Siguro mga 3 months pa lang siya dito sa amin. Kahit sino namang babaeng aso (a.k.a. bitch) magkakagusto kay Buddy, kasi “mestiso” siyang aso. Hmmm… bakit kaya ganun si Mai-Mai? Siguro frustrated lang siya kasi hindi siya naanakan ni Totoy (R.I.P.). Medyo matagal na ring patay si Totoy. Siguro mga 2 months na. Namatay siya siguro dala na rin ng katandaan. Pero kahit na nag-sex na sila Mai-Mai at Totoy, hindi pa rin nabuntis si Mai-Mai. Wala nga kaming idea kung sino ba ang baog sa dalawa. Hindi rin naman siya mabubuntis ni Buddy kasi kapon (testicles removed) siya.

Mai-Mai: “Hoy Buddy, anakan mo naman ako!”

Buddy: “Sorry girl, I don’t have balls.”

Mai-Mai: “Ayyyyy! Sayang!”

Buddy: “LOL” (ym chat?)

Mai-Mai: “BRB, kausapin ko lang si Taki.”

Taki: “Bark! Bark!”

Mai-Mai: “ ‘bark-bark’ ka dyan, ‘aw-aw’ ka lang no!”

Taki: “Hehe. Kala ko maiimpress ka eh.”

Mai-Mai: “Taki favor naman oh.”

Taki: “Ano yun? Hehe!” (with matching galaw ng buntot)

Mai-Mai: “Nahihiya ako eh…”

Taki: “Sige na, wag ka na mahiya!”

Mai-Mai: “Uhmmm… anakan mo ko. Hihi! Grabe dyahe!”

Taki: “Sure! Tara! Pero tulungan mo muna akong makawala dito sa tali ko, para mas masaya!”

Mai-Mai: “Ayyyy! Ayoko nga! Baka paglapit ko dyan bigla mo kong sunggaban noh! Habulin mo na lang ako, hihi!”

Matupad na kaya ang pangarap ni Mai-Mai na maanakan? Abangan!

Note: No animals were harmed during the writing of this post.

Ü

Monday, March 12, 2007

Almost Real


It has been almost 2 years since I posted my composition Something Real here in my blog, and who would have thought that someday, it would be “something real”.

Supposed to be, it would have been our entry for the Original Composition Category in the Battle of the Bands held last CoE Night 2007, but due to some whatever reasons, the organizers had to decide that the competing bands should only perform a cover of any song of their choice, and the winning band gets to perform their original composition. Our band, Withdrawal, won. But again, due to some reasons (CoE Night 2007 lacked time management), Something Real was never performed.

I was totally cool with that. It’s just that the organizers required the competing bands to have an original composition, and yet because of some inconsiderable faults, they suddenly decided not to have the compositions performed, JUST LIKE THAT.

Hindi ako nagrereklamo kasi hindi na-perform yung composition ko. Honestly I was having second thoughts kung ipapahiram ko ba sa Withdrawal yung kanta. The song is something personal to me kasi. What I am pointing out is yung efforts ng lahat ng banda na kasali. Hindi yata biro mag-compose. Mahirap din mag-arrange. Buti na lang si MJ minani lang yung pag-arrange sa composition ko, na-arrange nya yun within like 20 mins! Halimaw kasi yung batang yun eh. Pinainom yata ng Promil ng nanay niya.

Well, tapos na yun. Matagal na. Almost 1 month na rin ang lumipas. At bakit nga ba ngayon lang ako nag-post ng tungkol sa Battle of the Bands? Simple lang ang dahilan: Tinatamad ako.

Kung curious kayo sa Something Real, you can read my first post about it HERE. You can also view/hear Withdrawal’s version of Something Real through YouTube (link) or simply click the play button above.

Enjoy and stay kewl. Ü

Purgalicious: 100th Post!

It’s been almost a month since Purgalicious premiered last CoE Night 2007. And with all those compliments I received about the music video, honestly it feels great.
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket


But lemme say some few things:

First, I’d like to thank Mae for helping me out with the recording of the song, thanks for sharing us your talent… you’re such a wonderful voice.
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Thanks to the stars of the music video, Ash, for being so patient with all the things I wanted you to do in the video; Gat, for making yourself stupid (just kiddin) and for all those rap moves in the vid; Madot (a.k.a. Madel), I know you were kinda hesitant to join the vid at first, but lots of thanks to you for being there (Did you know that Madot should have been the one playing the role played by Ash?).
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Thanks din kay Pardo, actually I was really having second thoughts to ask you to be in the video. Kahit nga sa paglalagay ng name mo sa lyrics ng Purgalicious nahihiya ako, kasi baka I-turn down mo. Fortunately, naging ok naman sa’yo.
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Salamat din kay Julius for a special appearance in the vid! Alam ko medyo nahihiya ka, pero salamat pa rin at pinagbigyan mo ko.
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Sa mga Baneuvers: Tune, RC, Gat, Nani, Mandap (ex-Baneuver?) at ang bagong recruit na si Alvin! Salamat mga pare. Salamat sa suporta. Kay Gat ulit, kasi pinatuloy niya ko sa Computer Shop nila (99% of the video was edited there, hindi kasi pwede sa specs ng PC ko eh… Huhu!). Syempre special mention si Nani! Pasensya na talaga kung nakalimutan ko ilagay yung name mo sa mga casts… kasi naman naglalagay na ko ng text sa vid ng bandang 5am kaya hindi na masyado gumagana ng maayos utak ko nun. Pasensya na talaga!!! MARAMING-MARAMING SALAMAT HERNANIE ALFONSO!!!! Haha! Sana biyayaan ka pa ng maraming fireworks (ehem)! Hihi!
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Sa mga Belvita, salamat din ng marami! Bhing, salamat sa pagkembot sa catwalk… kahit na alam kong maton ka, nag-catwalk ka pa rin. Pam, salamat din, natutuwa ako sa’yo! Ofel (parang mas gusto kitang tawaging Ofelia) thanks, lagi kang game! Mae, salamat ulit... pasensya na kung ginabi kayo nung recording session natin.
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Gracey, salamat… sabi nga ni Madot, buti napaganun daw kita! Haha! Kathz, thanks din, sayang hindi ka nakasama sa catwalk. Jelai!!! Salamat Jelai (a.k.a. Jebay) buti na lang game ka sa vid. Jed, salamat talaga pinagbigyan mo ko… alam ko namang hindi mo ko matitiis eh, haha! Salamat sa pagsama sa music video Jed!

Paula (a.k.a. “Jayna” [hehe]), thanks for letting us use the Villa Papa. Salamat din kay Tita Gina kasi talap ng baka!

Kila MJ at Tom, salamat ha at nahatak ko kayo to appear in the music video!

Syempre sa lahat ng CoE 4B, I never thought we could make a thing like this. And I want you to know guys that I couldn’t do this alone. Salamat!

Kay Mayo, thanks sa pag-feature ng Purgalicious sa blog mo.

Sa mga nakaka-appreciate ng song na Purgalicious at sa music video nito, salamat din.
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Kila Ate at Kuya (kung sino man kayo) ng Hepazone (alam kaya nila na Hepazone ang tawag sa lugar na kinatitirikan [naks] ng lugar nila?), salamat at hinayaan nyo kaming mag-shoot sa kainan nyo.

Sa ulo ng baboy sa palengke ng Malolos, alam kong kalunus-lunos ang sinapit ng iyong buhay, pero… smile, nasa music video ka ng Purgalicious! Thanks! We love you baboy! Habang-buhay naming tatanawin na utang na loob ang pagkakabuwis ng iyong buhay. Muah! Ü

Salamat din sa insekto na kumagat sa mata ko, binigyan mo ko ng tutubi-inspired look for 1 week

And last but not the least, sa mga hindi ko nabanggit, Salamat! Kung hindi dahil sa inyo, wala sana akong huling pasasalamatan. Thanks talaga!
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket


Sana na-inspired namin ang iba pang mga CoE to join the competition next year (iyon eh kung meron pa. Sana.)

I really hope you guys enjoyed watching the video as much as we did.

See you guys around, and stay kewl.
PS: Yeah, this is my 100th post! Yay!

Sunday, February 25, 2007

What's New?

Hey Guys!
I'm back after some months of not updating my blog. So what have i been up to? School.
Pero to tell you honestly guys (secret lang natin to ha... hehe), tinatamad lang talaga ako mag-update...!!! hehe! Minsan talaga busy sa school, pero kapag hindi, natutulog lang ako sa bahay.
Anyways, I have changed some of the things about my blog:
  1. Blogger is now "new "and not a "beta" anymore. So they are encouraging their bloggers to switch to the new Blogger. I did, and so far it seems ok.
  2. Now, blogger has this new Label feature that enables you to organize your posts, making it easier for your readers to sort out what they want to read. And so I made a new entry in my sidebar named CATEGORIES.
  3. I added Mayo's blog in my FRIENDS' links.
  4. And this is so exciting: I just got my own domain www.qreux.co.nr! Woohoo! So how is that for an update huh! hehe! Now you can access my blog by typing in your address bar www.qreux.co.nr or http://qreux.blogspot.com, it works either way.

Whew! So ayan, marami akong updates ngayon... magpakasasa na kayo!!!!! Bwahahaha!!!

Saturday, February 24, 2007

CoE Night 2007

Napakamemorable talaga ng CoE Night this year. Sabi nga nila, parang Night lang daw ng 4B, kasi isang award lang ang hindi nakuha.

Narito ang mga competitions/contests na ginanap last CoE Night:


  1. Mr and Ms CoE 2007
  2. Battle of the Bands
  3. Music Video-Making Contest

Nanalong Ms CoE 2007 ang classmate naming si Sherley Mae Santiago, Panalo rin ang Withdrawal Band na kinabibilangan nila Bhing (vocals), Pau (keyboard), Tom (lead), Mandap (acoustic), Gat (rythm), Christianiel (bass) at ang Music Genius na si MJ (drums). Syempre pa, ang entry namin na Purgalicious na nanalo sa Music Video-Making Contest (click here to view the music video). Sa kasawiang-palad, hindi namin nakuha ang titulo ng Mr CoE... pero sa puso't isipan namin, si Alvin Lacdan ang Mr CoE!!! haha!

Pero kahit na naging napakasaya namin nung Coe Night, hindi pa rin maikukubli ang ilang mga bagay na hindi kaaya-aya. Yung STAGE (stage nga ba yun, lol), i mean, we paid P180?! Geez. Ang gara kasi eh... manila paper? Nyahaha! Ok, siguro merong concept na gustong iparating yung gumawa/nagdesign ng stage, pero.... haaayyy, mahirap na lang talagang magsalita, pramis!

Para naman dun sa nag-cater ng dinner ng CoE Night, sana ginawa nyo na lang embutido lahat ng ulam! Pero masarap yung embutido ha... pramis ulet!

Anyways, narito na po ang mga pics! (Click a pic for a hi-res image. To save, right click then "save target as...")