Sunday, July 24, 2005

Something Real

I want to runaway with you

Take you to a place I knew

Oh I want you to feel

That I am something real


If I could just get over

This pain I’ve had from you

But still I would surrender

‘cause that’s just hard to do


Sometimes I wish

That you just did

Not come in to my life

‘cause the pain you brought

Gave me some thoughts

That in my heart ignite




Written 4th December 2004, 8:45pm

If a Star Collides with Earth

If a star collides with earth

Will you save me from rebirth?

Will you reach your hand to me,

Offer me eternity?


If the sun fades out its light

Will you kiss me with the night?

Oh I know these are just dreams

Dreams of you in love with me.



Written 23rd October 2003

Sunday, July 17, 2005

Asa

Mahirap umasa sa wala. Yun bang tipong akala mo meron, pero wala naman pala. Mahirap ding magpaasa sa isang taong umaasa sa isang bagay mula sa iyo pero alam mo naman sa sarili mong hindi mo kayang ibigay ang inaasahan niya.

Bakit nga ba nagkakaroon ng ganitong pangyayari? Siguro kapag naging malabo ang ugnayan nyo… yun bang nagpakita ka ng isang gesture (na natural lang sa’yo) pero akala tuloy nung pinapakitaan mo eh espesyal mo yung ipinakita para sa kanya. Misinterpretation of gestures ‘ika nga. O kaya naman sobrang mahal mo ang isang tao na halos sambahin mo na ng todo, kaya naman halos lahat ng gawin nya eh binibigyan mo ng kahulugan.

Naranasan ko nang UMASA at MAGPAASA. Parehong mahirap. Kaya nga minsan, parang nakakatakot magsalita. Nakakatakot gumalaw. Mahirap itanong sa isang tao kung pareho ba kayo ng iniisip o nararamdaman, tulad ng:

“Gusto kita… gusto mo rin ba ako?”

or

“Mahal kita… mahal mo rin ba ako?”

or

“Gusto kitang maging GF… gusto mo ba akong maging BF?”

or

“Natatae ako… ikaw ba? Tara, tae tayo.”


Swerte ka kung puro “OO” ang makukuha mong sagot sa mga katulad na tanong na yan. Kung “HINDI” ang makukuha mo, tiyak… 100%, luhaan ka. Pero kung “EWAN” ang sagot sa’yo, dyan ka magkakaproblema. Pero sabi nga nila, “Walang MASAMA kung SUSUBUKAN”. Ihanda mo nga lang ang sarili mo. Hope for the best but expect the worst. Haaaayyy… Sana maraming makabasa nito. Sana tamaan ka.

Friday, July 15, 2005

Dalaga na si Sabel

Sensya na mga fans (meron ba), ngayon lang ulit ako nakapag-post! Nagtatanong kasi yung mga classmates ko kung bakit wala daw bago... o eto na!

Wala namang masyado nangyayari ngayon. Sa mga classmates ko, hindi ako nag-walk out kahapon ah!!! Kailangan ko lang kasi magbayad ng electric bill namin. Baka kasi isipin nyo napipikon ako. Ok lang sa kin yung tinutukso nyo 'ko kung kani-kanino, kahit nga sa Dean ng COE nili-link nyo na ako (HAYUP KA MANDAP)! Walang kaso sa kin yun, kasi ako din naman pinagti-tripan ko kayo (hehe!).

I'd like to take this opportunity to say hi to Sarah (a.k.a. SABEL). Naks naman, talagang "Dalaga na si Sabel"! Wahahaha!!!

Yun lang.