Nakakita ako kanina ng ipis. Hindi ko pinatay, kasi nga di ba, pro-life ako. Ang ginawa ko, hinampas ko siya ng tsinelas with tender loving care to ensure na hindi ko siya mapipisa (at saka di ba, gross yun? Nakita ko nga lang yung hairy legs nun, muntik na ‘kong masuka). Nung nasiguro ko nang nadadaganan lang siya ng tsinelas, dali-dali akong kumuha ng walis para mapa-alis ko siya ng kuwarto ko. Pero nung pag-angat ko ng tsinelas, bigla ba namang tumakas nang mabilis yung ipis...! Syempre hinanting ko yun, dahil hindi ako makakatulog hangga’t alam kong may ipis sa paligid ko. Nung nakita ko na, hinampas ko agad ng walis (syempre with TLC) hanggang sa the ipis was lying on his back. That is the best way to drive away a cockroach. Tapos winalis ko yung ipis hanggang sa makarating siya ng living room. Doon ko na lang siya pinabayaan hanggang sa may makatapak sa kanyang ibang tao. At least, hindi ako ang nakapatay di ba? Hehe!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
hihihi!!! napatawa mo na naman ako.. haayyy nako... siguro naman nabubuhay pa ang ipis na iyon.. malamang bumalik 'yon sa kwarto mo.. dahil ikaw lang ang tao na nagbigay sa kanya ng TLC... hihi!! baka 'pag nagka-anak 'yon i paubaya pa sa'yo.. bwahahaha.. hihi!! ingat na lang.. (^-^)
Post a Comment