Ang sabi ko pa naman sa sarili ko eh gagawa ako ng post kahit isa para sa February. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon, inatake na naman ako ng katamaran. Lagi na lang. Minsan nagsasawa na rin akong magreklamo sa sarili kong katamaran... Nakakatamad na kasi eh.
Marso na, dalawang buwan na rin pala akong nakatunganga, nakatitig sa tv, nakatitig sa computer, nakatitig sa lola ko, nakahilata sa kama, nakikipaglaro sa aso, at pinagtyagaan si Rosalinda featuring ang laplapan ni Valeria Altamirano at Beto (ewwww). Naisipan ko na ring humarap sa salamin at magpraktis ngumiti, baka kasi isang araw mapili ako sa Eat Bulaga para magCoke-Smile. Syempre kasama na din dun yung step ng pagCoke-Smile. Nagpraktis na rin ako ng dance step ng "Itaktak Mo" at ng mga posibleng isasagot ko kapag tinanong ako ni Wally kung bakit ko gusto kong tumaktak:
WALLY: "ANONG PANGALAN MOOOOO?!!!"
QREUX: (habang sumasayaw ng Itaktak Mo) "LESTER POOOOOOO!!!!" (kelangan malakas ang boses. Huwag magpahalata na nahihiya.)
WALLY: "AT BAKIT GUSTO MONG TUMAKTAAKKK??!!"
QREUX: "PARA MAY MAGAWA PO!!!! WHOOOOH!!!" (...At biglang tutugtog ang Itaktak Mo theme song)
Marso na, dalawang buwan na rin pala akong nakatunganga, nakatitig sa tv, nakatitig sa computer, nakatitig sa lola ko, nakahilata sa kama, nakikipaglaro sa aso, at pinagtyagaan si Rosalinda featuring ang laplapan ni Valeria Altamirano at Beto (ewwww). Naisipan ko na ring humarap sa salamin at magpraktis ngumiti, baka kasi isang araw mapili ako sa Eat Bulaga para magCoke-Smile. Syempre kasama na din dun yung step ng pagCoke-Smile. Nagpraktis na rin ako ng dance step ng "Itaktak Mo" at ng mga posibleng isasagot ko kapag tinanong ako ni Wally kung bakit ko gusto kong tumaktak:
WALLY: "ANONG PANGALAN MOOOOO?!!!"
QREUX: (habang sumasayaw ng Itaktak Mo) "LESTER POOOOOOO!!!!" (kelangan malakas ang boses. Huwag magpahalata na nahihiya.)
WALLY: "AT BAKIT GUSTO MONG TUMAKTAAKKK??!!"
QREUX: "PARA MAY MAGAWA PO!!!! WHOOOOH!!!" (...At biglang tutugtog ang Itaktak Mo theme song)
***
Matapos hindi magwork-out ang dapat sana eh bakasyon ko sa isang naaaaaaaapakalayong lugar, sa wakas ay nagising din ako sa katotohanan na kailangan ko nang magtrabaho dahil nauubos na ang munti kong naipon. Sinabi ko sa sarili ko na dapat dito lang ako sa Bulacan makahanap ng trabaho. Naranasan ko na kasing magtrabaho sa Kalakhang Maynila, uwian, at hindi ko gaano nagustuhan. Kaya naman naisipan kong maghanap sa internet ng trabaho dito sa Bulacan. Tinype ko ang "Bulacan Jobs" sa isang search engine at presto, Lumabas ang website ng Bulacan Job Central (BJC)!
Hanap dito, hanap doon. May nagustuhan akong trabaho, computer instructor sa isang eskwelahan. At matapos ang isang oras na pagload ng website ng BJC at 30 minutes na paulit-ulit kong pagrefresh ng registration page nila, eh nakagawa din ako sa wakas ng username and password para maapplyan ko ang trabaho na iyon.
Mga ilang araw ang lumipas, may natanggap akong tawag mula sa isang feeds company sa Calumpit. Nakita daw nila ang resume ko sa BJC at tinanong ako kung pwede daw ba akong magexam sa kanila at mainterview kinabukasan, naghahanap daw kasi sila ng computer technician. Medyo nagdalawang-isip ako, pero umoo na rin ako sa huli kasi trabaho na mismo ang lumalapit sa kin.
Dumating ang araw ng exam at interview. Nakarating ako ng saktong 9am, ang napag-usapang oras. Meron ding dumating na isang aplikante, at merong isa pa ulit. Ayon sa narinig kong usapan nila at ng mga gwardya, tinawagan din sila nung tumawag sa kin. Kaya tatlo kaming aplikante para maging computer technician. Ang sabi sa amin nung guard, maghintay muna daw kami sa "lobby", at hintayin namin na tawagin kami ng HR. Tinawag nga nyang "lobby" ang lugar kung saan kami naka-upo sa isang plastik na silya na nanlilimahid sa mantsa at kung saan dumadaan ang mga trabahador na naliligo sa pawis na pag nadaanan ka eh malalanghap mo ang kakaibang amoy na pilit magsusumiksik sa ilong mo hanggang sa makarating sa iyong mga olfactory nerves na magsasabi sa brain cells mo na kailangan mong magmura dahil kung hindi ay mananatili sa iyong sistema ang mahiwagang amoy na unti-unting sisira sa iyong mga prinsipyo at pangarap sa buhay.
Naghintay pa kami ng 30 minuto. Hindi ko kinakausap ang mga katabi ko dahil sila ay mga kalaban. Matapos ang 15 pang minuto eh nag-ring na ang telepono ng gwardya. Tawag yun mula sa HR. Pagkababa ng telepono ay sinabi sa 'min ng gwardya kung saan ang HR Office. Hindi ko siya naintindihan kaya hinayaan ko na lamang yung dalawa pang aplikante na mauna sa kin para makapagmura ako ng pabulong, dahil sa wakas ay makakaalis na kami mula sa "lobby". Medyo katanghalian at medyo malayo nang konti ang opisina ng HR mula sa "lobby" kaya naglakad kami ng konti sa ilalim ng nagngangalit na sikat ng araw para makarating sa nasabing opisina. Pilit kong kinukumbinse ang sarili ko na kapag natanggap ako sa trabaho na ito eh titiisin ko na lang na maglakad sa ilalim ng araw, tutal tiyak na aircon naman ang magiging opisina ng magiging trabaho ko.
Narating namin ang opisina ng HR at masaya, dahil walang aircon! Ok naman yung exam, medyo weird kasi wala naman akong nakitang mga tanong tungkol at may kaugnayan sa trabahong inaapplyan ko. Pagkatapos ng exam, sumunod ang interview.
Ako ang pinakahuling tinawag para mainterview.
HR: "Okay, Lester Phil..." (sabay tingin sa application form na sinulatan ko) "Wow, ang ganda naman ng name mo, san ba nakuha yung name mo?" (todo rapport si HR)
QREUX: Asar, kelangan ko pa ba talaga sabihin? "Salamat po! Yung name ko? uhmm, bale kumbinasyon ng names ng nanay at tatay ko."
HR: (Sabay tingin sa mga pangalan ng magulang ko sa aking application form, at biglang napakunot ng noo) "Pero... Bakit..."
QREUX: "I mean, combination po ng initials ng first name ng nanay ko at nickname ng tatay ko."
HR: "Ay ganon ba...? So anong nickname ng tatay mo, 'Philip'?"
QREUX: "Hehe, hindi po."
HR: "Uhmm... 'Philippines'?"
QREUX: Nakakaasar. Makatawa na nga lang. "Hahaha!!!!"
HR: "Wahahaha!!!!" (Kita tonsil.)
QREUX: "Haha."
HR: "Wahahaha!"
QREUX: "Haha...." (till fade)
HR: "Hayyy comedy ka ha!" (Tingin ulit sa application form ko) "So may Loyalty award ka nung High School, bakit hindi mo tinuloy hanggang college sa URC?"
QREUX: "Eh kasi po medyo mahal po ang mga courses sa URC."
HR: "Why BSU?"
QREUX: Teka nag-english ka, mag-i-english din ako. (With American accent) "I chose BSU because it is kind of near my home and I didn't want to go too far just to get a college education." Teka, dapat yata dinagdagan ko ng World Peace.
HR: "Ah. Okey."
QREUX: (Ngiting Coke-smile)
HR: "Choice mo ba yung Computer Engineering? Bakit yun ang napili mo?"
QREUX: "Kasi po since sikat ang BSU pagdating sa mga engineering courses and mahilig ako sa computers, Nag-CoE po ako."
At nagtanong-tanong pa si HR tungkol sa mga experiences ko sa OJT at trabaho ko sa Convergys, at tila nagpapahiwatig siya na gusto na niyang magresign at magcall-center na lang. Kung alam niya lang.
HR: "Okay, so pag-usapan naman natin ang trabaho dito. Siguro naman simula nang pagpasok mo dun sa main gate, may naamoy ka na?! Okey lang ba sa'yo yun kung sakaling matanggap ka sa trabaho na 'to?"
QREUX: (Ngiting-Orocan) "Haha, okey lang po sa kin yun, wala pong problema. Hindi naman po ako maarte eh!"
HR: "Meron ding mga computers dun sa planta, at mainit dun at maalikabok, ok lang ba sa'yo yun?"
QREUX: Ewww. "Haha, wala pong problema!"
HR: "Owssss?"
QREUX: "Basta hindi naman po siya health hazard, eh ok lang sa kin."
HR: "Hindi naman! Kita mo oh, buhay na buhay pa ko, whoooooh!" (Sabay stretch ng katawan)
HR: "Meron din kaming opisina sa Manila at sa Gen San, pwede kang mapadala dun kasi kulang kami ng mga computer technicians... ok din ba sa'yo yun?"
QREUX: "Kung sakali pong mapapadala ako outside Manila, pano po ang travel nun, by ferry or by plane?"
HR: "By plane, saka sagot ng kumpanya ang pamasahe mo. Meron ding staff quarters dun sa Gen San. Katabi mo matutulog ang mga Abu Sayaff. Joke!"
QREUX: Langya. "Hahaha!"
HR: "Hahaha! Joke lang, kita mo naman, buhay pa kong nakarating dito, whoooooh!!!" (Sabay stretch ulit ng katawan) "Okey, eto last na. Tungkol sa sweldo."
QREUX: Sana umabot sa ideal salary ko.. pleasssse. (Coke-smile) "Okey."
HR: "Provincial rate kasi kami, so yung mga trabahador sa planta, yun ang salary nila. Pero yung mga Personnel, medyo mataas ng konti. Lahat kami na Personnel dito pare-pareho ang starting salary... at alam kong napakalayo nito sa sinusweldo mo sa call center..."
QREUX: "Hindi naman po siguro... Hehe."
HR: "Okey, ang starting salary is P7,000."
(moments of silence)
QREUX: "Ah."
(moments of silence ulit)
QREUX: "Kelangan ko na po bang mag-decide ngayon?"
HR: "Haha, hindi pa. syempre ifoforward ko muna itong application nyo sa upper management and tatawagan ko ulit kayo after 2 weeks."
QREUX: Wag mo na akong tawagan, please! "Ah okey po."
HR: "Okey, so pirmahan ko na yang visitor's pass mo and you can surrender your visitor's ID to the guard."
QREUX: "Okey, Salamat po."
Natapos na nga ang interview at tila gustong-gusto na 'kong hilahin ng mga paa ko palabas ng main gate ng kumpanya na iyon. Geez.
Medyo may kalayuan ang Calumpit mula sa bahay ko, kaya kahit anong gawin kong pag-compute sa 7K kada buwan eh imposible talagang magkasya sa kin yun... nakadagdag pa ang issue sa working environment. Hay.
Sa ngayon, tila kakainin ko ang sinabi kong hindi na 'ko magtatrabaho sa labas ng Bulacan. Kaya heto, imbes na sa Bulacan Job Central, sa Jobstreet na 'ko naghahanap ulit ng trabaho.
Pero pramis, hindi na call center! Ü