***
***
***
NAG-RESIGN NA 'KO SA TRABAHO
Sa ilang kadahilanan eh hindi ko pa pwedeng sabihin ang mga dahilan ko kung bakit ako umalis sa trabaho ko. Stay tuned. (Para may thrill)
NAKATIKIM NA 'KO...
...ng frap sa Starbucks. Ewan ko kung dapat ba 'to ipagmalaki. Gusto ko lang malaman kung bakit ang daming taong adik dito. Nung minsan kasing nagawi ako sa Makati nung OJT pa ko, nadaanan ko ang isang branch ng Starbucks. Ang daming tao. Halos lahat ng mesa sa labas eh puno. Siguro kasi 'sosyal' ka kapag nasa starbucks ka. Hindi ko nga rin malaman kung bakit kelangan pang i-post sa friendster ang piktyur ng starbucks-baso na iniinom o ininuman mo. Siguro para ipaalam sa mga friends mo na "Hoy sosyal ako, umiinom ako ng kape sa starbaks!". Pero sa tingin ko hindi na sosyal ang dating ng Starbucks. Jologs na siya. Ang dami-dami ko na kasing nakikitang tao na umiinom nun sa paligid ko. Siguro dahil rin sa nature ng work ko (dati) kaya marami akong nakikitang tao na ginagawang tubig ang kape ng starbucks. Pero kahit na, libre naman ang kape (Nescafe vendo machine) sa work ko. Basta, Starbucks is JOLOGS. PERIOD.
OKEY, inuwi ko ang pinag-inuman ko ng Chocolate Cream Frap ng Starbucks sa bahay. At sinamba.
I LOVE MY PSP!
But I sooo hate my memory sticks! Nakakabwiset. May topak ang mga memory sticks ko, hindi makapag-transfer ng maayos. Minsan kapag nagse-save ako ng game hindi successful, sinasabi lagi na "corrupted data". Yun din ang error na nakukuha ko kapag tinatransfer ko yung mga games ko. I tried everything na, i changed the usb cable, i tried using memory card readers instead... etc. Sayang, 4GB and 8GB memory sticks pa naman yun. It could be an issue with Vista, pero hindi rin kasi nung tinry ko yung 2GB, wala akong naging problema. Oh well. Kaya ko naman magtiis sa ganung capacity, it's just that nanghihinyang lang ako kasi hindi ko magamit ng maayos yung iba kong mem sticks. Huhu. Anyways, I heard naglabas na ang SONY ng 16GB MARK2 Memory Stick last year. This year naman daw maglalabas sila ng 32GB. Waw.
GOBYERNO, GOBYERNO.
Habang tambay ako sa bahay, eh napag-isipan kong kumuha ng mga government IDs para makakuha ng passport. Pero anak ng euglenophyta! Alam nyo ba na ang Voter's ID ay mga isa (1) hanggang dalawang (2) taon bago mo makuha? Na ang SSS ID ay parang ganun din? Na ang Postal ID at TIN ID ay hindi kinokonsidera bilang valid IDs sa pag-aapply ng passport? Pero ang ibang requirements meron na ko, tulad ng NSO birth certificate, Baptismal Certificate, etc. Naisip ko tuloy, tumatanggap din kaya sila ng Gift Certificate? Ehem.
Sa ngayon, yan muna. Balak kong kumuha ng TOR this week. At saka passport. Balita ko impyerno daw ang pagkuha ng passport sa DFA. Pag-iisipan ko pa kung sa Pampanga or Manila ako kukuha. Any suggestions?
Till my next post. See ya. J