Sunday, May 27, 2007

Vincent's Vagina




To whow it my cover

This is to certify that the pt. was treatell for fewer jmd to wircert’s agiwa. Nest was adusd until juca condizu is alleuabl. (slash slash)


Iyan ang pinagawa kong excuse letter kay dok just in case na kailangan ko ng patunay na nagkasakit ako.

Hindi ko talaga maintindihan ang mga doktor. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi nila kayang sumulat ng maayos para naman maintindihan ng mga pasyente nila kung anong sinusulat nila sa reseta.

Mga 2 weeks ago, nagpunta ako ng doktor kasama ang lola ko para magpa-check-up. Nagkalagnat kasi ako, tapos ang sakit-sakit ng lalamunan ko. Pero pagkadating na pagkadating ko sa opisina ng doktor, biglang nawala yung lagnat ko. Parang may kung anong kababalaghan ang bumabalot sa klinika ng doktor na yun.

Dok: “O, anong nararamdaman mo?”

Qreux: “Dok, may lagnat po ako.”

Kinapa ni dok ang noo at leeg ko.

Dok: “Wala naman eh.”

Qreux: (nagulat) Baka isipin nito nagsisinungalanging ako, kasama ko pa naman lola ko. “Ha… ah eh, masakit po lalamunan ko. Pabalik-balik po eh. Pramis.”

Dok: “O sige, nganga.”

Qreux: “Aahh….hhhh”

Dok: “VINCENT’S **GINA yan!”

Bigla akong napatingin sa lola ko.

Qreux: Tama ba dinig ko, Vincent’s Vagina? Sana di alam ng lola ko ang tagalog ng VAGINA. “Ah eh dok, ano po ba yung Vincent’s--- ”

Dok: “Mahina kasi yung immune system mo kaya nagkaroon ka ng Vincent’s **gina.”

Qreux: Pucha, di ko talaga maintindihan. “Ah. Ok.”

Dok: “Heto bibigyan kita ng gamot at saka pampalakas ng immune system mo.”


(Due to scanner problems, the second page of the reseta is not shown. Sorry po!)

Hindi mo naintindihan no? Ako rin.

Himala nga at naiintindihan ng mga tao sa botika ang sinusulat ng doktor. Nagkataon naman na meron ding sariling botika ang doktor na yun. Asawa niya yung pharmacist sa botika.

Qreux: “Uhmm.. magkano po ‘tong gamot na to?” (sabay turo sa buhol-buhol na linya sa papel)

Asawa ni dok: “Ah ito bang [insert the name of the gamot here]? Php57 LANG per tablet.”

Qreux: Ang mahal. “Eh ito pong Climday, magkano?”

Asawa ni dok: “Mali, [insert the name of the gamot here] ang basa dyan. Php25 LANG.”

Kitams. Mali ako. Isang beses lang ako nag-attempt na mag-interpret ng sulat ng doktor mali pa.


Hindi pala CLACITUMY ang basa dyan, CLARITHROMYCIN pala.


Hindi rin CLIMDAY ang basa dyan, kundi CLINDOMYCIN.

Meron pang PIVOXICEN, pero PIROXICAM pala yun.

Meron ding DUPHEUON, yun pala DUPHARON.

Eto di ko talaga maintindihan. Siguro TOLOVID yung huli. Pero malamang mali din ako. Nakalagay lang kasi sa plastik nang binigay sa kin ang gamot na “TOLOVID”. Basta sabi sa kin ng doktor pampalakas yan ng immune system. Naintindihan ko lang ang basa sa reseta nung binigay na sa kin yung mga gamot na may mga labels na sa likod.

CLACITUMY.

CLIMDAY.

PIVOXICEN.

DUPHEUON.

Medyo natatawa ako sa sarili ko. Pero parang mas nakakatawa yata ang VINCENT’S VAGINA.

Sinikap kong alalahanin kung ano yung binigkas ng doktor. Pati yung pagbuka ng bibig ng doktor sinikap kong alalahanin. Pero pilit pa ring nagsusumiksik sa malaswa kong isip ang Vagina ni Vincent. Vincent’s Vagina nga ba yun? Parang naalala ko na hindi naman nagdikit ang labi ni dok nung binigkas niya ang word pagkatapos ng Vincent’s. So the second word must be starting with a vowel… perhaps a letter A.

Out of nowhere, naisip ko baka Vincent’s Aringina.

Kaya pagkagaling ko sa doktor, bukas agad ako ng PC, tinayp ko sa Yahoo Search ang Vincent’s Aringina, at ito ang lumabas:




VINCENT’S ANGINA pala yun, at hindi Vincent’s Aringina at lalong hindi Vincent’s Vagina. Ayon sa pagkakaintindi ko (at sa explanation ni dok), ang Vincent’s Angina ay isang impeksyon sa throat. Hindi sa tonsil (kaya hindi siya tonsillitis). Karaniwang inaatake nito yung mahina ang immune system, kaya pala siya pabalik-balik.

Bigla na namang gumana ang malikot kong imahinasyon… Pa’no na lang kung lahat ng na-diagnose ng Vincent’s Angina ay kasing-engot ko?

Imahinasyon 1:

Pare 1: “Dude, meron akong VINCENT’S VAGINA.”

Pare 2: (biglang gumalaw ang tenga, sabay ngiti ng malaswa) “Talaga?! Hehe! Patingin nga---Teka, Vincent’s? Lalaki yun ah! Di bale na lang.”


Imahinasyon 2:

Girl 1: (tumitili) “Gosshhhh!!!!! Girl, I have V.V. !!!”

Girl 2: (biglang napataas ng kilay) “Hellur, V.V. ??”

Girl 1: “V.V. , as in Vincent’s Vagina!!!”

Girl 2: “Ano ka ba, hindi ka pa ba masaya sa vagina mo?!”


Imahinasyon 3:

Lola: “Huhuhu!!!”

Apo: (lasing) “What’s up Lola? Hik.”

Lola: “Apo, meron akong Vincent’s Vagina!!!”

Apo: “Mukhang kailangan nyo nga lola. Hik.”

Siguro hindi ko na talaga maiintindihan ang mga doktor, sa pagsulat nila, sa mga diagnosis, etc. Pero may naalala akong doktora na ang ganda sumulat. As in maiintindihan mo talaga. Kaya nga lang Pediatrician siya… mababasa ba naman ng mga pasyente niyang sanggol ang sulat niya? Hay.

At diyan na nga nagtatapos ang kahila-hilakbot, nag-uumigting at kagila-gilalas na kwento at adventures ng Vagina ni Vincent. Lesson of the story? Hindi lang babae ang may vagina. Si Vincent din meron.

Saturday, May 19, 2007

Malalandi Nga Ba Ang Mga Paru-Paro?

Matapos kong um-absent ng dalawang araw sa training ko, pinilit kong bumalik nung biyernes kahit mukha akong engot sa kalagayan ko. Pagkapasok na pagkapasok ko sa opisina namin, sinuot ko agad yung binaon kong denim-type na jacket, tapos sumugod agad ako sa katabi naming convenience store para bumili ng kape. Alam ko medyo nagtaka yung cashier nung nagbabayad na ko, kasi usually Milo™ Fuze™ ang binibili ko tuwing umaga. Hmmm. Wala lang. Therapeutic kasi para sa kin yung kape. At saka di ba, it has more antioxidants than red tea or even red wine? So huwag na tayong uminom ng tubig.

Pagkatapos kong mainom yung binili kong kape, bigla na naman agad akong nilamig.

Mula nung oras na yun hanggang mag-lunch break, wala kaming ibang ginawa kundi kumain. Marami kasing nanalo mula sa opisina namin sa ginawang outing ng DOT sa 8 Waves, kaya ayun nanlibre sila. Meron pa ngang pagkain na galling sa ibang opisina.

Habang namamahinga ako sa aking table, bigla akong napatingin sa computer ng katabi kong mesa. Napansin ko yung screen saver, mga paru-paro. Mga ilang minuto ko din silang pinagmasdan. Tapos biglang nag-init yung ulo ko. Bigla ko kasi na-realize na malalandi pala ang mga paru-paro. Ang lalandi nilang lumipad. Ang lalandi nilang dumapo sa mga flowers. Ang lalandi nilang sumipsip ng nectar. Ang lalandi nilang mag-pollinate. Nainis ako bigla sa mga kalandian nila. Sa isang iglap naging kaaway ko ang mga paru-paro. Parang tanga no?

Isipin mo:

  • Simpleng itlog lang sila nung iniluwal ng malandi nilang ina.
  • Napakapangit nila nung lumabas sila sa itlog na iniluwal ng malandi nilang ina.
  • Habang lumalaki sila, mas nagiging kadiri sila.
  • Pagkatapos, bigla silang magpapa-awa effect, patitigasin nila yung sarili nila hanggang sa magmukha silang kahoy.
  • Pagkatapos nilang lumandi sa loob ng “cocoon”, lalabas sila pero pa-awa effect ulit. Kung may boses lang sila malamang maririnig mo yung halinghing nila habang lumalabas sa cocoon nila. Ang landi talaga.
  • May nakita ka na bang paru-parong bumagsak sa lupa? Iyon ang nakapagtataka. Bakit ang mga batang ibon kailangan pang turuan ng kanilang mababait na ina (walang malanding ibon, pramis), samantalang ang mga batang paru-paro nakakalipad agad pagkalabas nila sa cocoon… nasan ang kanilang ina para turuan silang lumipad? Ayun, lumalandi.

Kung naging tao lang ang mga paru-paro, malamang na naging participant sila ng Extreme Make-Over. Tapos, malamang sabihin nila “Gosh, I’d like to thank Dra. Vicky Belo! Sa wakas, makakapaglandi na ko, Hihi!” Kitams, pati pagtawa may halong kalandian.

Hindi ko alam kung bakit all of a sudden naisip kong malalandi ang mga paru-paro. Malamang high ako sa antibiotic. Grrrr… Don’t worry after 7 days magiging normal na ulit ako. I wish.

Sunday, May 06, 2007

Bitches and Cream

Heto, medyo sinisipag ng konti kaya naisipan kong gumawa ng update, pero sa totoo lang hindi ko alam kung pa’no sisimulan. Ewan ko ba. Siguro ganun talaga kapag busy. Minsan kasi kapag may naiisip akong idea na gusto ko ilagay sa blog, it comes at the wrong place! Minsan kapag tumatae ako, bigla na lang akong may maiisip na something na gusto ko ilagay sa blog, pero pagkatapos ko tumae, nawawala na yung mood ko to write. Minsan din kapag bagong gising ako, parang gusto ko magsulat pero nawawala din yung mood pagkatapos ko kumain ng breakfast kasi aantukin na naman ako. Ganun ba talaga ang mga tamad? Hindi naman talaga ako tamad, pero sa tingin ko… ewan, tinatamad ako mag-isip.

Anyway, yung aso namin na si Taki, mukhang nagbibinata na. Dati akala ko nga bakla kasi kapag lumalabas ako ng bahay, super bibo talaga with matching kembot pa na akala mo nilalandi ka. Pero ngayon hindi na, simula nang lumandi ang aso ng mga pinsan ko na si Mai-Mai, aba itong si Taki bigla na lamang naging papansin kay Mai-Mai. Kaso may problema si Taki. Mukhang type naman ni Mai-Mai si Buddy. Si Buddy, ampon naman namin siya. Bigay siya ni Tito Rowell. Siguro mga 3 months pa lang siya dito sa amin. Kahit sino namang babaeng aso (a.k.a. bitch) magkakagusto kay Buddy, kasi “mestiso” siyang aso. Hmmm… bakit kaya ganun si Mai-Mai? Siguro frustrated lang siya kasi hindi siya naanakan ni Totoy (R.I.P.). Medyo matagal na ring patay si Totoy. Siguro mga 2 months na. Namatay siya siguro dala na rin ng katandaan. Pero kahit na nag-sex na sila Mai-Mai at Totoy, hindi pa rin nabuntis si Mai-Mai. Wala nga kaming idea kung sino ba ang baog sa dalawa. Hindi rin naman siya mabubuntis ni Buddy kasi kapon (testicles removed) siya.

Mai-Mai: “Hoy Buddy, anakan mo naman ako!”

Buddy: “Sorry girl, I don’t have balls.”

Mai-Mai: “Ayyyyy! Sayang!”

Buddy: “LOL” (ym chat?)

Mai-Mai: “BRB, kausapin ko lang si Taki.”

Taki: “Bark! Bark!”

Mai-Mai: “ ‘bark-bark’ ka dyan, ‘aw-aw’ ka lang no!”

Taki: “Hehe. Kala ko maiimpress ka eh.”

Mai-Mai: “Taki favor naman oh.”

Taki: “Ano yun? Hehe!” (with matching galaw ng buntot)

Mai-Mai: “Nahihiya ako eh…”

Taki: “Sige na, wag ka na mahiya!”

Mai-Mai: “Uhmmm… anakan mo ko. Hihi! Grabe dyahe!”

Taki: “Sure! Tara! Pero tulungan mo muna akong makawala dito sa tali ko, para mas masaya!”

Mai-Mai: “Ayyyy! Ayoko nga! Baka paglapit ko dyan bigla mo kong sunggaban noh! Habulin mo na lang ako, hihi!”

Matupad na kaya ang pangarap ni Mai-Mai na maanakan? Abangan!

Note: No animals were harmed during the writing of this post.

Ü