Wednesday, April 19, 2006

Binatog


Haaayyy... what can i say? Naging napakahirap talaga ng 3rd year ko sa college. So far ito na siguro ang pinakamahirap na year para sa kin. Pero guess what, kahit na alam ko na na magiging mahirap ang 3rd year, hindi pa rin ako nagbago. Naging tulad pa rin ako ng dati: tamad, laging late, gwapo at gwapo... teka, did i mention "gwapo"? hehe.

Fortunately next sem, ako ay 4th year na... take note, regular ako (hehe yabang). Grabe.. kinabahan talaga ako sa iba kong subjects, lalo na sa Advanced Engineering Mathematics (naks sarap pakinggan). I REALLY COULD NOT BELIEVE that i would have a passing remark with that subject, pano ba naman, itlog ang final exam ko dun. Kaya naman napasigaw na lang ako nung nakita ko yung classcard ko na may nakalagay na 2.75 (hindi tres, ok.. haha). Whew!

Nung Sunday, April 16, birthday ni Allison... hehe! WAAAAAH! Na-miss ko agad yung mga ice-cream dun. Ang sarap talaga kapag birthday ni Alli, bumabaha ng ice cream! Salamat Alli, at happy 20th birthday (bleeeh, di na siya teen-ager). Sayang walang pictures para ma-post dito.

Walang kinalaman ang binatog sa post kong ito. Wala lang. Habang ginagawa ko kasi 'tong post na to, dumaan yung nagtitinda ng binatog tapos binili ako ng lola ko. Sa mga hindi nakakaalam ng binatog, gawa ito sa white corn. Medyo malagkit, tapos nilalagyan ng kinudkod na niyog as toppings. Tastes better with sugar. I have tried it with evaporated milk... masarap. Hindi ko pa nata-try kung ok kapag hinaluan ng Milo o kaya ng Nescafe. Bahala kayo sa buhay nyo kung gusto nyo i-try.

Hanggang dito muna mga peeps!

Wednesday, April 05, 2006

Hey, I'm Still Alive!


Huwaw! Ang tagal ko na palang hindi nakakagawa ng update sa blog ko… naging “busy” kasi ako lately sa kung anu-anong mga bagay., tulad ng mga final exams. Grabe, *sighs* I am expecting the worst right now. Aaminin ko, hindi ako masyado nag-aral sa mga exams ko. Eh ano magagawa ko, busy ako sa ibang “bagay”(hehe, ano kaya yun? hmm).

4th yr na pala ako sa pasukan. Ang bilis talaga ng panahon. Parang kahapon lang, pawang mga musmos pa lamang kami ng aking mga kamag-aral noong kami ay nasa unang taon pa lamang ng aming pag-aaral sa kolehiyo (naks, pormal na tagalog yun ah). Dalawang taon na lamang ang aming gugugulin para kami ay makatapos at makalisan sa mala-impyernong Pamantasan ng Estado ng Bulakan (translation ng Bulacan State University). Dito sa pamantasang ito lamang makikita ang mga makabaligtad-sikmurang mga guardias de seguridad (security guards, naks). Sa tuwing sila ay aming makikita sa bawat pagpasok namin sa pwerta (ang panget) ng aming pamantasan, tila ba may kakaibang mahika (*Mahika theme plays*) na nagsasabi sa amin na sila ay kampon ni Karuma na pawang mga natamnan ng binhi ng kadiliman (manood ka ng Zenki para hindi ka ma-O.P.).

Speaking of Zenki, bakit naiba ang pangalan ni Cheri-Nai dun? Bakit naging Chiaki? Si lola Saki kamukha ni Ma’am Janet. Hmmm… meron kayang nakatago na binhi ng kadiliman kay mam Janet? Hindi kaya imbakan ng mga binhi ng kadiliman ang kanyang katawan? Siya na kaya ang susunod na uupo sa trono ni Karuma? Sino ang asawa ni mam Janet (at nagsex na kaya sila)? Habang naghihintay tayo sa mga kasagutan, alamin ang misteryo sa “likod” ni Janet. Warning: Wala lang, para lang magandang pakinggan na may “Warning:”.

Hanggang dito na lang muna mga peeps. Magdadasal muna ako para bukas, kuhanan kasi ng mga class cards namin.. hehe. See ya!

Isang Bukas na Liham



Dear SailorMoon (my labs),

Kumusta ka na dyan labs? Sana ok ka lang dyan. Alam mo, miss na miss na kita. Namimiss ko na yung lagi tayo magkatabi sa klase. Sa tuwing naalala ko ang mga yun, napapangiti na lang ako mag-isa.

Naaalala ko rin noong tinangka kong halikan ka… kaso hindi pwede kasi may kung anong nakatikwas sa mukha mo kaya nagtiis na lamang ako. Alam mo bang nagkasugat din ako nun? Hindi mo lang alam kung gano ako nabitin nun labs! Sa totoo lang… sumakit ang puson ko nun. Bitin kasi.

Sana, kapag nagkita tayong muli, hindi mo pa ako nalilimutan at yung mga matatamis nating sandali. Nandito ka lang sa puso ko. Hanggang sa muli labs... muah

Patuloy na naniniwala sa kapangyarihan ng pag-ibig,
Julius

Praning


Napakahirap malagay sa isang sitwasyon na hindi mo alam kung may daan palabas.

Minsan nakakalungkot isipin na hindi mo lubos na maipadama sa isang taong mahalaga sa'yo kung gaano siya kahalaga dahil sa ilang mga aspeto.

Nakakalungkot. Parang wala akong kasiguraduhan sa hinaharap. Iniisip ko kung may patutunguhan ba ang lahat ng nangyayari sa'tin ngayon. Oo, masaya tayo ngayon. Kuntento tayo ngayon sa kung ano mang meron sa pagitan natin. Pero... paano ang hinaharap?

Alam kong may ideya ka na kung ano ang mga posibleng mangyari dalawang taon mula ngayon. Pero natatakot pa rin ako. Paano kung hindi maganap ang lahat ayon sa mga plano natin? Mapupunta lang ba ang lahat sa wala?

Oras, distansya at mga tukso ang pinakamatinding kalaban natin ngayon. Sana, hindi dumating ang araw na pinakakakatakutan ko.