Wednesday, September 07, 2005

Today is September 7th 2005

Napakahalaga ng araw na ito para sa kin. Tatlong taon na rin ang lumipas. Lahat ng nangyari nung araw na yun tandang-tanda ko.

Lahat ng sinabi mo, tanda ko.

Kung saan nangyari, tanda ko.

Pati suot mo, tanda ko.

Hinding-hindi ko yon makakalimutan. Lahat nakatatak sa isip at puso ko.

Maraming salamat dahil nung araw na yon, hindi mo alam kung paanong sobrang napasaya mo ko.

Salamat.

Panaginip.

Nakita kita bigla. May kasama. Hindi na sana kita papansinin nang sa pangalawang tingin ko, nasiguro kong ikaw nga ang nakita ko. Ngiti mo pa lang alam ko nang ikaw yun. Habang papalapit kayo sa ‘kin, napansin kong magkahawak ang inyong mga kamay. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman sa mga oras na yon. Bigla akong napa-isip. Bigla akong naguluhan. Namalayan ko na lang na kinakausap mo na pala ako

“Les, siya nga pala yung minamahal ko.”

Mas lalo akong naguluhan, hindi dahil sa sinabi mo kundi sa bigla kong naramdaman. Pakiramdam ko bigla akong nalungkot. Parang nagdilim ang buo kong paligid. Ang ipinagtataka ko lamang ay kung bakit ko naramdaman ang ganoong mga bagay. Dahil ba sa may nararamdaman na ko para sa’yo? Pero bakit ikaw? Hindi ko namalayan na kinakausap mo pa rin ako, kaya kung anu-ano na lang ang sinasagot ko sa’yo, hanggang sa sinabi ko na lang na kailangan ko na lang umalis. Malamang gusto ko lang umiwas na makita ka—na may kasamang iba.

Sa aking paglalakad, dinala ako ng mga paa ko sa simbahan. Hindi ako pumasok sa loob. Pumunta ako sa isang sulok sa labas ng simbahan. Doon nakita kong may mga bata. Isang babae at isang lalaki. Naisip ko tuloy, ano bang maitutulong nila sa kin? Pero ganun pa man, kinausap ko pa rin sila. Inabutan ako ng ulan. Tila nakikisama pa ang panahon sa nararamdaman ko.

Ala-una ng madaling araw nagising ako. Nagising akong may takot pa ring nararamdaman. Tandang-tanda ko pa ang pinaka-unang sinabi ko: “Buti na lang panaginip lang”

Para maibsan kahit konti ang nararamdaman ko, tinext ko yung mga kakilala ko. Therapeutic kasi para sa kin yun. Kahit papano, gumagaan ang pakiramdam ko. Heto ang nilalaman ng text message:

Hindi ko alam kung bakit kita napanaginipan… Ngiti mo pa lang alam ko nang ikaw yun. May kahawak na kamay. Buong tapang mong sinabing “Les, eto nga pala ang minamahal ko.” Naging madilim paligid ko. Bakit nga ba? Dahil mahal na kita? Batid ko na hindi mo to mababasa. Natatakot ako sa nararamdaman ko… pero masaya ako na PANAGINIP lang ang lahat. Tama. Panaginip LANG. Ganun pa man mas takot ako sa katotohanan na ikaw at ako ay hindi abot ng realidad…

Bakit ba ganun na lang ako katakot? Hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko. Naramdaman ko na to dati pa, mga ilang buwan na rin ang nakakaraan… akala ko mawawala din. Nawala nga, pero biglang bumalik ngayon. Nakakainis. Hindi ko alam kung gusto ko o hindi itong nararamdan ko… para sa’yo. Pero ikinakatakot ko kung saan pwedeng humantong ito. Hindi ko alam kung may patutunguhan. Nasa self-denial pa rin ako. Alam kong imposibleng maramdaman mo rin ang nararamdaman ko. Talagang napaka-imposible. Sobrang imposible. Pero bakit hindi ko magawang aminin sa sarili ko na umaasa ako kahit konti? Ayoko ng ganito. Itatapon ko na lang to. Alam kong makakaya ko.

Hindi kita mahal. Imposibleng maging tayo. Napaka-imposible.

Ewan

Sobrang nakakainit ng dugo ang araw ko kahapon. Heto ang mga dahilan:

1. Sira ang telephone namin.

2. Hindi nai-print ang ginawa kong research assignment na nai-print naman nila para sa sarili nila.

3. Walang colored ink ang unang computer shop na pinuntahan ko.

4. Nakalimutan kong i-save sa diskette ang research ko na naka-attach sa email.

5. Naalala kong wala pala akong dalang diskette.

6. Ito ang pinaka nakaka-high blood: Naglakad ako ng mahaba sa ilalim ng napakatinding sikat ng araw para maghanap ng ibang computer shops.

7. Walang colored ink sa pangalawang computer shop na pinuntahan ko.

8. Puno sa pangatlo.

9. Puno rin sa pang-apat.

10. Walang colored ink sa panglima.

11. Dumulas sa kamay ko ang cp ko at tumalbog ng apat na beses sa harap ng maraming naglalakad na tao. Dyahe.

12. Nagasgasan ang cp ko.

13. Bagsak ang midterm test ko sa Circuits 1.

14. Binuhat ko si Karen (joke lang. Hehe!)

15. Nakatulog na naman ako at hindi ulit nakapag-dinner.

Grabe. Ayoko nang maulit ang araw gaya ng kahapon. Buti na lang nakita ko si Jan pagkatapos ng klase. Syempre bigla kaming nagkaron ng lakad, nagtext kasi si Epi eh. Pero hindi kami uminom, kumain lang kami, magda-drive pa kasi si Jan. Umuwi kami mga bandang 8pm.

Sana talaga hindi na maulit ang araw ko kahapon. Malas!