Waw. Limang taon na pala ang blog ko. Salamat sa mga tumatangkilik.
Yessssssss, isang taon na palang walang bagong post sa blog ko. Salamat sa mga sumuko sa kahihintay. Susulitin ko kayo. Meron akong ikekwento na sana kapulutan nyo ng aral.
Pero teka muna, hayaan nyo muna akong maglabas ng sama ng loob. Sandali lang to, pramis.
Kung mapapansin nyo, yung post ko nung nakaraang taon eh tungkol sa adbentyur ko sa pag-aapply isang feeds company at sa mahiwagang amoy nito na nagdulot ng kakaibang sensasyon sa aking mga olfactory nerves. Tila nakaapekto yata yun sa aking pag-iisip at pag-unawa. Noon kasi ay tinanggap ko ang isang job offer ng isang maliit na kumpanya na merong presidenteng pwedeng maging pulitiko sa pagiging mabulaklak ng bibig. Nasilaw ako sa kanyang mga pangako, na kailanman ay hindi natupad.
Lagi kong sinasabi sa mga nakakakilala sa 'kin na wala akong pinagsisisihan sa mga naging desisyon ko sa buhay. Pero ngayon meron na.
Tama ang sinabi ko na maliit lang ang kumpanya mo. 'Wag kang mag-ambisyon na lalago pa ang munti mong kumpanya. Tandaan mo, nagsara na ang isa mong opisina sa Bulacan , at isa ako sa marami na humalakhak... BWAHAHAHA! Buti nga sa'yo. Karma lang yan. Nakakahiya at ginamit mo pa ang pagiging bulakenyo para lang maisahan kami at magamit sa iyong malagim at kahindik-hindik na plano para magkamal ng salapi. Nakakahiya ka. At ikinahihiya ko na naging empleyado mo ko. Sasabihin ko sayo ngayon 'to: Isinusuka ka na ng mga opisyal mo.
*buntong-hininga*
Ayos, Sarap sa pakiramdam! Ito ang gusto ko sa blog, nailalabas ko ang mga sama ng loob ko, prinsipyo, kahalayan at marami pang iba.
Ano nga bang bago sa kin ngayon? Eto wala ulit trabaho. Naiisip ko nga na baka magtampo na ang blog ko dahil naiisipan ko lang mag-update kapag wala akong trabaho.
Tula Ng Pang-uuto
Oh aking blog,
'wag ka nang mabagabag
Lalapatan ka na
ng de-kuryenteng tinta
Kung ako ma'y nakalimot
na sa iyo'y mag-ulat
Huwag sanang mapoot
at ako ay i-bratatat 1
Sa bawat pag-tlak-tik-tik-tlak 2
ako'y tila na-hi-hi-wi-hi 3
Para bang ako ay nasa ulap
Kinikilig at tila maiihi
Ang pag-szzzhring-ttttliiing 4 ng araw
at pag-swooosh-swooosh 5 ng dahon
nagpapabalik-tanaw
sa pag-mitzzztt-zzzttisszz 6 ng panahon
Ang mag-blog ay 'di biro,
maghapong nakaupo
'Di man lang makatayo,
'di naman makabuo
Kaya't halina, halina
aking mga ka-blog
tayo'y magsipag-sulat-sulat
Maglagay tayo ng maraming ads
para sa araw ng bukas!
Oh aking blog,
'wag ka nang mabagabag
Lalapatan ka na
ng de-kuryenteng tinta
Kung ako ma'y nakalimot
na sa iyo'y mag-ulat
Huwag sanang mapoot
at ako ay i-bratatat 1
Sa bawat pag-tlak-tik-tik-tlak 2
ako'y tila na-hi-hi-wi-hi 3
Para bang ako ay nasa ulap
Kinikilig at tila maiihi
Ang pag-szzzhring-ttttliiing 4 ng araw
at pag-swooosh-swooosh 5 ng dahon
nagpapabalik-tanaw
sa pag-mitzzztt-zzzttisszz 6 ng panahon
Ang mag-blog ay 'di biro,
maghapong nakaupo
'Di man lang makatayo,
'di naman makabuo
Kaya't halina, halina
aking mga ka-blog
tayo'y magsipag-sulat-sulat
Maglagay tayo ng maraming ads
para sa araw ng bukas!
Notes:
1 Tunog ng baril
2 Tunog ng makinilya
3 Pakiramdam ng adik (hula ko lang yun, peksman)
4 Panukalang sound effect ng pagsikat ng araw
5 Tunog ng paglagaslas ng mga dahon
6 Tunog ng time space warp. Pwede ring tunog ng ungol ng mga ipis
**************
Tambay. Ulit.
Change Career. Ulit.
Sa totoo lang, marami akong plano sa buhay. Marami akong gustong mangyari. Marami akong gustong marating. Napakadaming gagawin, pero kakarampot ang panahon.
Nag-aral ako ng Computer Engineering, pero ang una kong naging trabaho ay maging isang Technical Support Representative. Pwede na rin. Related naman kahit pano sa computers. Ayos lang sa trabaho na yun, kaso hindi ako naging masaya kahit pa sabihin nilang naging top agent ako dun.
Sumunod, naging Web Developer naman ako. Wala akong choice nun kasi yun lang ang pwede. Pwede na rin. Related naman kahit pano sa computers. Kaso naging napakasama naman ng karanasan ko sa trabaho na yun. Inabuso kami. Sobra.
Tapos kelan lang, naging resource speaker ako sa tatlong batch ng seminar tungkol sa isang web programming language. Pwede na rin. Related naman kahit pano sa computers. Mukhang masaya.
Ngayon, plano dito, plano doon. Kailangang maging maayos ang susunod na plano. Ayoko nang magkamali. Natuto ako sa naging karanasan ko sa nakaraan kong trabaho. Nagpa-uto kami. Nagpaloko kami. Napaniwala kami.
(Pagsasadula lamang, hindi ginamit ang totoong pangalan ng mga taong sangkot:)
ESTRELITA T. TALICOD: "Mapapalad kayo at kayo ay napili bilang mga alipin, este, Web Developers ng aming bonggang-bonggang kumpanya!"
WEB DEVELOPERS: :)
ESTRELITA T. TALICOD: "At asahan nyo na every three months, base sa inyong performance ay magkakaron kayo ng dagdag sa sweldo hanggang sa maging PhP 1,000,000 ang sweldo nyo kada buwan!!!!! "
WEB DEVELOPERS: "Yehey!"
ESTRELITA T. TALICOD: Mga uto-uto talaga tong mga uhugin na 'to. "Pramis ko talaga yan! Pramis talaga! Ginagawa ko yan dahil gusto kong yumaman, este, dahil isa akong bulakenya, makabayan, makadyos, maka-universe at higit sa lahat... DAHIL MEHEL KOW KEYOW!" (sabay wave ng hand ala-Sandara Park at sabay tunog ng Wowowee theme song)
At ayun nga, makalipas ang higit sa kalahating taon, isang beses lang kami inevaluate at isang beses lang nadagdagan nang konti ang kakarampot naming sweldo na ang halaga ay katumbas lamang ng sweldo ng isang entry level na janitor. Totoo. Walang halong biro. Okay, siguro pwede na ring katumbas ng sweldo ng isang entry level na security guard sa isang motel.
Alam ko na ang gusto mong sabihin: Napakasaklap.
Totoo naman. At salamat na rin at kung hindi dahil sa karanasan na yun ay hindi ko mararanasan ang maging uto-uto. Naranasan ko na kaya alam ko na kung pano iwasan.
Maging mapanuri. 'Wag basta maniwala. 'Wag masyado umasa. Mahirap umasa sa isang bagay na hindi mo alam kung mangyayari talaga. Pero ganun talaga, hindi mo malalaman na napakainit pala ng kumukulong tubig kung hindi ka mapapaso.
Usapang tonsil naman sa susunod na post. Ü